CHAPTER 08: ALL IS WELL

430 Words
CHAPTER 08: ALL IS WELL Ilang minuto matapos ang takipsilim, 'saka lamang nagpaalam sina Yoshiko at Stanley upang umuwi. Habang panay ang dutdot sa cellphone ni Yoshiko, magkapanabay silang naglalakad patungo sa sakayan ng jeep nang matigilan si Yoshiko. “Anong problema, Yoshi?” takhang tanong ni Stanley sa kaibigan. Kinapa ni Yoshiko ang kanyang mga bulsa, binuksan lahat ng mga zipper sa kanyang bag at maluha-luhang bumaling sa kanyang kaibigan na nakatingin lang din sa kanya. “'Yong handouts para sa tournament! Naiwan ko yata!” bulalas niya ngunit tinawanan lamang siya ni Stanley. Binuksan ni Stanley ang kanyang bag at malawak ang ngiting hinampas sa ulo ng kaibigan ang dalawampung pahinang handouts dahilan upang dumaing ang huli. “Cellphone pa kasi e 'no? Sino ba 'yang ka-chat mo at para kang wala sa sarili throughout the meeting?” pag-uusisa pa ni Stanley habang pilit pinagkakasya ang handouts sa bag ni Yoshiko. “Remember the girl we saw at Dallydee? M-Megumi, I mean.” Nangingiti si Yoshikong pinakita sa kaibigan ang conversation nila ni Megumi na tanging si Yoshiko lamang ang interesado, kahit seen ay wala. Tumango-tango si Stanley 'saka binatukan ang kaibigan. “Happy ka na riyan? E hindi ka nga s-ini-seen e,” tuya pa nito kaya ang Yoshiko ay mabibigat ang mga hakbang na sumampa sa humintong jeep. “Delivered,” depensa ni Yoshiko habang inaabot ang mga bayad ng ibang pasahero, “Kuya, Alfonso lang po.” “Whatever,” bulong ng kaibigan at agad ngumiti nang mag-flash ang camera ng babaeng nasa harapan nila. “Ay, sorry po,” paumanhin ng babae at nagbakasakali pang kumuha ng isa pang picture dahil blurred ang kuha niya ngunit hindi siya umubra sa malakas na buntonghininga ni Yoshiko. “Seriously? How are you still single?” “Ask yourself, dude,” nakangusong sagot ni Stanley, “So, seryoso ka ba sa babaeng 'yan? Baka naman hindi ka lang talaga type kaya hindi ka pinapansin.” “All is well, all is well, all is well, all is well...” nakatakip ang taingang bukambibig ni Yoshiko hanggang sa makababa sila ng jeep at unti-unting nag-angat ng tingin si Yoshiko sa pigil ang tawang si Stanley. “Hm, all is well, ha? All too well, dude,” pang-aasar ni Stanley at tatawa-tawang pinagmamasdan ang paika-ikang paglalakad ng kaibigan matapos itong makatapak ng ebidensya mula sa kung kaninong aso. “Oh s**t! Nag-reply na siya! Look, Stan!” “Hey!” “What's with you?!” “Huh? Bilisan mo, hugasan mo na 'yang sapatos mo, ang baho kaya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD