CHAPTER 6 "ADRIAN'S POV"

1208 Words
Simula nang malaman ko ang dahilan ng aking ina kung bakit galit siya sa aking guro ay iniwasan ko na si Mrs. Reynoso. Sa tuwing narito ako dito sa school ay tanging sa oras lang ng klase namin kami nagkikita, at tuwing oras ng breaktime ay pinagtataguan ko na siya. Kasalukayang naglalakad ako patungo sa gate ng aming school nang may tumawag sa akin. "Adrian!" Kilala ko kung kaninong boses ang tumawag sa akin kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ko at nagkunwari na lang ako na walang naririnig. "Adrian, sandali lang!" muling tawag sa akin ni Mrs. Reynoso. Hindi ko pa rin siya pinansin at naglakad-takbo na ang ginawa ko. Ngunit nang malapit na ako sa gate ay hinarang ako ng security guard. "Boy, kanina ka pa tinatawag ni Mrs. Reynoso. Bakit hindi ka tumitigil?" wika ng lalaki. "Po? Tinatawag po ako? Wala po akong naririnig, eh!" tugon ko. Magsasalita pa sana ang matandang lalaki nang may magsalita mula sa aking likuran. "Adrian, kanina pa kita tinatawag. Bakit hindi mo ako pinapansin?" tanong ni Mrs. Reynoso sa malungkot niyang boses. Lumingon ako sa aking guro. "Pasensya na po, ma'am, hindi ko po kayo narinig. May kailangan po ba kayo sa akin?" walang buhay kong sagot sa aking guro. Sa tuwing nakikita ko ang aking guro ay may galit na rin akong nararamdaman sa aking dibdib. Dahil siya na rin ang sinisisi ko kung bakit wala na akong tatay ngayon. Ngumiti si Mrs. Reynoso. "Gusto ko lang sana ibigay 'tong test paper mo. At gusto kitang tanungin kung bakit ang baba ng grades mo ngayon?" Sabay abot sa akin niya nang isang papel. Nang makita ko ang result ng test paper ko ay hindi agad ako nakapagsalita. Dahil aminado ako na simula nang malaman ko ang tungkol kay Mrs. Reynoso ay hindi ko na magawang mag-aral mabuti. "Adrian, may problema ka ba? Kasi kung palaging ganito ka-baba ang mga grades mo. Baka mawala ka nang tuluyan sa pagiging scholar," paliwanag ni Mrs. Reynoso. Umiling ako. "Wala po. Pasensya na po kung napapabayaan ko ang mga grades ko. Hindi na po mauulit," tanging nasabi kp. Tumango si Mrs. Reynoso at muling nagsalita. "Adrian, kung ano man problema mo. Huwag mo sanang pabayaan ang pag-aaral mo. Dahil hindi habang buhay ay narito ako sa school upang ipaglaban ka sa pagiging scholar mo," mga salitang binitiwan ni Mrs. Reynoso at iniwan na niya ako. Nang tuluyan na akong naiwan ni Mrs. Reynoso ay nagpatuloy na ako sa aking paglalakad. Nang dahil sa mga salitang iniwan sa akin ni Mrs. Reynoso ay nakaramdam ako nang awa para sa kanya. Dahil kahit anong pag-iwas ang ginagawa ko sa kanya ay pinoproteksyunan pala niya ako sa pagiging scholar ko. Ngunit mas naging mas matimbang sa akin ang kasalanan niya sa aming mag-ina kaya hindi pa rin magbabago ang desisyon ko na iwasan siya. PAGLIPAS NANG MARAMING TAON Maraming taon na ang lumipas at nasa ika-anim na taon na ako rito sa elementary ay isa pa rin akong ganap na scholar, dahil simula nang itinanim sa akin ni Mrs. Reynoso ang mga salitang huling narinig ko sa kanya ay mas pinagbuti ko pa ang aking pag-aaral dahil gusto kong patunayan sa kanya na kaya kong alagaan ang pagiging scholar ko. "Adrian, congrats!" bati sa akin ni Alfred. Si Alfred ang naging kaibigan ko rito sa school. Dahil katulad ko ay isa rin siyang mahirap. Kaya nga naging maging magkaibigan kaming dalawa. "Congrats? Para saan?" curious kong tanong sa aking kaibigan. Ngumiti si Alfred. "Adrian, inilabas na nila kung sino ang valedictorian ngayong taon. At ikaw 'yon!" mga salitang lumabas sa labi ng aking kaibigan na labis kong ikinabingi. "Ako? Veledictorian?" paniniguro ko sa aking narinig. Mabilis na tumango si Alfred. "Oo, Adrian! At sobrang saya ko para sa 'yo!" muling pahayag ng aking kaibigan at hinila niya ako papunta sa faculty building kung saan naka-announce kung sino ang mga honor student ngayong taon. Nang makarating kami sa labas ng faculty ay panay bati sa akin ng kapwa ko mag-aaral ang aking naririnig. "Adrian, congrats!" "Adrian, congrats! Ang galing mo talaga!" sabay-sabay na bati sa akin ng kapwa ko mag-aaral. Kung ang lahat ay masaya sa pagiging valedictorian ko ay may isang grupo ang hindi masaya para sa akin. Walang iba kung 'di ang grupo nina Denver na walang ginawa rito sa school kung 'di ang mang-bully ng kapwa namin estudyante. Hindi ko mapigilan ang aking mga luha sa pagpatak nang makita ko mismo ang aking pangalan sa pagiging valedictorian ngayon taon. Sa dami nang magagaling na estudyante rito ay napakaswerte ko na ako ang napili sa pwesto na 'yon. "Valedictorian kasi sipsip sa guro!" mga salitang narinig ko mula sa grupo nina Denver. "Adrian, huwag mo na lang silang pansinin. Mga inggit lang ang mga 'yon," bulong sa akin ni Alfred. Tama ang kaibigan ko na huwag ko na lang pansinin dahil ayoko rin ng gulo. "Hindi dapat valedictorian ang award. Dapat Valec-pozonegro! Dahil magaling sumipsip!" muling parinig sa akin ng grupo nina Denver. Tumingin ako sa grupo nina Denver at nginitian ko na lang sila. Ngunit ang totoo ay gusto ko na silang sapakin dahil sa mga salitang binibitiwan nila sa akin. "Anong nginingiti mo diyan, Mr. Sipsip?" tanong sa akin ni Denver. Umiling ako. "Wala! Gusto ko lang patunayan sa 'yo na kahit anong pang-aasar mo sa akin. Walang mangyayari, dahil naturuan ako ng magandang asal ng nanay ko." Ngumisi ako at tinitigan ko si Denver. "Eh, Ikaw? Anong asal ang tinuro sa 'yo ng mga magulang mo?" mga salitang binitiwan ko na labis na ikinapikon ni Denver. "Anong ibig sabihin mo? Na hindi ako naturuan ng mga magulang ko?!" galit na tanong sa akin ni Denver. Umiling ako. "Hindi ko sinabi 'yan! Pero dahil sa inaasal mo. Pinatutunayan mo lang na hindi ka naturuan ng mga magulang mo!" muling tugon ko Kay Denver at tinalikuran ko na sila. "Lo—" Hindi na naituloy ni Denver ang sasabihin niya nang lumabas ang mga guro mula sa faculty room. "Good afternoon, teachers!" sabay-sabay na bati namin. Halos lahat ng teacher ay masayang nakatingin sa akin. Ngunit hindi makita ng mga mata ko si Mrs. Reynoso. Gusto ko sanang magpasalamat sa kanya dahil siya ang nagbigay sa akin ng hamon upang maalagaan ko ang pagiging scholar ko sa school na ito. Habang narito pa ang mga teacher ay hinila na ako ni Alfred upang makaiwas kami sa grupo nina Denver na ngayon ay napagsasabihan ng kanilang class adviser dahil sa pagiging maloko nila rito sa sa school. Naglalakad kami ni Alfred nang makita namin si Mrs. Reynoso. Hinila ko si Alfred upang sundan namin ang guro ngunit may isang sasakyan ang tumigil sa tapat nito at masaya siyang sumakay rito. "Adrian, bakit ba natin sinusundan si Mrs. Reynoso?" tanong sa akin ni Alfred. Umiling ako. "Gusto ko lang magpasalamat sa kanya. Dahil noong panahon na napabayaan ko ang aking pag-aaral siya ang nag-paalala sa akin upang mag-aral na mabuti," tanging sinabi ko sa aking kaibigan. Sa tuwing may nagtatanong sa akin noon, kung bakit hindi na ako lumalapit kay Mrs. Reynoso ay hindi na lang ako nagsasalita pa dahil para sa akin ay kailangan ko nang kalimutan ang pagiging malapit namin na dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD