CHAPTER 14: IT IS BAD

652 Words
CHAPTER 14: IT IS BAD? Pasado alas sinko na nang matapos ang game, masyadong competitive ang Libero High at umabot sila ng sampung set, without winning even one set. It was a complete victory for Lady Magdalene's volleyball team. Hindi man ito official match, isa pa rin itong achievement lalo't isa ang Libero High sa nangungunang school sa kanilang bayan. “Thank you for the game!” pagpupugay ng mga players sa na sinundan ng pakikipagkamay sa bawat isa. Dahil sa hindi inaasahang pagtatagal ng laro ay nagpasya ang mga taga Libero High na sagutin na ang pagkain ng buong team maging ang paghahatid sa kanila pabalik. At hindi na iyon pinalampas ni Coach Lucas at Stanley kahit pa nagpumulit ang team na huwag na at nakahihiya. “Thank you for the meal!” At iyon ang naging hudyat upang lantakan ng dalawang team ang isang mahabang lamesang pagkain na hinanda ng Libero High. “So, Manager niyo si Stanley? I thought he's the ace player when we heard those cheer from those slutty boobies! Manager lang pala!” sambit ng libero ng kabilang team at humagalpak nang tawa na sinabayan nang lahat, liban na lang kay Yoshiko at kay Stanley. Pekeng tumawa si Captain Scien at siniko si Stanley na kanina pa tahimik sa kanyang gilid. Inis na nilingon nito ang kanilang captain at bumaling sa libero ng kabilang team. “Oh, you're the libero? Hindi ko napansin, butas kasi ang defense niyo, akala ko walang liber—” Hindi niya natapos ang sasabihin nang sabay siyang sikuhin nina Yoshiko at Scien na parehong nasa gilid niya at matalim ang mga tingin. “Ho-my-god! He did not meant it that way! Sorry!” dagling paumanhin ng Captain ng Libero High at hinampas ang paa ng libero na nakataas sa mesa. “But it's unfair! He's not even a player and yet, he's got to play with those boobie—” His face was spiked — Stanley closed his palm as he returned from his seat. Humigop siya tubig at nagpatuloy sa pagkain na parang walang nangyari. “W-What?! Bakit mo ako sinampal?! Hindi mo alam kung ano ang compliment? I complimented you!” “Ah, compliment ba 'yong sinabi mo tungkol sa akin, bilang manager lang? Then compliment din bang tawagin mong slutty boobies ang cheering squad namin? Okay. Sorry, ha? Libero ka pala? Siguro first year? May room for improvement ka—” At muli siyang nakatanggap ng nagbabantang mga tingin mula sa kanyang team; oh, death glares from almost everyone, except Yoshiko's silent laugher looking down. Bunga ng tensyonadong katahimikan sa hapag ay madaling tinapos ng team ang pagkain at hindi na hinintay pang palabasin sila ng kabilang team. Nang tuluyang silang makalabas sa pribadong paaralan ng Libero High ay tuluyan nilang pinakawalan ang tawang matagal nilang kinimkim at dinumog si Stanley. “Dude, masyado kang hot!” buyo nila sa nakabusangot na si Stanley. “Seryoso, hindi ba masarap ang pagkain at parang ang sama ng loob mo?” hirit ni Scien, “Hindi ko inakalang papatulan mo pa 'yon.” “That libero harrassed our girls,” simpleng tugon ni Stanley dahilan upang agad sumeryoso ang team, “Hindi ko naman na siya papatulan e, but he dared insult our girls, he deserved a slap,” dagdag niya pa. “Well, that's our manager.” “It's not even a slap, dude,” komento ni Yoshiko at inakbayan ang kaibigan, “Nice, spike,” dagdag niya at tumawa. “Anyway, sino 'yong kausap mo kanina?” Takang nilingon ni Stanley si Yoshiko, “Kanina?” “'Di ba nilapitan mo nga ang cheering squad mo, tapos nakita kitang parang aligaga sa kausap mong lalaki, inaway ka ba no'n?” Natigilan si Stanley at muling bumalik sa ulirat niya ang nangyari. Matagal niyang tinitigan ang kaibigang naghihintay sa kanyang sagot. Bumuntonghininga siya. “Megumi is a slut.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD