CHAPTER 2: ACE
Hindi lahat ng athlete ay matinik sa mga babae. Athlete nga hindi ba? Sa araw-araw na morning practice, mga practice matches, tournament, iisipin mo pa ba ang mga babae?
Iyan ang palaging iniisip ni Yoshiko sa tuwing makikita niya ang kaibigang si Stanley na pinipilahan, at tinitilian pa ng mga babae sa tuwing nag-aabot ito ng mga towels at sports drink sa mga players tuwing timeout o change courts.
“Do your best, Stan!” sabay-sabay na sigaw ng mga babaeng nakaupo sa bleachers.
Kumaway lamang si Stanley.
“Bakit ka ba narito, Stan?” nakangiwing tanong ni Yoshiko nang abutan siya nito ng bottled water.
Tumawa si Stanley at pinunasan ang pawis sa noo ng kaibigan, “Ako ang bagong manager ng team,” simpleng sagot nito at ngumiti, “Now, do your best, ace.”
“Ace? Hindi ako ang ace, Stan,” kontra ni Yoshiko, “Sa lagay natin ngayon, hindi ba't ikaw ang mas ace, sa ating dalawa? Tingnan mo na lang ang fans mo, hindi ka pa player niyan ha? Ha, it must be fun having a lot of admirers 'no?”
“W-Wah?! Hoy, just now, you think I am like those?! Hindi ako tulad mo, hoy! Baka ikaw nga ang maraming chicks diyan e,” depensa ni Stanley na halos maging kamatis na sa pamumula.
Pekeng tumawa ang kaibigan, “Me? Kahit nakita kita kahapon with a new girl?”
“S-Shut up!”
Tinulak niya si Yoshiko dahilan upang mapatid ito at iika-ikang bumalik sa kanyang position — back row on the left side; isang wing spiker.
“Tsk. That idiot.”