CHAPTER 4 - ADRIAN'S POV

1151 Words
“Pare, ano pang tinatayo-tayo mo diyan?” tanong sa akin ni Darren habang nakatingin ako sa papalayong babae. Ngumiti ako at tumingin sa aking kaibigan. “Tara na,” pag-aya ko sa aking kaibigan at naglakad na kami papasok sa loob ng ION. Habang naglalakad kami sa may harap ng isang shop ay napansin ng mga mata ko ang isang bag na pambabae na naging dahilan upang maalala ko ang buhay namin noon ng aking ina. FORTEEN YEARS AGO Hinihintay ko ang aking ina rito sa Tayabas West Central School II nang itulak ako ng isang batang lalaki na naging dahilan upang masira ang aking bag na sobrang luma na. “Aray ko!” daing ko nang mapaupo ako sa semento. Ngumisi ang bata. “Haharang-harang ka kasi batang dungusin!’ At nagtawanan sila ng ibang bat ana kasama niya. Batang dungusin ang tawag sa akin ng ibang bata dito dahil hindi ako katulad nila na naka-sapatos at may maayos na uniporm. Ang uniporm ko ay galing lang sa pinaglumaan ng anak nang pinaglalabahan ng aking ina. Ang nanay ko ay isang hamak na labandera lang na kung tawagin kami ng iba ay isang kahig at isang tuka, dahil kung hindi maglalaba ang aking ina ay wala kaming kakainin. Kaya sa edad kong pitong taon ay kita ko na ang hirap ng buhay namin na mag-ina. Tumayo ako at hinarap ko ang batang nanulak sa akin. “Bakit ka ba nanunulak? Wala naman akong masamang ginagawa sa ‘yo, ah!” sabi ko sa batang lalaki na nagngangalang Justin. “Eh, nakaharang ka sa dadaanan ko, eh!” sigaw sa akin ni Justin na narinig ng aking guro na naging dahilan upang lapitan kami. “Justin, bakit mo sinisigawan si Adrian?” tanong ni Mrs. Reynoso. “Ma’am, nakaharang po kasi siya sa dadaanan ko!” walang galang na tugon ni Justin kay Mrs. Reynoso. Tumingin sa akin ang aking guro. “Totoo ba ‘yon, Adrian?” Umiling ako. “Hindi po, ma’am! Nakatayo po ako rito sa tabi nang bigla akong itulak ni Justin.” magalang kong tugon sa aking guro. Tumango si Mrs.Reynoso at muling tumingin kay Justin. “Justin, bakit mo naman itinulak si Adrian? Alam mo bang p’wede kong ipatawag ang mga magulang mo? Nang dahil sa ginawa mong pagtulak kay Adrian. Hindi mo dapat ginagawa ‘yon sa ibang bata,” sabi ng aking guro kay Justin na mas ikinainis nito. Sumimangot si Justin. “Sorry po, ma’am, hindi ko na po uulitin!” Sabay tingin niya sa akin nang matalim at pagkatapos ay tumakbo na ito papalayo sa amin. Napailing na lang si Mrs. Reynoso nang dahil sa inasal ni Justin. Tumingin sa akin ang aking guro. “Adrian, sa susunod na may mang-bu-bully sa ‘yo rito sa school. Huwag kang mahihiyang magsabi sa akin.” Sabay haplos niya sa aking ulo at pagkatapos ay dinampot niya ang bag ko na nasira. ‘‘Thank you po, ma’am,’’ pasasalamat ko sa aking guro. Simula nang pumasok ako rito sa school ay maraming bata na ang nang-bully sa akin, dahil ayaw daw nila sa batang katulad ko. Minsan ay dumating din sa punto na ayaw ko nang pumasok dito sa school dahil sa mga batang walang ginawa kung ‘di ang pagtawanan at kutyain ako. Kaya lang ako pumapasok dahil sa sinabi sa akin ni nanay na tanging edukasyon lang ang kaya niyang ipamana sa akin, dahil mahirap lang kami. Ngumiti si Mrs. Reynoso sa akin at pagkatapos ay muling nagsalita. “Adrian, nasaan nga pala ang tatay mo?” tanong muli sa akin ng aking guro. “Wala na po. Ang sabi po ni nanay sa akin, patay na raw poa ng tatay ko. Kaya kami na lang po ni nanay ang magkasama,” tugon ko kay Mrs. Reynoso na ikinalungkot ng mukha niya. “Gano’n ba?” paniniguro ng aking guro na mabilis kong tinanguan. Sa tuwing may nagtatanong sa akin kung nasaan ang tatay ko ay hindi mawala sa akin ang mag-isip dahil siguro kung buhay pa ang tatay ko ay hindi kami mahirap na katulad ngayon. Tinitigan ako ni Mrs. Reynoso. “Adrian, ito ang tandaan mo. Gawin mong tuntungan ang hirap ng buhay ninyo ngayon. Upang maabot mo ang ‘yong pangarap.” Ngumiti siya at tumingin sa loob ng classroom namin. “Siyanga pala may ibibigay ako sa ‘yo. Sa loob mo na lang hintayin ang nanay mo,” pag-aya sa akin ni ma’am at pagkatapos ay inakay na niya ako papasok sa loob ng aming classroom. Nang makapasok na kami sa loob ng classroom ay pinaupo niya muna ako habang kinukuha niya ang isang paper bag. “Oh, Adrian, para sa ‘yo ito.” Sabay abot niya sa akin ng isang paper bag. “Thank you po, ma’am! Pero ano po ba ito?” pasasalamat ko sa aking guro. “Bakit hindi mo tingnan?” Sabay ngiti niya sa akin. Tumango ako. ‘‘Sige po.’’ Sabay bukas ko sa paper bag na hawak ko. Halos mapaiyak ako nang makita ko ang isang bagong bag pack na panglalaki. Tumingin ako sa aking guro. “Ma’am, para po sa akin talaga ‘to?” paniniguro na mabilis na tinanguan ng aking guro. “Oo, para sa ‘yo talaga ‘yan. Ibibigay ko sana ‘yan sa ‘yo sa darating mong kaarawan. Kaso sa tingin ko kailangan mo nang palitan mo ang bag mo. Kasi sira na siya,” malambing na wika ng aking guro na nagpaiyak sa akin. “Salamat po, ma’am,” muling pasasalamat ko sa aking guro habang ang mga luha ko ay patuloy sa pagpatak. Dahil sa sobrang hirap ng buhay namin ng aking ina ay hindi niya ako magawang ibili ng bagong bag, at ang ginagamit kong bag ay pinaglumaan lang ni Ryan Balbuena. Sa pamilya Balbuena namamasukan ang aking ina. Si Ryan ay mas matanda sa akin ng isang taon at naging kaibigan ko rin siya kahit magkaiba kami ng estado sa buhay. Simula nang pumasok ako ay tuwing Sabado at Linggo na lang kami nakakapaglaro ni Ryan. Hindi ako makapaniwala na ang lumang bag na ginagamit ko ay napalitan na ng bago ngayon dahil sa aking guro. “Adrian, mabait kang bata at natutuwa ako sa ‘yo dahil napalaki ka nang maayos ng nanay mo,” seryosong pahayag ni Mrs. Reynoso habang nakatitig sa akin. Simula nang makilala ng aking guro si nanay ay mas naging mabait ito sa akin at malimit niya akong isama sa canteen para kumain. Minsan nga ay napapagkamalan kaming mag-ina dahil raw magkahawig kaming dalawa na tinatawanan na lang namin dahil para sa akin ay minsan ay may nagiging kahawig naman talaga tayo. Pero kung si nanay ang masusunod ay ayaw niya na maging guro ko si Mrs. Reynoso na hindi ko alam ang dahilan kung bakit ayaw niya sa aking guro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD