CHAPTER 04: DO I HAVE A CHANCE

555 Words
CHAPTER 4: Do I have a chance? “Gutom lang ba 'to o may nakikita akong hindi ko dapat makita? Anghel ba ang babaeng nasa harapan ko? Nasa langit na ba ako?” “Ah, nasa jeep ka, Kuya,” nakangiting sagot ng babaeng nasa harapan ni Yoshiko, “Manong para po.” Muling ngumiti ang babae bago dahan-dahang lumakad upang makababa sa jeep. Naiwang nakaawang ang bibig ni Yoshiko, hinihiling na sana, nilamon na siya ng lupa. Nang tuluyang makababa ang babae ay pilit na tinago ni Yoshiko ang kanyang ulo, iniiwasan ang mga tingin ng ibang pasaherong narinig ang kanyang ‘what the f**k’ moment. “Kuya, nahulog yata ni Ateng Anghel ang panyo niya.” Lugmok na nag-angat ng tingin si Yoshiko sa nagsalita. Tinitigan niya ang babaeng katabi kanina ng tinawag niyang anghel. Hawak nito ang isang kulay rosas na panyo, may burda ito sa laylayan na agad ikinaluwa ng kanyang mga mata. Ngingiti-ngiting inabot sa kanya ng batang babae ang panyo, “Good luck po, Kuya.” Binasa niya ang naka-burdang pangalan. Megumi Valdemor. “Kahit pangalan ay tunog anghel,” sambit niya't agad binulsa ang panyo, “Manong para po!” Biglang napa-preno ang driver at kahit hindi pa tuluyang humihinto ang jeep ay pababa na si Yoshiko. Tuluyang tinakasan ng katinuan, bumaba sa palengke, halos isang kilometro ang layo sa kanilang barangay. Ngunit hindi na niya ito ininda, kulang na lang ay kumandirit si Yoshiko habang binabagtas ang daan pauwi sa kanilang tahanan. Sa labis na tuwa matapos malaman ang pangalan ng babaeng matagal na niyang napapansin buhat nang una niya itong makitang naghihintay sa labas ng kanilang campus kahit na ibang uniporme ang suot nito, iisipin pa ba niya na isang kilometro ang kanyang lalakarin? Nang makarating siya sa kanilang bahay ay agad siyang kumatok. Kunot-noong pinagbuksan siya ng pinto ng kanyang kaibigang si Stanley, “Bakit ngayon ka lang, Yoshi!?!” Imbes na sumagot at ngumiti lamang si Yoshiko dahilan upang lalong kumunot ang noo ni Stanley at inis na pingutin nito ang tainga ni Yoshiko. “What are you grinning for? Siguro kumain ka 'no? Hindi ka nag-take out?!” “Stan, do...I...have a chance?” agad na tanong ni Yoshiko. Natigilan si Stanley. “W-What? Are you for real?!” “I mean, I think I like this girl I often see. She's so cute, and her smile, it's—” “Ah, I see,” seryosong usal ni Stanley, “Hurry up, dinner's ready,” dagdag niya at tumalikod na't dumiretso sa kusina. “Wow! Stan! Niluto mo 'to? Hmm, wala pa ba sina Papa?” “Ah, bumili lang ng softdrinks, baka sinundo na rin si Tita.” “Oo nga pala, Stan. What about her? 'Yong babae kanina, anong nangyari?” Bumuntonghininga si Stanley, “She confessed.” “Then?” “I rejected her.” “Eh? Again?! How many does it count for this year?” “I don't know. Oh? Nariyan na sina Tita,” sambit ni Stanley at dali-daling tumayo upang buksan ang pinto para salubungin ang mga magulang ni Yoshiko. “Welcome back po.” “Oh? Stanley, nariyan na ba si Yoshi?” “Nandito na po ako, Pa!” “Tulungan ko na po kayo, Tita.” “Hmm, thank you, anak.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD