12 - Devonne "Unexpected visitors"

1105 Words
"Kumusta? Ano ang nararamdaman mo ngayon? Okay ka lang ba?" nag-aalala na tanong ni Carmela. Isang linggo na ang lumipas mula nang opisyal kong tapusin ang relasyon ko kay Jerome. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil malungkot, galit, nanghihinayang na masaya ako. Malungkot ako dahil sa nangyari sa amin ni Jerome, hindi ko makalimutan ang huling beses na nagkausap kami. Never ko na imagine na sa ganitong paraan matatapos ang relasyon namin. Kahit naman ganoon si Jerome ay hindi pumasok sa isip ko ang makipaghiwalay pero sabi nga nila ay may hangganan din ang lahat. Nasanay na lang siguro kami na everytime mag-aaway kami noon after ay magiging okay na rin. Parang naging normal na lang sa amin ang ganoong bagay. Nanghihinayang ako sa mga pinagsamahan namin. Umasa ako na magbabago siya katulad ng lagi niya sinasabi. Alam ko na mali pero nakaramdam ako ng saya at kaginhawaan pagkatapos ng lahat. Mula nang araw na iyon ay nakatanggap pa rin ako ng bulaklak at messages mula sa kanya. Hindi ko alam kung naiintindihan ba niya ang pinag-usapan namin weeks ago. Hinayaan ko na lang dahil alam kong useless lang kung tatawagan ko siya para sabihin na itigil ang ginagawa niya. Ang worst pa ay tinawagan ako ng mga kaibigan niya para sabihin kung gaano ka miserable si Jerome ngayon. Laging lasing, hindi makausap ng maayos, mainit ang ulo at kadalasan ay tulala lang. Nakiusap sila sa akin na kausapin ko si Jerome at kung pwede ay bigyan ko pa ng isang pagkakataon. Alam ko na concern ang mga kaibigan niya pero ayoko naman magpanggap at magsinungaling na magiging okay pa rin kami. Sinabi ko sa kanila na wala na talagang pag-asa na bumalik ako sa kanya dahil ayoko na. Alam naman nila at nakita kung ano ang nangyari sa amin dahil saksi sila sa halos lahat ng away namin. Hindi ko alam kung normal lang ba na nakaramdam ako ng saya sa likod ng lahat ng ito. Ang gaan ng pakiramdam ko at hindi ako nakakaramdam ng pagsisisi sa ginawa ko dahil alam kung para sa kabutihan naming dalawa. "Okay naman ako," tugon ko habang inaayos ko ang gamit ko. "Kahapon habang nilagay ko sa isang box ang mga bagay na binigay niya ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lungkot. Bumalik sa akin ang mga masasayang alaala naming dalawa. Sa loob ng ilang taon ay naging mabuting boyfriend namin si Jerome ay hindi naman siya nagkulang sa akin. Naramdaman ko ang pagmamahal at pagpapahalaga niya sa akin. Kahit ilang beses kami nag-away noon never pumasok sa isip ko ang iwan siya. Lagi ko lang sinabi sa sarili ko na hindi ko siya iiwan kahit na ano ang mangyari. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit, ayaw ko gawin ang ginawa ni Mama kay Papa. Mama leaves Papa when everything starts to change and when things get harder. Subconsciously gusto ko patunayan sa sarili ko na hindi ako magiging katulad niya. Pero ngayon ay masasabi ko na ginawa ko naman ang lahat pero hindi talaga nag-work. I just want to move forward and I hope Jerome also does," sabi ko. "Ano man ang nararamdaman mo ngayon normal lang iyan. Hindi mo kailangan magmadali dahil darating din ang araw na hindi ka na makakaramdam ng lungkot sa tuwing maalala mo siya. It takes time to heal from a heartbreak," pag-comfort niya sa akin at tumango ako saka ngumiti. "Ano ba ang mas masakit ang mahuli mo na may iba ang partner mo o ang mang-iwan? Minsan kasi pakiramdam ko ang sama kong tao at ako ang may problema," pilit ang ngiti na sabi ko. "Sa case mo Debbie may dahilan ka naman kaya ka nakipaghiwalay sa kanya. Hindi naman iyon paggising mo isang araw at naisipan mo lang na makipaghiwalay sa kanya dahil feel mo lang. Ang nangyari lang ay habang tumatagal ang relasyon ninyo those little fight and argument file up until you had enough. It doesn't matter kung sino sa inyo ang nakipaghiwalay Debbie, the fact na nararamdaman mo na hindi mo na kaya. Mas mabuti pa na tapusin na lang kaysa naman magtiis hanggang sa punto nauwi na sa awa ang pagmamahal. Tandaan mo Debbie wala kang ginawa na masama," paliwanag niya at huminga ako ng malalim. Tinapos na namin ang pagliligpit at isa-isa na umalis ang ibang kasama namin. Sinamahan ko siya hanggang sa pagsasara ng store. Noon saktong out ko ay dumarating si Jerome para sunduin ako at ihatid sa bahay pagkatapos namin mag-dinner. Kailangan ko na masanay na wala na siya sa buhay ko. "Enjoy your day off," nakangiti sabi niya at ngumiti rin ako. "Thank you so much," sabi ko at niyakap niya ako bago kami naghiwalay. Pagkalipas ng halos isang oras ay dumating na ako sa bahay namin. Nagtaka ako nang makita ko ang sasakyan ni Kuya naka-park sa garage. Nagmamadali ako na bumaba ng tricycle dahil sobrang miss ko na siya. Pagdating ko sa may pinto ng bahay namin ay nagtataka ako nang patakbo na salubungin ako Denver. "Hello po Tita Ganda!" masigla na bati niya sa akin at kinalong ko siya. "Hello din sa aking cute na baby," tugon ko at biglang humaba ang nguso niya. "Hindi na po ako Baby!" sabi niya at ngumiti ako. "Sino ang kasama mo Den? Nasaan si Mama,Papa at Denise?" tanong ko sa kanya habang naglalakad ako papasok ng bahay. "Nandyan ka na pala Debbie," sabi ni Ate Celine at napatingin ako sa kanya. "Pasensya na Debbie kung nakialam na ako rito sa kusina. Hindi na kita tinawagan dahil alam kong nasa work ka. Sinabi sa akin ni Papa kung saan nakatago ang spare key," sabi niya at napatingin ako sa hawak niya na bowl. Nakaramdam agad ako ng gutom kaya pinaupo ko na si Denver sa tabi ko. Hindi na muna ako nagtanong kung bakit sila nandito. Nagdasal na muna kami saka kumain. Kapansin pansin ang pananahimik ni Ate Celine na sobrang nakakapanibago. Masayahin, makulit at ma kwento siya pero ngayon ay kabaliktaran. Kinabahan ako nang maiisip ko na sila lang dalawa at hindi kasama si Kuya. Pagkatapos kumain ako na ang nagliligpit at naghugas. Umakyat na silang dalawa sa kwarto ni Kuya para magpahinga. Maraming tanong ang pumasok sa isip ko kung ano ang dahilan kung bakit sila nandito. Nagkataon pa na wala si Papa dahil sinamahan niya si Tita Minerva sa isa pa nila kapatid. Dalawang araw o higit pa sila mananatili roon dahil ngayon lang ulit sila magkikita kita. Pinapasama nga nila ako kasi hindi naman ako pwedeng mag-absent. "Naghiwalay na ba sila? Umabot na ba sa ganoon ang problema nila?" malungkot na tanong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD