CHAPTER 5 "ADRIAN'S POV"

1106 Words
"Sana po lahat ng guro'y katulad n'yo na mabait," maya-maya ay sabi ko sa aking guro. Siguro kung ang lahat ng guro ay katulad ni Mrs. Reynoso na matulungin sa batang katulad ko ay wala nang batang aapihin. Ngumiti si Mrs. Reynoso at hinaplos ang aking buhok. "Hangga't narito ako sa paaralang ito. Asahan mo na walang makakapakit sa 'yo, Adrian," seryosong wika ni Mrs. Reynoso habang nakatitig sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita. Pero sana nga ay magtagal dito sa school si Mrs. Reynoso dahil napakabait niya sa akin. Isang tao lang ang kilala ko na matutuwa kapag nawala siya sa paalang ito. 'Yan ay walang iba kung 'di ang aking ina. "Oh, bakit natahimik ka?" puna sa akin ni Mrs. Reynoso. "Wala po," tugon ko, kasabay nang bahagya kong pag-iling. Hangga't maaari ay ayokong malaman ni Mrs. Reynoso na ayaw at galit sa kanya ang aking ina. Tumango-tango si Mrs Reynoso habang masayang nakatitig sa akin, at pagkatapos ay bigla na lang niya akong niyakap nang sobrang higpit na labis kong ikinagulat. Sa pagkakayakap namin ni Mrs. Reynoso ay may naramdaman ako na hindi ko maipaliwanag. Basta ang alam ko lang ay mas gumaan ang nararamdaman ko para sa kanya. Nakayakap sa akin si Mrs. Reynoso nang may tumawag sa akin sa galit nitong boses. "Adrian!" Kumalas mula sa pagkakayakap sa akin si Mrs. Reynoso, at kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang tumawag sa akin ay kilalang-kilala ko na ang boses nito. "Adrian! Hindi ba't ang sabi ko sa 'yo, pagkatapos na pagkatapos ng klase mo'y umuwi ka agad!" galit na wika ng aking ina habang galit na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa amin. "Nay, pasensya na po. Pauwi na po talaga ako kanina pero inaway po ako nina Denver," paliwanag ko sa aking ina at lumapit na ako sa kanya. Nang tuluyan akong nakalapit sa aking ina ay agad niyang hinaklit ang aking braso. "Tayo na!" ani ng aking ina at hinila na niya ako palabas ng aming classroom. "Sandali lang po, Mrs. Vergara, nasasaktan ang bata," sigaw ni Mrs. Reynoso. Tumigil sa paglalakad si nanay at galit na hinarap ang aking guro. "Wala kang pakialam kung saktan ko aking anak! At ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo, na layuan mo ang anak ko!" galit na pahayag ng aking ina at muli niya akong hinila palabas ng classroom. Habang naglalakad kami ay nagsalita ay binasag ni nanay ang namumuong katahimikan sa aming dalawa. "Adrian, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo? Na huwag kang lalapit sa teacher na 'yon!" "Nay, bakit po ba galit na galit kayo kay Mrs. Reynoso? Eh, ang mabait naman po siya. Siya lang ang teacher na tanggap ang katulad kong mahirap," hindi ko napigilang tanong sa aking ina. "Basta! Sundin mo ang inuutos ko sa 'yo!" tanging sagot ng aking ina at nagpatuloy na kami sa paglalakad pauwi sa munti naming tahanan. Nang makarating na kami sa aming tinitirahan ay galit pa rin ang aking ina sa akin. Nagsalita lamang ito nang mapansin niya ang dala kong paper bag. "Ano 'yang hawak-hawak mo?" "Bag po. Bigay po sa akin ni Mrs. Reynoso," mabilis kong sagot. Napailing ang aking ina at galit na tinitigan ako. "Sa susunod, huwag na huwag kang tatanggap ng gamit mula sa kanya! Naiitindihan mo ba ako?!" galit na wika ni nanay. "Opo," tanging sagot ko. Hindi ko alam kung bakit galit na galit si nanay sa aking guro. Minsan tuloy ay hindi ko mapigilan na mag-isip kung magkakilala ba sila ni Mrs. Reynoso. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na magtanong dahil sa galit ngayon na nakikita ko mismo sa aking ina. Para bang may kaugnayan sila sa isa't isa. Tumingin ako sa aking ina. "Nay, p'wede ko po bang malaman kung bakit galit kayo sa aking guro?" muling tanong ko sa aking nanay. "Adrian, ayoko nang pag-uusapan natin ang guro mo! Basta sundin mo ang gusto ko! Lumayo ka sa kanya at huwag na huwag kang tatanggap ng kahit anong gamit mula sa kanya!" tugon ng aking ina. "Eh, bakit nga po? Gusto ko pong malaman," pangungulit ko sa aking ina. Ngumisi ang aking ina at madilim na tinitigan ako. "Gusto mo talagang malaman? P'wes para sabihin ko sa 'yo. Siya ang dahilan kung bakit namatay ang 'yong ama!" diretsong pahayag ng aking ina na lumikha nang kabingihan sa aking tainga. Hindi ako makapaniwala na ang aking guro ang dahilan kung bakit namatay ang aking ama. At hindi ko ito nakita simula nang ipanganak ako. May lungkot akong naramdaman sa aking puso dahil may dahilan pala kung bakit galit ang aking nanay kay Mrs.Reynoso. "Ano? Natahimik ka? Dahil hindi ka makapaniwala na ang pinakamabait mong teacher! Ang naging dahilan kung bakit namatay ang tatay mo! At siya rin ang dahilan kung bakit naghihirap tayo ngayon!" muling pahayag ng aking ina. Tumango na lang ako bilang kasagutan sa aking nanay. Ngayon na alam ko na ang dahilan kung bakit galit si nanay kay Mrs. Reynoso, ay wala nang dahilan na suwayin ko ang kagustuhan niya. Simula ngayon ay lalayo na ako sa aking guro at hinding-hindi na tatanggap ng anomang gamit mula sa kanya. Lumapit ako kay nanay at walang sabi-sabi na niyakap ko siya. "Nay, sorry po! Dahil sinuway ko ang utos n'yo. Pangko ko po hinding-hindi na ako lalapit kay Mrs. Reynoso. At simula ngayo'y hindi na rin po ako tatanggap ng regalo mula sa kanya," sabi ko sa aking ina na labis niyang ikinangiti. Hinaplos ni nanay ang aking ulo. "Anak, tandaan mo! Kung hindi sa teacher mo, hindi sana tayo naghihirap ngayon. At salamat at naiintindihan mo na rin ako," pahayag ng aking ina. "Opo, nay, nauunawaan ko na po kayo kung bakit galit kayo sa aking guro. Dahil siya ang dahilan nang paghihirap natin ngayon," mabilis kong tugon sa aking ina. Ngayon na malinaw na sa aming dalawa ang lahat, ay wala nang dahilan pa na maglihim ako sa aking ina. At simula sa araw na ito ay tapos na rin ang pakikipagkaibigan ko sa aking guro. "Sige na, magbihis ka na at nang makakain na tayo nang hapunan," utos sa akin ni nanay na mabilis kong sinunod. Habang kumakain kami ni nanay ay masaya kaming dalawa kahit pa tanging tuyo na may kamatis lang ang aming tanging pagkain ngayon. Simula nang magkaisip ako ay nasanay na ako sa buhay na mayroon kami ng aking nanay. At ang buhay namin ngayon ang gagawin kong tuntungan upang maabot ko ang aking mga pangarap at mabigyan nang magandang buhay ang aking ina. Ang sabi nga niya sa akin ay tanging edukasyon lang ang maiipamana niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD