CHAPTER 13: SPILLED TEA
“Ouch, sor—ah!”
Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto ang nangyari at maluha-luhang tiningnan ang puting polo ng taong kanyang nasagi — his milktea spilled.
Huminga nang malalim ang lalaking kanyang nasagi, sinubukang punasan ang kanyang department shirt na natapunam ng milktea ni Stanley.
“Ah, from Science Department? Uhm, sorry talaga, kung gusto mo po suotin mo muna extra shirt ng kaibigan ko, tapos labahan ko na lang po 'yan, ibalik ko rin bukas, saan po ba ang room niyo? Sched? ” aligagang tanong ni Stanley nang mapagtantong college student ito mula rin sa kanilang school —Lady Magdalene School of Science and Arts.
“Oh, do not worry, I have an extra shirt, besides I would actually feel really but if I take your friend's extra shirt 'no? Stanley right?” tanong niya at ngumiti sa namamawis na si Stanley.
“Eh? No, I mean, mine's smaller in size, wait...kilala niyo po ako?” takang tanong ni Stanley rito dahil hindi nito malaman kung paanong makikilala siya ng taga College Department lalo't hindi naman ito athlete o academically recognizable.
“Huh? Hindi ba ikaw ang ch-ini-cheer ng mga 'yon?” ani niya at tinuro ang nagwawalang cheering babies ni Stanley, “I actually have a brother on the opposing team and when I heard those girls planning to go here, I tagged along. I thought they were the official cheering squad of the school, but it seems they are solely dedicated to you — the pretty volleyball club's Manager — Stanley Salvarez,” magiliw na paliwanag nito at ngumiti, “Ah, paano? Maiwan na kita, ayokong palampasin ang debut ng kapatid ko as an official bench,” biro pa nito at madaling lumakad pababa ng isang row.
Naiwan si Stanley na namumula ang mukha; sa tuwa, hiya, o, siguro pareho? Hanggang sa makalapit siya kanyang cheering squad ay habol niya ng tingin ang lalaking iyon — something clicked.
“Huh? Wait, wait.”
Kimusot-kusot ni Stanley ang kanyang mga mata, at muling tiningnan ang babaeng ngayon ay yakap ng lalaking nabunggo niya. Malawak ang ngiti nito at namumula pa habang nakayakap sa lalaki. Nang magkalas sila ay tinuro nito ang mantya sa damit ng lalaki at humagalpak nang tawa.
It was an angel — it's Megumi.
Natigil lamang ito sa pagtawa nang kurutin ng lalaki ang pisngi nito at halikan ang kanyang noo. She then, pulled a towel on her bag, and dried his shirt, giving him the sweetest smile.
“What the heck? Is she seriously? Ha!?” bulalas ni Stanley habang pinanood ang dalawang hawak-kamay na bumaba at tuluyang makalabas ng court.
“May problema ba, Kuya Stanley?”
Pekeng ngumiti ito, “Ah, wala. By the way, thank you for cheering on me, pero dapat niyo ring suportahan ang buong team, hindi lang ako. 'Eto nga pala ang pangalan nila with their corresponding numbers, cheer them on, and I'll treat you later!”
“Wah! Oh my god! Yes! Yes!”
“One...two...three! Nice spike, Yoshiko!”