CHAPTER 3: TOUGH TIMES
Saturday.
Masarap sanang matulog buong araw. Sa limang araw na puro practice, lessons, at stress ang bumubusog kay Yoshiko, hiniling niyang sana, makatulog siya ng 24 hours, pero, sa estado ng mga grado niya ngayon, imposible na yatang makapagpahinga siya.
“Bakit hindi ka na lang mag-quit sa volley? It's just a club, extra curricular lang, so why don't you just quit, and focus on your study?”
Marahas na binagsak ni Yoshiko ang mga librong pinahiram sa kanya ng kanilang guro at matalim ang tinging tinapunan ng tingin ang kamag-aral na tulad niya ay may kumukuha ng special class sa kanilang majors.
“Bakit hindi ka na lang mag-quit sa pag-aaral, Austine? It's such a drag, right? Having to attend classes while working part-time, and then complaining that you are struggling despite all those chances our adviser has given you after failing a semester? Mag-focus ka na lang sa work mo, mas kailangan mo ng pera 'di ba?”
“Ha?!”
Nang mailagay ni Yoshiko sa bag ang lahat ng libro ay saglit niyang tinapunan ng tingin si Austin 'sak lumakad palabas ng library.
“It's just like that, I love volleyball, as much as you love, money, saan mo ba ginagamit ang sinasahod mo? Ah, sa flin--”
“Shut up, weirdo!” galit na sigaw ni Austine na agad sinundan ng ‘keep quite’ ng kanilang librarian.
Mahinang tumawa si Yoshiko, at habang naglalakad palabas ng campus ay natigilan siya nang makita ang kaibigang si Stanley na kalalabas lang mula sa canteen.
“Stan! Tara na!” sigaw niya.
Dagling lumingon si Stanley, nagliliwanag ang mga mata, it's sparkling like stars at night.
“Kain muna tayo, Yosh— who are you?”
Isang estudyante ang biglang lumitaw at hinarang si Stanley, nilingon pa niya si Yoshiko na hindi mawari kung ano ang magiging reaksyon.
“Oh, go ahead. Mauna na ako, Stan. See you,” paalam niya at agad kumaripas nang takbo palayo.
“Ha! Sure is tough being popular, huh? Nagugutom pa naman ako,” inis na wika niya nang tuluyang makalabas ng campus.