CHAPTER 8 "ADRIAN'S POV"

1113 Words
AFTER TWO MOTNHS Dalawang buwan na ang lumipas nang magtapos ako sa elementary at ngayon naman ang simula nang bagong yugto sa aking pag-aaral. "For sure, Adrian, nasa section one ka," wika ng kaibigan kong si Alfred habang naglalakad kami patungo sa may ORN Hall, kung saan nakapaskil ang mga section para sa school year na 'to. Ngumiti ako. "Kahit naman valedictorian ako noong elementary. Ayoko pa rin umasa na nasa section one ako," tugon ko sa aking kaibigan. Napailing na lang si Alfred nang dahil sa sinabi ko. Habang naglalakad kami sa hallway ay nakasalubong namin si Mrs. Reynoso. "Good morning po, Ma'am Reynoso," bati ng aking kaibigan sa dati naming guro. Tumango ito at ngumiti. "Good morning din sa inyong dalawa," pormal niyang bati sa aming magkaibigan, sabay tingin niya sa akin. "Good morning po!" walang buhay kong bati. Ngumiti ito nang pilit at muling nagsalita. "Adrian, pwede ba kitang makausap mamaya?" Hindi agad ako nakapagsalita ngunit ang kaibigan kong madaldal ay siya na ang sumagot. "Ma'am, sasamahan ko po si Adrian mamaya na kitain ka," masayang wika ni Alfred na mabilis na tinanguan ni Mrs. Reynoso. "Oh, sige! Magkita na lang tayo mamaya," muling tugon ni Mrs. Reynoso at nagpatuloy na siya sa paglalakad patungo sa kabilang building. Nang tuluyang makalayo sa amin si Mrs. Reynoso ay walang sabi-sabi na binatukan ko ang aking kaibigan. "Aray, Adrian! Bakit ka naman nangbabatok?" daing ni Alfred. Ngumisi ako. "Bakit ka pumayag na makipagkita tayo mamaya sa kanya?! Eh, alam mo naman kung bakit ko siya iniiwasan!" sabi ko sa aking kaibigan. "Adrian, alam ko 'yon. Pero dapat bigyan mo rin ng chance si Mrs. Reynoso na makapagpaliwanag tungkol sa side niya. Hindi 'yong porket sinabi ng nanay mo gano'n, hindi mo na papakinggan ang side niya," paliwanag ng aking kaibigan. Hindi agad ako nakapagsalita dahil tama naman siya na hinusgahan ko na lang bigla ang guro ko noon. Siguro nga'y dapat kong alamin kung bakit naging dahilan siya sa pagkamatay ng tatay ko. Tinapik ni Alfred ang balikat ko. "Hindi ka nakapagsalita 'no? Dahil tama ako. Adrian, mas maganda ang maging malinaw ang lahat. Kesa ang magtanim ka ng galit diyan sa puso mo, na hindi mo inaalam ang side niya," payo niya sa akin na tinanguan ko na lang. Matagal na rin na panahon na iniiwasan ko si Mrs. Reynoso. Siguro nga ay oras na upang kausapin ko siya upang mas maging malinaw ang lahat. Magsasalita na sana ako nang bigla na akong hilahin ng kaibigan ko patungo sa ORN Hall. Nang makarating kami sa ORN Hall ay nakita agad namin kung saan section kami kabilang at maswerte rin na magkasama pa rin kami ni Alfred sa section one. "Wow! Hindi ako makapaniwala na nasa section one ako!" masayang sigaw ni Alfred. Ngumiti ako. "Ikaw lang, eh! Walang tiwala sa sarili mo," biro ko sa aking kaibigan na nginitian niya. "Eh, kasi po! Hindi naman po ako kasing talino mo para mapapunta rito sa section one at muli niyang tiningnan ang papel na nakadikit sa dingding. "Yes! Mabuti na lang hindi natin classmate ang bully na 'yon!" muling sigaw ng aking kaibigan. Napatawa na lang ako sa tinuran ni Alfred. Pero masaya rin ako na hindi na namin classmate si Denver na walang ginawa kung 'di i-bully ako. "Alam mo, Alfred, malabo na maging classmate natin siya. Dahil ang alam ko puro pasang-awa raw ang mga grades niya," pabirong sabi ko sa aking kaibigan. "Talaga lang ha! Pasalamat pa pala siya at puro pasang-awa ang grades niya," mga salitang lumabas sa labi ng aking kaibigan. Tumango ako. "Oo!" tanging nasabi ko. Magsasalita pa sana ako nang muling magsalita si Alfred. "Adrian, tara sa canteen, kain muna tayo." "Sige," pagpayag ko ngunit ang totoo ay wala akong sapat na pera na pambili ng pagkain ko. Nang nasa canteen na kami ay tanging tinapay lang binili ko dahil 'yon lang ang tanging kasya sa pera ko. Habang bumibili pa ang kaibigan ko ng pagkain niya ay pumunta na ako sa isang bakanteng lamesa. Nang nasa lamesa na ako ay hindi agad ako kumain dahil hihintayin ko muna ang kaibigan ko upang sabay kaming kumain na dalawa. Maya-maya ay natapos na rin ang aking kaibigan na bumili nang pagkain niya at hindi nagtagal ay lumapit na ito sa akin. "Kain na tayo, Adrian," sabi ng kaibigan ko at pagkatapos ay inilagay niya ang isang pinggan na may pagkain sa harapan ko. "Alfred, ano 'to?" tanong ko sa kanya. Ngumiti ang kaibigan ko. "Papayag ba naman ako na habang nakain ako'y hindi ka kakain?" mga salitang lumabas sa labi ni Alfred. "Anong hindi kakain? Eh, kita mo naman na bumili ako ng tinapay," tugon ko sa aking kaibigan. Tinitigan ako ni Alfred at pagkatapos ay muli siyang nagsalita. "Adrian, alam ko gutom ka na rin dahil naririnig ko na rin ang pagkalam ng tiyan mo. At alam ko na hindi sapat ang isang tinapay para pangtawid ng gutom mo. Kaya ibinili na rin kita. Isa pa, magkaibigan tayo, kaya dapat nagtutulungan tayo," mahabang litanya ng aking kaibigan. Nang dahil sa mga salitang narinig ko mula sa aking kaibigan ay mas naawa ako sa aking sarili. Alam kong ang lahat nang paghihirap ko ngayon ay may magiging kapalit na ginhawa sa hinaharap basta samahan ko lang nang pagsisiskap ang pagtitiis ko sa buhay namin na mayroon kami ngayon. Tumingin ako sa aking kaibigan. "Pangako, Alfred, sa oras gumanda ang buhay ko, ikaw ang una kong mamakatikim sa pagginhawa ko," sabi ko sa aking kaibigan. Tinitigan ako ni Alfred. "Alam ko na hindi malabo mangyari 'yon. Dahil kita ko ang pagsisikap mo. Basta ito ang tandaan mo, sa hirap at ginhawa, kasama mo ako," wika ng kaibigan ko sa akin na labis kong ikinatuwa. Hindi ako nagsisisi na nakipagkaibigan ako kay Alfred dahil mabait siya at siguro kung mayaman talaga siya ay tutulong siya sa mga katulad kong salat sa hirap. Minsan kapag nakikita ko na nahihirapan na ang aking ina sa paglalabada para buhayin ako ay naiiyak na lang ako dahil gusto kong makita naman ang nanay ko na nagiginhawaan sa buhay. Dahil sa buhay mayroon kami ngayon ng aking ina ay hindi mawala minsan na sisisihin ko si Mrs. Reynoso na naging dahilan kung bakit ulila ako ngayon sa aking ama. At dahil sa nangyari na naman ngayon ay wala na akong balak na makipagkita mamaya kay Mrs. Reynoso, dahil hangga't naghihirap kaming mag-ina ay hindi mawawala ang galit ko sa kanya. "Kain na tayo," muling sambit ng aking kaibigan na mabilis kong sinunod. Habang tahimik kaming kumakain na magkaibigan ay isang desisyon ang nabuo sa utak ako upang makaganti sa kabutihan ng aking kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD