"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" tanong ni Carmela at huminga ako ng malalim.
Lunch break namin ngayon at sinabi ko sa kanya ang plano ko na kausapin si Jerome. Kahapon nang pumunta siya sa bahay at sinabi ko kay Papa ang lahat ay mas naging malinaw sa akin ang lahat. Kung patatagalin ko pa ay mas pahihirapan ko lang ang sarili namin at masasaktan. Mas pinapahaba ko lang ang sakit nararamdaman namin. Gusto pa niya na magkabalikan kami pero hindi na iyon ang gusto ko. Ayaw ko maging unfair sa kanya at gusto ko rin na maging masaya siya. Sa palagay ko ay hindi ako ang babae para sa kanya at hindi rin siya ang para sa akin. Ang tao na magpaparamdam sa kanya ng seguridad at mamahalin niya ng walang alinlangan. Hindi kami ang para sa isa't isa dahil kahit mahal namin ang bawat isa ay may may pagdududa at alinlangan pa rin. Sa tingin ko naman at ginawa namin ang lahat para mag-work ang relasyon namin.
"Ito lang ang paraan para madali niya matanggap na wala na talaga. Para na rin maging fair para sa kanya. Ayaw ko na patuloy siya umasa sa isang bagay na alam kong hindi ko na maibabalik pa," tugon ko.
"Nag-aalala lang ako na baka may gawin siya sa iyo dahil hindi niya matanggap ang lahat. Hindi natin masasabi kung ano ang magiging reaksyon niya. Sa tingin ko Debbie, hindi pa siya handa na pakawalan ka. Alam ko na hindi magiging madali ito para sa iyo at lalo na sa kanya. Sabagay, wala naman break-up na madali at hindi masakit," puno ng pag-aalala na sabi niya.
"Basta tandaan mo nandito lang kami para sa iyo at kaya mo iyan. Pwede ka namin samahan kung gusto mo para makasigurado tayo. Suportahan ka namin sa kahit ano pa man ang desisyon mo. Ang mahalaga sa amin ay kaligayahan at safety mo," nakangiti na sabi niya at ngumiti rin ako.
"Masama ba akong tao dahil sasaktan ko ang taong nagmamahal sa akin? Makasarili ba ako kung pipiliin ko na iligtas ang sarili ko? Wala ba akong puso dahil sumuko ako at iiwan ko siya?" malungkot na tanong ko at umiling siya.
"Hindi lahat ng pangako ay natutupad at hindi lahat ng gusto natin ay nangyayari. Hindi lahat ng relasyon ay worth it na ipaglaban dahil ang Ilan sa kanila ay hindi naman talaga nakatakda na magtagal. Ang mahalaga alarm mo sa sarili mo na ginawa mo ang lahat. Naging masaya naman kayo at minahal naman ninyo ang isa't isa," tugon niya at yumuko ako.
Pagkatapos ng break namin ay bumalik na kami sa boutique. Usually kapag lunch break wala masyadong customers kaya pwede kami magsabay. Bago kami tuluyang pumasok ay nagpa-iwan muna ako sa labas. Kinuha ko ang phone ko sa bag at hinanap ko ang number ni Jerome. Balak ko sana siya tawagan pero naisip ko na mas mabuti kung message na lang.
"Pwede ba tayo mag-usap? Puntahan kita mamaya sa bar after work. Doon na lang tayo mag-usap mamaya," ilang beses na binasa ko ang text message ko bago ko iyon ipadala.
"Okay Love, I'll see you later. I love you so much Love," baso ko sa reply niya at huminga ako ng malalim.
Hindi na ako tumugon dahil baka humaba pa ang usapan namin sa text. Pumasok na ako sa loob at inabala ko na ang sarili ko sa pag-aayos ng mga bagong dating na item. Sa sobrang pagka-busy ko ay hindi ko namalayan ang oras. Kung hindi pa ako sinabihan no Carmela ay hindi ko malalaman kung anong oras na. Biniro pa nga niya ako na baka nagbago na ang isip ko kaya nawala sa isip ko. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan habang sakay ako ng dyip papunta sa bar ni Jerome. Kapag nag-aaway kami noon siya palagi ang unang lumalapit sa akin para makipag-beso. Ang weird lang sa pakiramdam na heto ako sa harap ng bar niya para makipaghiwalay. Mabigat sa loob pero gusto kong gawin para sa ika-tatahimik naming dalawa. Pumikit muna ako saglit at huminga ng malalim bago kumatok sa pinto.
"Hi," alanganin na bati ko sa kanya pagbukas niya ng pinto.
Hindi siya tumugon at nakatingin lang sa akin. Maya-maya lang ay niyakap niya ako ng mahigpit bago pa ako makapagsalita. Hinayaan ko lang siya at pagkalipas ng ilang minuto ay pinakawalan din niya ako.
"Sorry," halos pabulong na sabi niya at alanganin na ngumiti ako.
"Come in," aya niya at tuluyan na ako pasok sa under renovate na bar.
Natigilan ako nang makita ko ang hinanda niya. Lamesa at dalawang bangko napapaligiran ng mga kandila pa in rose petals. Hindi ko inaasahan na pinaghahandaan niya ang pag-usap na ito. Mukhang tama ang sinabi ni Carmela na hindi magiging madali ito.
"Hindi ka na sana nag-abala dahil mag-usap lang naman tayo," sabi ko
Tumingin ako sa paligid at may nakita ako na bangko at umupo na ako. Nakita kong nàawala ang ngiti sa labi niya saka yumuko. Ayaw ko siya bigyan ng pagasa o kahit anong senyales dahil ayoko siya umasa sa wala. Nagulat ako nang lumuhod siya sa harap ko at kinuha ang isang kamay ko.
"Devonne, I'm really sorry. Hindi ito ang unang pagkakataon nag-away tayo at alam kong ilang beses na rin ako humingi ng tawad sa iyo. Maraming beses ko na rin sinabi na magbabago na ako. Sana naman ay bigyan mo pa ako ng isa at huling pagkakataon na bumawi sa iyo," nagmamakaawa na sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Ginawa ko na iyan Jerome pero ito tayo ngayon. Sa tuwing nag-aaway at nagkabalikan tayo you keep on saying the same lines. Kapag binigyan kita ng chance ay umaasa rin ako na may magbabago," sabi ko at huminga ako ng malalim.
"But this time na realize ko na kahit anong gawin ko ay bumabalik pa rin tayo sa umpisa. Mahal kita Jerome pero mas mahal ko ang sarili ko. Sorry pero hindi ko na kaya tuparin ang pangako ko," naluluha na sabi ko at umiling siya.
"We can work this out Debbie, just give me another chance and I promise things will be different. Mahal na mahal kita at hindi ko kaya na mawala ka sa buhay ko. Patawarin mo na ako Love, let's go back to where we are," emotional na sabi niya.
"Pinatawad na kita Jerome pero hindi ko na kaya bumalik sa kung ano man ang mayroon tayo. Iyon ang dahilan kung bakit nakipag-usap ako sa iyo. Gusto ko linawin na hindi na ako babalik sa iyo. Gusto ko na magpasalamat sa lahat-lahat lalo na sa mga memories. At ang pinaka importante sa lahat ay magpaalam sa iyo. You deserve someone better than me. I wish you all the luck," tugon ko at tinanggal ko ang kamay niya.
"Goodbye Jerome," paalam ko sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi bago tumayo.
Umiwas ako ng tingin nang marinig ko ang pag-hagulgol niya. Pinahid ko ang luha ko sa mga mata at huminga ako ng malalim. Gusto ko siya yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Mabigat ang mga hakbang ko papalayo sa kanya.
"Everything will be okay," sabi ko sa sarili ko paglabas ko ng bar.
.