CHAPTER 7: STANLEY IS HIS BROTHER
“Hm, where is your bodyguard?” Ginala niya ang paningin ngunit hindi niya makita ang tinutukoy, “Nag-away ba kayo?” muling tanong niya.
Matagal siyang tinitigan ni Yoshiko, nang mapagtanto niya ang tinutukoy ng kanilang captain na si Scien ay hindi niya napigilang tumawa.
“Cap, he's not my bodyguard, he's our manager, you let him in, right?” sagot nito matapos inumin ang natitirang energy drink sa bote.
Tinapik ni Scien ang balikat ni Yoshiko, “Dude, he threatened me. He originally wanted to be a player, but he suck at it, pinagpilitan niya lang na gawin siyang manager as long as he could catch up to you, well, aren't he your bodygyard? How nice.”
“He's my brother,” simpleng sagot nito.
Saglit napaawang ang bibig ni Scien, ngunit agad din siyang ngumiti, “Brother huh? So, nasaan na ang kapatid mo?”
“Some girls pulled him on the way here.”
Bumuka ang bibig ng captain, Oh? pagkatapos ay humagalpak ng tawa.
“Hala! Tumawa si Cap!”
“Creepy.”
“Yoshiko, paano mo napatawa si Cap? Tutorial naman!”
Tumalikod na si Scien, ilang ulit na tinawag ang atensyon ng mga miyembro ng volleyball club bilang senyales na tapos na ang kanilang break.
Ngumiti si Yoshiko, napakamot siya sa batok at buntonghiningang lumapit na sa team.
“Cap, marunong ka palang tumawa?”
“What? Anong tingin niyo sa 'kin? Robot?”
“Oh? You're back.”
“Eh?”
“Well, your brother told me that some girls pulled you,” wika nito sa kadarating lang na si Stanley. Pawisan pa ito at hinihingal, wari'y galing sa pagtakbo.
“Ha... brother? Ah, you mean, Yoshi?”
“Hm, so, kailan mo balak sabihin sa kanya?”
“Tell what?” ani Yoshiko, “Yo, Stan, punasan mo 'yang pawis mo,” asik nito at hinagis sa mukha ni Stanley ang isang bimpo.
Nakangiting umupo sa tabi ng scoreboard si Stanley habang habol nang tingin si Yoshiko. Ilang beses siyang nagpakawala ng malalim na buntonghininga bago ngumiti at sinampal-sampal ang sarili.
“Hm, net touch! Point for team B!” sigaw niya't binigyan ng puntos ang team B.
Naging maayos ang practice match hanggang sa natapos ito sa pagkapanalo ng team B na kinabibilangan ni Yoshiko.
“Yoshi! May sasabihin ako sa 'yo — ah.” Naiwan siyang tila hanging dinaanan ni Yoshiko matapos tumunog ang cellphone nito.
Abot-langit pa nga ang ngiti nitong sumalampak sa sahig.
“Nice call, Stanley,” bulong ng captain at tinapik ang balikat niya, “Do your best, brother.”