CHAPTER 5: We're not kids anymore
“Ah? Stell? Napatawag ka, hija! Ah? Yes, tulog pa yata. Sure, I'll let him know, hmm, bye.” Nang ibaba ni Mrs. Alvarez and telepono ay sinilip niya ang anak na kasalukuyang kumakain sa sala.
“Yoshi!”
“Bakit po, 'ma?”
Lumapit si Yoshiko sa ina.
“Akyatin mo nga 'yang si Stan, tumatawag daw ang ate niya ay hindi sumasagot. Kung tulog pa, gisingin mo at sabihing makipag-kita sa kanyang kapatid doon sa plaza sa kabilang bayan,” utos niya, “Samahan mo na rin, ha?”
“Sure,” nakangiting sagot ng anak at agad na umakyat sa second floor kung nasaan ang kuwarto ni Stan, na katabi lang ng kwarto niya.
Hindi na siya kumatok, basta na lang niyang binuksan ang pinto tulad ng palagi niyang ginagawa.
“Sta—” Hindi na niya natuloy ang sasabihin, namalayan na lang niya ang sariling sinasapo ang noo matapos tamaan ng pinto nang agad itong isara ni Stanley.
“S-Sorry, Stan! Hindi ko alam na, ano, ha. Whatever, bumaba ka na riyan pagkatapos mo, naghihintay si Ate Stell, bilisan mo,” sambit ni Yoshiko, pinipigilan ang sariling tumawa matapos makita ang ginagawa ng kanyang kaibigan.
“Oh? Nasaan na si Stan?” bungad ng nanay niya.
“Ah, pababa na 'ma.”
“Bago kayo umuwi, dumaan kayo sa palengke at bumili ng inihaw ng manok, ha? Samahan niyo ka rin ng isang kilong manga, 'yong hinog ha at huwag 'yong lamog,” bilin ni Mrs. Alvarez at inabutan ng limang daang piso ang anak.
Napangiwi si Yoshiko, “So, ito po ang purpose kung bakit niyo ako pinasabit sa meet up ng dalawa? Fine, basta akin na po ang sukli, ha? Ma, ha? Thank you!”
“'Yan, diyan ka magaling! 'Di bale, mag-ingat ha? Stan, tingnan-tingnan mo 'yang kasama mo, baka mawala pa,” mapang-asar na sambit ni Mrs. Alvarez.
Lingid sa kaalaman ng lahat, ilang beses nang nawala si Yoshiko noong bata pa dahil masyado siyang nawiwili sa mga nakikita sa palengke, namamalayan lang ng mama niya e, wala na si Yoshiko. Mabuti na lamang at may mga rumorondang tanod, kaya mugto ang mga mata't kayat pa ang sipon tuwing ihahatid ito sa kanila.
“Kailangan mo pa ba ang nametag? Wait, kunin ko lang,” hirit pa ng ina.
“Mama naman!”
Hindi napigilang tumawa ni Stanley na kanina pa nananahimik matapos ang nangyari kanina. Inis na mang hinila ni Yoshiko ang kaibigan palabas ng bahay.
“H-Hey, Yoshi, bitiwan mo ko, hoy, masakit!”
“Then, don't laugh,” nakangusong sagot niya 'saka binitawan ang kamay ng kaibigan, “Sorry nga pala kanina, next time, kakatok na talaga ako,” dagdag niya at nilingon ang kaibigang halos sumabog na dahil sa labis na pamumula.
“S-Shut up!”
“I mean, that's normal, and I also do that while watching, but, I always make sure, the door is locked,” paliwanag ni Yoshiko.
Pareho silang natigilan bago magkapanabay na humagalpak nang tawa. Huminto lang sila nang mabangga ni Yoshi ang poste ng kuryente at nakayukong humingi ng tawad dito.
“Hoy! Tangina, anong ginagawa niyo?!” Lumapit sa kanila ang isang babaeng hindi nalalayo ang edad sa kanilang dalawa.
“Ano kayo mga bata? Hoy, Yoshiko, talagang nag-sorry ka sa poste? Para kayong mga timang, umayos nga kayo?”
Tinanggal niya ang suot na sunglasses at lumantad ang malaki nitong eyebags. Sinipat niya ang dalawa, at parehong niyakap.
“Anyway, I miss you guys, lalo ka na, Stan! Bakit hindi ka nag-re-reply sa mga messages ko? Alam mo bang pinag-alala mo ako? Hindi mo na ba mahal ang kapatid mo?”
“Uh...Ate Stell, hindi po ako makahinga,” usal ni Yoshiko, “May special classes po kami ni Stan.”
“Special classes?! What? I expected, Yoshi, but, Stan?”
“Grabe ka, Ate Stell.”
Pilit na kumawala sa pagkakayakap ang dalawa. Nilingon ang kaliwa't kanan 'saka hinila ang babae patungo sa mga bleacher sa plaza.
“Ah, Yoshi—” Hindi na pinatapos ni Yoshiko ang sasabihin ng ni Stell at agad na tumayo. Tinaas pa niya ang kamay na parang nasa recitation.
“Ah! Right, may inuutos nga pala si Mama, bili muna ako, ha? Stan, balikan na lang kita, okay? Ate Stell.”
“Ah, sure,” sambit ni Stanley, “Ingat.”
“Hmm, what happened?” pang-uusisa ni Stell, “Why did you ignore my messages? Something happened in Yoshi's home, you've became so busy?”
“Eh? Wala lang akong load, Ate Stell,” sagot ni Stanley at nilingon ang papalayong pigura ng kaibigan, “Oh! I also volunteered to be Yoshi's team's manager! I badly wanted to be a player, pero, hindi talaga kaya ng stamina ko.”
“Manager? Hmm, so, you're handling the team, including their funds, right? You know, your hotty sister is taking Accountancy, right? Should I lend you a ha—”
“Shut it,” sita niya sa kapatid nang tila demonyong ngumisi ito at sumenyas ng pera gamit ang kanyang kamay.
“Tsk. Hey, I've been thinking, why don't you stay at my apartment? Malapit na akong grumaduate, may ilang job offers na pwede kong tanggapin to support our living. Matagal na tayong umaasa sa tulong ng pamilya nina Yoshi, at alam mo kung sinong may kasalanan no'n, right? You're not a kid anymore, same with Yoshiko. Sooner or later, you'll have to walk your own paths, I think, it'll be better, it you move out, how about it?”