CHAPTER 12: ISN'T IT BAD?

694 Words
CHAPTER 12: ISN'T IT BAD? “Wow!” Agad namilog ang mga mata, maging ang mga bibig nilang pinagmasdan ang malawak na pasilyo papasok sa Libero High. “Mahal siguro ang tuition dito!” bulalas ni Mario — ang libero sa kanilang team, “Fully air-conditioned bawat room!” “Trivia!” Lahat sila'y nabaling ang tingin kay Stanley at pumaunang maglakad sa kanila. Para itong batang tumakbo patungo sa bulletin board na nasa gitna ng pasilyo. “Alam niyo bang dito nag-aral si Detective Sinaya Saez?” masiglang tanong niya ngunit ni isa ay walang pinagbago ang reaksyon — takang nakatingin lamang sila kay Stanley dahilan upang mapanguso itong tinuro ang larawan ng isang estudyante — Sinaya Saez. “Share mo lang, Stan?” “Don't mind,” bulong ni Captain Scien at ngumiti sa kanilang manager na si Stanley matapos lagpasan lamang siya ng kanyang teammates at dumiretso na papasok sa indoor basketball court ng Libero High. Agad silang pumwesto sa gilid upang ayusin ang kanilang mga gamit, habang hinihintay dumating ang kalabang team. “Bakit hindi niyo alam? Grabe, she, together with her team exposed the syndicate behind numerous crime in the city!” “Ah!” napasinghap si Yoshiko. Nagliwanag ang mga mata ni Stanley na bumaling sa kaibigan, “What? Naalala mo na, Yoshi?!” “Eh? Ah, no. Nakita ko lang si M-Megumi! Dito pala siya nag-aaral?” “Sa'n? Maganda? Nasa may bleachers ba?” dagling tanong ng kanyang teammates na tila mga batang nakakita ng kanilang paboritong mga laruan. Dismayadong nilingon ni Stanley ang tinuro ni Yoshiko. Nasa pinakagitnang row ito ng mga bleachers sa kanan. Suot ang uniforme ng Libero High, at matamang nakamasid sa mga taong nasa gitna ng court. “Wow, she's kinda cute,” tanging lumabas sa bibig ni Stanley. “See? See? I told you, she's an angel!” pagbibida ni Yoshiko habang malawak ang ngiti't kahit mata'y tumatawa ngunit agad napawi ang ngiti nito nang akbayan siya ni Capt. Scien at bumulong, “May label ba?” At inulan na nga ng panunuyo si Yoshiko ng kanyang teammates hanggang pigilin na lang ito sa pagdating ng Volleyball Team ng Libero High na sinabayan ng halos pagdagundong ng buong court matapos maghiyawan ang mga taong nasa bleachers — what a crowd, right? At ang kanilang players? “Feel na feel naman ng mga loko ang cheers, well, home court e, bawi na lang tayo sa game 'no?” hirit ng kanilang captain, “Fight! Fight! Fight!” hiyaw rin nila, sa pag-aakalang sarili lamang nila ang kakampi at nagulat sila nang umalingawngaw ang boses mula sa pinakatuktok ng mga bleachers — students wearing their uniform. Karamihan sa kanila ay mga babae at hindi naman halatang pinaghandaan nila ang pagpunta rito — they have their pair of green pompoms as it was their school color. “Go! Lady Magdalene Volleyball Team! Go! Go!” “Oh, wow. Nakalimutan kong may cheering squad nga pala tayo...” usal ni Yoshiko at bumaling sa kaibigan na abala sa pakikipag-usap sa kanilang Coach Lucas, “Cheering squad para sa ating pinakamamahal na Manager Stanley.” “Do your best, Stanley!” “Go, Stan! Go, Stan, Go, Go, Go!” “Wow! Thanks guys, gagawin ko po talaga ang best ko!” sarkastikong sigaw ni Stanley at kumaway-kaway pa sa kanyang cheering squad, making the opposing team looked at him. “Hm? Is that guy, supposed to be Stanley? He's not even a player and yet, he's got his own cheering squad? Wow.” “ ‘Maybe their coach?’ is what they are saying,” wika ni Capt. Scien dahilan upang bumunghalit nang tawa ang buong team na agad na sinimangutan ni Stanley. “Kasalanan ko bang pinanganak ako para mag- shine?” sarkastikong tanong niya, “Anyway, do your best, guys. Puntahan ko lang ang cheering squad ko, i-briefing ko lang sila, na sa bawat error niyo e i-boo kayo,” dagdag niya at tumawa nang sobrang mapang-asar bago tumakbo patungo sa kanyang mga cheering babies na mas lalo pang naghiyawan sa pagtakbo ni Stanley patungo sa kanila. “Ouch, sor—”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD