CHAPTER 01: HE IS AN ATHLETE

216 Words
CHAPTER 1: HE'S AN ATHLETE “Nice serve, Yoshi! One more time!” Kung tunay ngang nanlalamon ang lupa, sana ay kanina pa hiniling iyon ni Yoshiko Alvarez. Sa grupo ng ilang mga estudyanteng nanonood ng kanilang practice match laban sa volleyball team ng kalapit na school ay pumaiibabaw ang boses ng isang lalaki. May hawak pa siyang dalawang plastic bottle na siyang pinupukpok sa railings ng second floor. “Go Yoshi...ko!” “Shut up, Stan,” tanging bulong ni Yoshiko. Nagpakawala nang malalim na buntonghininga si Yoshiko at hinagis muli ang bola, umatras ng ilang hakbang, pagkatapos ay tumalon upang hampasin ang bola ngunit sadyang walang taong perpekto. Sa halip na sa kalaban dumiretso ang bola ay bumulusok ito sa ulo ng kanilang middle blocker, at captain. Tumalbog ang bola, pumito ang referee, nabalot ng katihimikan ang buong gymnasium. “Nice headshot, Yoshi!” pagbasag ni Stan sa katahimikan, kumaway pa siya sa namumutlang si Yoshiko, “One more!” “Don't mind...” “Don't mind!” sigaw ng mga manonood, ngunit kung pakikinggan ang kanilang tawanan, talaga bang, don't mind ang dapat nilang isigaw? “Yoshiko, nice serve,” usal ng kanilang captain, at ngumiti. At dito na nga napagtanto ni Yoshiko ang dahilan kung bakit bihira kung ngumiti ang kanilang captain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD