CHAPTER 06: THIS MUST BE LOVE

872 Words
CHAPTER 06: THIS MUST BE LOVE “Megumi Valdemor, hmm? Alin dito 'yon? Ang dami naman niyang kapangalan,” bulong ni Yoshiko habang hawak ang cellphone at isa-isang tinitingnan ang bawat sss accounts na may pangalan ng may-ari ng panyong nahulog ng babaeng nakasabay niya sa jeep. “Hmm, ito na ba 'yon?” tanong niya sa sarili. Matagal niyang tinitigan ang account. Walang ibang impormasyon sa account maliban na lang sa pareho sila ng school na pinapasukan, at nakatira lang din sa kalapit na barangay. Isang anime character ang profile picture nito, si Nuriko, gano'n din ang cover na group photo ng mga anime characters. Pamilyar sa kanya ang show, pinalabas na noon ang anime sa Philippine TV, paborito nga iyon ng ate ni Stan, paborito niya si Tamahome. Fushigi Yuugi: Mysterious Play by Yuu Watase. Natigilan siya nang makatanggap ng text mula kay Stanley. Papunta na ko, Yoshi. Hintayin mo na lang ako, mainit na. Matapos mag-reply ng simpleng, Okay ay muli niyang binalikan ang account ni Megumi Valdemor. “Malakas talaga ang pakiramdam kong ito na 'yon.” Sinubo niya ang natitirang burger at pikit-matang pinindot ang add friend button. Huminga siya nang malalim at nang saktong hihigupin na niya ang natitirang ice tea ay tuluyan siyang nalunod, nalunok pa niya ang isang ice cube. “Ha? M-Megumi?” Nanlalaki ang mga mata niyang sinundan ng tingin ang bagong dating na babae. Dumeretso siya sa counter para umorder, pagkatapos ay umupo sa bakanteng table, sa likuran ni Yoshiko. Gustuhin mang lingunin ni Yoshiko ang babae ay hindi niya ginawa. Inaalala niya ang kanyang leeg, baka mabali pa, halos sumabog na nga ang puso niya sa bilis nang t***k e. “Ha, it's really Megumi,” bulong niya, “Even her voice, ha, it's soothing. Shit.” “Yoshi...ko! Gumising ka na, hoy.” Piningot ng kadarating lang na si Stanley ang kaibigang masyadong ninanamnam ang kanyang imahinasyon. Nanlalaki ang butas ng ilong na sinamaan ng tingin ni Yoshiko ang kaibigan. “What were you thinking? Daydreaming about what? A girl? You sounded like an old p*****t, Yoshiko, stop that,” sunod-sunod na tanong ni Stanley, umupo siya sa harapan ni Yoshiko at nakapangalumbabang pinagmasdan ang unti-unting pamumula ng mukha ng kaibigan. “Then, nabili mo ba pinabibili ni Tita?” Nakasimangot na kinuha ni Yoshiko ang isang eco-bag at pinatong sa kanilang table. “I got it, and I didn't got lost.” “Wow.” Bumungisngis si Stanley, “Ano? Tara na? Gutom na ko e,” pag-aaya niya at nauna ng tumayo 'saka binitbit ang eco-bag na may lamang mangga at inihaw na manok. “Hoy, baka naman mabangga ka na niyan...mamaya ka na gumamit ng cellphone,” suway ni Stanley sa kaibigan ngunit hindi ito pinansin ni Yoshiko at nanlalaki ang mga matang nagpalipat-lipat ang tingin sa cellphone at doon sa table nila kanina — hindi, nakatingin siya sa babaeng may hawak ng cellphone, si Megumi ayon kay Yoshiko. Nangungunot ang noong sinilip ni Stanley ang phone ni Yoshiko, mas lalong nagsalubong ang kilay nang mabasa ang naroon. “Megumi Valdemor accepted your friend request, and you're blushing like that? And...no...that girl at the next table...siya ba si Megumi? Ha? She's the girl you're crushing on?! Heck, she's beautiful,” natatawang sambit ni Stanley, saglit niyang sinulyapan ang babae sa kabilang table at muling bumaling sa kaibigang wari mo'y tumama na sa lotto. “Shh, huwag mo siyang tingnan, baka mapansin pa tayo,” bulong nito, “But, what do you think? Maganda 'no? Mukha rin siyang mabait, Stan, I think I'm inlove.” Nakangiwing tinitigan ni Stanley si Yoshiko. Tinagilid pa nito ang kanyang ulo at hinimas-himas ang baba nito, “Maganda nga, mabait, and cute, you think I'm inlove?” “Huh?! Inulit mo lang ang sinabi ko! Tara na nga!” inis na wika ni Yoshiko. Muling nilingon ni Stanley ang babae, saglit pang nagtama ang kanilang paningin kaya't pilit na ngumiti siya at malalim ang hiningang pinakawalan bago sumunod sa kaibigan. “Stan.” “Hey, Stan?” “Ano?” “Ha? Ayos ka lang ba?” “Ano nga 'yon? I'm fine.” “Ate Stell...what did you talked about?” “Hmm, nothing. She's just worried since I hadn't contacted her. Kilala mo naman 'yon, she's a bit OA.” “Mahal ka lang ng kapatid mo.” “Hindi niya kailangang mag-alala, she's busy too.” “You're the same, you know,” wika ni Yoshiko. “No way,” tanggi niya pa, “Hoy, tumabi ka nga. Mabangga ka.” Tinabig niya si Yoshiko papunta sa gilid ng kalsada na agad tinawanan ng huli. “You're the same,” pagpupumilit ni Yoshiko, “Naalala mo no'ng tinawagan mo sina Mama dahil hindi mo ako nakita sa classroom namin? Muntikan ka pa ngang tumawag ng police, e nasa comfort room lang naman ako kasi may biglaang tawag ng kalikasan, so...you're the same.” “The reason why you volunteered to be our team's manager, you wanted to keep an eye on me, right?” Nilingon niya ang kaibigan. “You're w-wrong.” “Yeah, yeah.” “Pero hindi ka naniniwala.” “Nope, I believe you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD