8

1762 Words
Naging mailap ang antok kay Hasmine nang nagdaang gabi. Pabiling-biling na siya sa higaan ay ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Ang ikinaiinis pa niya, bigla na lang lumilitaw ang imahe ni Luke sa kanyang isipan. Idilat man o ipikit ang mga mata, mukha nito ang nai-imagine niya. Ang nangyari tuloy ay inumaga siya ng gising. Napabalikwas siya ng bangon nang matanto ang oras sa wall clock na kanyang namulatan. "Inay ko po! Mabubungangaan ako ni Tiyang." Halos lundagin na niya ang higaan at hindi na pinagkaabalahang magsuot ng sapin sa paa. Pahablot niyang kinuha ang nakasabit na tuwalya at halos patakbo nang lumabas ng silid. Ang ayusin ang gusot na buhok ang pinakahuli niyang pagtutuunan ng pansin. bahala na, sila-sila lang naman ang tao sa bahay. 'Yon ang pagkakamali niya. Naratnan niyang kasalukuyan nang nagbi-breakfast ang lahat at naroroon si Luke, kasalo ng mga ito. Panandaliang nag-ugnay ang mga titig nila. Bigla tuloy niyang natsek ang sarili. Wala sa ayos ang buhok, baka may laway pa ngang nakaguhit sa pisngi niya. In short, she is a complete mess. Eh, ano naman? Paki ba nito. "Tiyang, Tiyong, pasensya na po, tinanghali ako ng gising." "Baka may iniisip ang pamangkin natin." Ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang pisngi nang dahil sa simpleng biro ng tiyuhin. Ang nakakainis pa, hindi niya naawat ang mga matang titigan ulit si Luke. Umiinom ito ng kape pero sa kanya nakatutok ang paningin nito. May kakaiba sa kislap ng mga mata nito. Pakiwari niya tuloy, mainit pa sa kapeng hinihigop nito ang pakiramdam niya. "Min, maligo ka kaya muna," ang pinsang si Lyn-Lyn na nakaismid pa. "Mukha kang basura diyan sa ayos mo." "May monster ba sa panaginip mo at sinabunutan ka?" pumalatak pa ng tawa si Voltaire bago kinagat ng malaki ang hawak na tinapay. Burara talaga. Bakit ba kasi lagi na lang siyang nilalagay sa kahihiyan ng mga pinsan? Si Luke naman ay amused lang na nakatitig sa kanya. Nakababa na ang tasa at nakapatong sa sandalan ng upuan ni Lyn-Lyn ang braso. Bumaba ang mga paningin ni Luke. Nasundan niya iyon. Sa panggigilalas niya, sa dibdib niyang bumabakat sa t-shirt napadpad ang makasalanan nitong mga mata. Ora mismo, naitakip niya ang nakasukbit na tuwalya sa harapan upang matabunan ang eskandaloso niyang dibdib. Kahit naman hindi kalakihan ang dibdib niya, nakakahiya pa rin. "Tigilan ninyo na nga si Hasmine." Ang tiyahin niya, always to the rescue. "Kahit naman anong ayos ni Hasmine, maganda pa rin naman siya." Kaswal lang ang pagkakasabi ni Luke. Walang ibang ibig sabihin, pero bakit iba ang dating sa kanya? Talagang sa harap pa ng mga kamag-anak at mismong sa mukha niya nakatitig. Nag-aalala tuloy siya na baka may mahalata ang mga kaharap. 'Yon ang pinakaayaw niya. Binawi niya ang paningin mula rito. Nakakpaso nang masyado. "Excuse me." Dali-dali siyang pumanhik n g banyo. Sunud-sunod ang pagpakawala niya ng hangin nang mapag-isa. Ilang segundo rin niyang tinitigan ang sarili sa salamin. Nakakahiya nga hitsura niya. Sinimulan niya ang paliligo nang ang utak ay lumilipad sa labas ng banyo. Mula sa loob ay dinig niya ang biruan ng mga pinsan. Nakakapagtaka lang na bibihira niyang naririnig ang boses ni Luke. 'Grr...Bakit ka ba Luke nang Luke?' Para maging barado ang tainga niya, nilakasan niya ang bukas ng gripo. Nakatulong kahit papaano ang tagaktak ng tubig na tumatama sa tabo sa timba. 'Maligo ka na nga lang.' Sinadya niyang tagalan ang paliligo nang sa gayon ay wala na si Luke paglabas niya. Paminsan-minsan lang naman siyang tatakas sa mga responsibilidad niya sa bahay. Bahala na si Lyn-Lyn na magligpit ng mesa. Awkward lang talaga ang pakiramdam niya sa mga titig na ipinupukol ni Luke sa kanya. At ang nangyari kagabi, kapag binabalikan niya sa isip, nagsisitayuan ang mga balahibo niya. Napabuntung-hininga siya. Masama na talaga ito. Para na siyang namamaligno at kailangan nang maagapan. Nangnatahimik ang kusina, saka lang siya nagdesisyong lumabas. Nakabalot na sa tuwalya ang ulo niya at ibinalik niya lang ang pinaghubaran. Mabilis siyang nagbihis. Ganoon din kabilis siyang kumain at pagkatapos hugsan ang pinagkainan ay naglagay na ng baon sa tupperware. Nagmamadali siyang bumaba ng hagdan ngunit kaagad ding napatda. Nagkakamali siya ng inakalang nakaalis na si Luke. Naroroon pa rin ito, nakasandal sa hood ng lumang kotse. "Hatid ka na lang namin, Min." "Huwag na, Insan. Baka iba ang direksyon ninyo." "Come on, Hasmine. Isasabay ka na lang namin. Late ka na, hindi ba?" Sandali siyang napag-isip. Napatingin siya kay Luke. Determinado itong mapapayag siya. For practicality, pumayag siya. "Good." Binuksan nito ang pintuan ng backseat para sa kanya. "Sakay na." Nang hawakan nito ang siko niya ay agaran niyang naipiksi ang kamay nito. Iba kasi ang epekto sa balat niya. Nakita niya kung paanong gumalaw ang panga nito. Nakakagalit ba talaga ang ginawa niya? Kilala niya si Luke bilang mapagbiro pero ibang side na naman nito ang nakikita niya. Magkasabay na ring sumakay sa kotse ang pinasan at si Luke. Si Voltaire ang nasa harapan ng manibela. Habang umaandar ang kotse, panay ang kuwento ng pinsan tungkol sa photoshoot na pupuntahan ng mga ito sa Laguna. Sa gitna ng ingay ni Voltaire, kapwa sila tahimik ni Luke. paminsan-minsan ay nagtatama ang mga mata nila sa salamin dahil para maging aligaga siya. Ang ginawa niya na lang ay ang ituon sa labas ng bintana ang paningin pero wala naman doon ang buo niyang atensyon. *** "Ulitin natin ang take, hindi masyadong maganda ang kuha." "Na naman, Luke?" Umaangil na si Voltaire. Mataas na ang sikat ng araw at tagaktak na rin sa pawis ang mga katawan nila. Kahit pa nga sabihing may bubong na nakapandong sa kanila. It's just that, hindi siya makuntento. Nakakakita at nakakakita siya ng mali. Nakailang take na siya pero panay pangit ang kuha. Nadidismaya sa sariling siya na ang mismong humiling ng break. Nakakahiya na rin sa mag-anak na kinukunan nila. "Sa wakas!" napapaitong bulalas ni Voltaire. Makabubuti pa nga dahil talagang wala sa isipan niya ang ginagawa. Binabagabag siya sa pagdedma ni Hasmine sa kanya buong umaga. Mababaliw na talaga siya sa kaiisip kung paano paamuin ang dalaga. Baka nga siguro naging agresibo siya kagabi at natakot si Hasmine. "Kumain muna kayo." Ang bait ng kliyente at ini-entertain silang mabuti. "Wala ka sa sarili ah," puna ni Voltaire na nagsisimula nang kainin ang sandwich na s-in-erve ng waiter sa resort na kinaroroonan nila. Nakakatakam ang sandwich pero pati gutom ay tnakasan siya. "Mukha kang in love." Natumbok nito. He's secretly and madly in love, matagal na. Matagal nang nakakulong sa dibdib niya ang nararamdaman. "Oops tama yata ako. Naku! Mahirap yan. Ika nga ni Hasmine, distractiont ang pag-ibig." Napasok na rin lang si Hasmine sa usapan ay pasimple na siyang nagtanong. "Wala bang boyfriend 'yon?" aniya na sa pagkagat ng sandwich ibinaling ang pansin nang hindi siya magiging obvious. "Boyfriend? Meron." Kinabahan siya. Nalunok niya ng buo ang kinagat na tinapay. Meron nga kaya? Baka nasa probinsya nito, naghihintay. "S-sino?" He hated himself for allowing his voice to tremble. Pati kamay niya ay tila naging pasmado rin. s**t! Aatakihin na siya sa puso nito. Hindi pa man, naninikip an ang dibdib niya. Napainom tuloy siya ng juice na wala sa oras. "'Yong mga libro niya sa accounting. Doon inlab si hasmine. Ewan ko ba do'n, masyadong in love sa pag-aaral." kahit paano, lumuwag ang pakiramdam niya. "Baka naman may manliligaw." He couldn't help himself but probe. "Wala." Kampanteng pangungumbinsi ni Voltaire. Tila nabuhayan siya ng loob. Palihim siyang napabuga ng hangin sa kawalan. Hindi niya yata maatim na may ibang poporma kay Hasmine. Baka mapilipit niya sa leeg. Sa mga pagkakataong lihim niya itong inaantabayan sa labas ng eskwelahan, wala naman siyang nakikitang umaali-aligid dito. Kapag nagkataong may nakakasabayan itong kaklaseng lalaki, lihim na nagngngitngit ang kalooban niya sa selos. Damn this unrequited love. Ang tanga niya lang kasi, 'di niya magawang lapitan ito. Kinakabahan siya sa tuwina. Tama nga yata si Mang Ernest, ang kupad niya at torpe na rin. "Baka mas type niya ang mga nerds?" Baka-sakaling makakuha siya ng karagdagang impormasyon. Sa tagal nilang magkaibigan ni Voltaire kahit ito ay walang alam sa tunay na estado ng puso niya. "Kung magpapaligaw man 'yon sigurado pipiliin talaga ang nerd. 'Yong mga tipo natin, 'di papasa do'n. Isa pa, magsi-CPA pa ang pinsan ko kaya wala sa isip ang love life." Yong mga tipo natin. Tumatak 'yon sa kanyang utak. All the more na nakakaramdam siya ng insecurity. Pakiramdam na ay hind siya sapat para kay Hasmine. Oo nga at galing siya sa may kayang pamilya, pero ano nga ba'ng maipagmamalaki niya? He almost dropped out of college. pasang-awa nga lang ang mga grades niya. Kaya siguro halos pandirihan siya nito kagabi. Every time na naiisip niya ang reaksyon nito, nahihiya siya. Nakakapingas 'yon ng damdamin. "Bakit, ano ba ang mga tulad natin?" He was rubbing salt on his wound by merely asking that. "Tingnan mo nga tayo, magdadalawang taon na nating ginagawa ang ganito. Kung tutuusin graduates naman tayo pero markado ang mga TOR natin. Ang kaso sa'yo, 'di mo lang talaga sineryoso ang pag-aaral kahit matalino ka naman. Kaya heto tayo ngayon, pinapatos kahit ang dalawang senior citizens na in love at gustong magpakasal ulit." May punto ang kaibigan. Ngayon tuloy niya pinagsisisihan kung bakit sinadyang 'wag pagbutihin ang pag-aaral. Masyado siyang kinain ng pagrirebelde sa ama. "Pano kung may manligaw nga sa kanya na...na kagaya natin?" Nilingon siya nito. "Sisipain ko. Lalo na ni Tatay. Our Hasmine deserves better. Kahit si Lyn-Lyn man." "Paano kung ako 'yon?" There, he said it. Panandaliang napatda si Voltaire. Halata ang gulat sa tanong niya. "Ikaw?" He had that mocking smirk on his face. "Please, huwag. Huwag ang Hasmine namin. Baka masama pa 'yon sa mga babaeng hahabol-habol sa'yo at 'di mo naman siniseryoso." Kahit pala kaibigan niya, threat ang tingin sa kanya. Porke ba't friendly siya sa mga babae ay player nang matatawag? "Anak ka ng ama mo, 'no?" His jerk of a father. "Take na ulit tayo." Inisang lagok ni Voltaire ang lamang juice ng baso at nagsimula nang ihanda ulit ang mga paraphernalia. Nasundan niya ito ng titig na binabagabag ng mga sinabi nito ang isip niya. Voltaire thinks he doesn't stand a chance with Hasmine. Napabuntunghininga siya. No, hindi siya maggigive-up unless si Hasmine ang tahasang magsasabi. Nasimulan na rin lang niya. Saka siya napatingin sa mag-asawa na sa kabila ng katandaan ay sweet pa rin sa isa't-isa. Gusto niya ng ganito. He'd love to grow old with someone, and that someone happens to be Hasmine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD