CHAPTER 7 "ADRIAN'S POV"

1027 Words
Mabilis lumipas ang araw at dumating din ang araw na pinakahinihintay ko. Ang umakyat ng stage bilang isang valedictorian. Napakahalaga sa akin ang tagpong ito dahil kasunod nito ay tutungtong na ako sa highschool. Buong pagkabata ko ay wala akong hinagad kung 'di ang lumaki na ako upang matulungan ko na ang aking ina sa pagtatrabaho. Tahimik lang ang lahat habang nakikinig kami sa pagsasalita ng isang teacher na walang iba kung 'di si Mrs. Cruz. "Sa mga mahal naming mag-aaral, sa mga kapwa ko guro, at sa mga magulang na kasama namin ngayon. Gusto kong ipakilala sa inyo ang batang nagkamit nang may pinakamataas na karangalan. Siguro ay maraming nagtataka kung bakit siya ang napili namin na gawing valedictorian, at ito ang aming kasagutan. Salat man ang batang ito sa maraming bagay'y hindi naman naging hadlang sa kanya upang mag-aral nang mabuti. Hindi lang ang kanyang katalinuhan ang aming tiningnan. Kung 'di ang kanyang mabuting kalooban." Tumingin sa akin ang guro at ngumiti. "Sa lahat nang narito. Sama-sama nating pakinggan ang ating valedictorian sa kanyang talumpati. Ipinapakilala ko sa inyo ang ating valedictorian na si Adrian Vergara!" pagpapakilala sa akin ng guro. Habang nagpapalakpakan ang lahat nang tawagin ako ay hindi ko mapigilan ang umiyak dahil sa daming magagaling na estudyate ay ako ang napili ng mga guro sa pwestong ito. Nang makaakyat ako sa stage ay kinamayan ako ng mga guro at laking gulat ko nang salubungin ako ni Mrs. Reynoso. "Congratulations, Adrian! You deserved it!" bati sa akin ni Mrs. Reynoso. Tumango ako at pilit na ngumiti. "Thank you, ma'am," pormal kong pasasalamat na mabilis niyang tinanguan at bumalik na siya sa kaniyang kinauupuan. Nang nasa harapan na ako ng microphone ay huminga muna ako nang malalim bago magsimula sa aking valedictorian speech. "It was not so long ago when I dared to dream. And not so long ago, when I dared to take the first essential steps towards the fulfillment of my elementary education." Hindi ko napigilan na tumulo ang aking mga luha dahil bumalik lahat sa aking isipan ang mga pang-aalipusta sa akin noon ng iba kong kapwa mag-aaral at mga gurong walang tiwala sa aking katalinuhan. Tumingin ako sa lahat ng aking mag-aaral at muli akong nagsalita. "Today, together with all my batchmates, celebrate our success after all these years of hardship and struggle to our lessons. We reminisce the challenges that stood before, and we savor the victories that came upon our hands." Habang ginagawa ko ang speech na ito ay wala akong ibang inspirasyon kung 'di ang aking ina na siyang matiyagang nagtataguyod upang mapag-aral ako. "From the start that I went to school. I always dreamed of being the best, dahil gusto kong suklian ang sakripisyo na ginagawa para sa akin ng aking ina. So, I strived hard to be on top of the class. Despite of that, I continue to strive hard for me to reach my goal and that is being to be the TOP 1 of the class. May isang tao rin ang nagbigay sa akin ng hamon noon, upang pagbutihin ko ang aking pag-aaral. Upang mapatunayan ko sa kanya na kaya kong manatili sa pagiging scholarship na hindi niya ako kailangan tulungan." Isa si Mrs. Reynoso sa nagbigay sa akin ng hamon upang mangarap ako na makapagtapos ako ng elementary na may mataas na karangalan. Ngumiti ako at muling nagsalita. "Hindi ako nawawalan ng pag-asa, bagkus ay naging hamon sa akin ang mga pang-aalipusta sa akin noon upang pagbutihin ko pa ang aking pag-aaral, and with that I managed to be on top of the class from Grade three." Ang sarap pala sa pakiramdam na nagbibigay ka ng speech sa harapan ng kapwa mo mag-aaral at mga guro mo noon. "Standing here in front of everybody, have this feeling of pride and happiness. Because I have proven to myself that I can be the best of what I am only if will strive hard and have a sense of determination and perseverance. I am also happy because all my efforts and sacrifices were well paid off today. Nang malaman ko na ako ang valedictorian ng batch na ito'y walang pagsidlan ang aking kaligayahan, dahil unti-unti ko nang natutupad ang mga pangako ko para sa aking ina, na walang ginawa kung 'di magsakripisyo para sa akin." Isa pa rin sa inspirasyon ko upang mag-aral na mabuti ay ang estado ng aming buhay dahil gusto kong iahon sa hirap ang aking ina, at naniniwala Al ok na darating ang araw na mabibigyan ko siya nang magandang buhay. Dahil para sa akin ay walang masama na mangarap. Tuluyan nang naglandas ang mga luha ko habang hawak-hawak ko ang suot kong medalya, habang ang mga mata ko ay nakatitig sa aking ina na bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha. "These medals I have today are the fruits of my labors. And I know I could not be this best if not because of my mom, who were always there to guide me, upang matuto ako ng magandang asal. Para sa akin, ang ina ko ang una kong guro, dahil siya ang nagturo sa akin ng magandang pag-uugali." Tumingin ako sa mga guro na nasa likuran ko at nagpakawala ako ng isang ngiti. "To all the teachers for the insurmountable dedication and patient in teaching us. Ma'ams, Sirs, thank you, 'coz we've learned a lot of things from you, which I will value as I continue getting through my dreams. Maraming salamat po sa inyong lahat dahil hindi kayo nagsawa na turuan kaming lahat." Hindi ko napigilan ang aking sarili na tumingin sa isang guro na naging mabuti sa akin. At kahit dumating ang araw na iniiwasan ko na siya ay nagpatuloy pa rin siya na pangalagaan ako rito sa school. "Mrs. Reynoso, thank you so much!" mga salitang lumabas sa labi ko. Muli akong tumingin sa mga kapwa ko mag-aaral. "And to all my fellow students, good luck to us for our new journey of our life," Ngayon na magsisimula na kami sa bagong antas ng aming pag-aaral ay wala akong ibang hangad para sa aming lahat kung 'di ang maabot namin ang aming mga pangarap sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD