Maaga ako nagising para mag-luto ng almusal kaso paglabas ko ng kwarto ay naamoy ko agad ang masarap na amoy ng pagkain. Hindi nga ako nagkamali dahil naabutan ko si Ate Celine sa kusina na kumakain. Hindi niya namalayan ang pagdating ko kaya tuloy lang siya sa pagluluto niya. Hindi na kami nakapag-usap kagabi dahil hindi na ulit siya lumabas ng kwarto. Hindi rin naman siya kumatok kaya naisip ko na baka napagod sila sa biyahe kaya nakatulog na sila.
"Ay anak ka ng tipaklong!" sigaw ni Ate Celine pagharap niya sa akin.
"Sorry Ate, hindi ko naman intensyon na magulat ka po. Sobrang busy ka po kasi kaya hindi mo namalayan ang pagdating ko po. Sorry po talaga," alanganin na paliwanag ko at natawa siya habang hawak niya ang dibdib.
"Tulog pa po si Denver?" tanong ko at tumango siya.
"Kumain ka na Debbie at baka malate ka pa sa work mo," sabi niya at na tapik ko ang noo ko.
Hindi ko pala nabanggit sa kanya kagabi na day-off ko ngayon. Pagkatapos ko makipag-palit kay Carmela ng day-off last time ay hindi ko na binago para maiba naman. Nasa stage ako ngayon na gusto ko subukan na umalis sa comfort zone ko at sa ibang mga routine ko.
"Sorry po Ate, hindi ko pala nabanggit kagabi na day off ko po ngayon," sabi ko at lumingon siya sa akin.
"Ganoon ba? Well at least may almusal na tayo. May lakad ba kayo ni Jerome mamaya?" tanong niya habang inilalagay ang hotdog sa plato.
"Wala po Ate kasi hindi na po kami," tugon ko at lumingon ulit siya saka tiningnan ako ng mabuti.
"Parang ang daming nagbago sa iyo Debbie. Siguro naman iyon pa rin ang pangalan mo," nakangiti na puna niya at natawa ako.
Ibang iba na ito ngayon kaysa sa nakausap ko kagabi. Kahit paano ay nakangiti na siya ngayon hindi katulad kagabi na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Nagagawa na rin niya magbiro ngayon meaning medyo okay na siya.
"Bakit naman kayo nag-break?" curious na tanong niya.
"Dumating na po ako Ate sa punto na ayaw ko na. Na realize ko po na paulit ulit na lang ang nangyayari sa amin ayaw at bati. Pumunta po kami sa isang bar ng kaibigan ni Laraine. Pinayagan niya ako at ang usapan po namin ay hindi na niya ko susunduin. Sobrang saya ko po dahil iyon ang first time ko na pumunta sa ibang lugar na hindi siya kasama. Buong akala ko nagbago na talaga siya dahil pinayagan niya ako without any question. Nagkakasiyahan na po kaming tatlo dahil sobrang saya po namin. Nagpaalam po ako na pupunta lang ng banyo at paglabas ko ay may nabangga ako na lalaki. Nag-sorry po ako sa kanya dahil natapon sa kanya iyong mga dala niya na drinks. Nagpakilala po siya at doon bigla dumating si Jerome. Hinigit po niya ako palabas nang bar at pinagbintangan niya ako na nagdahilan lang po ako para makipagkita sa ibang lalaki. Sinubukan ko po magpaliwanag sa kanya pero iba ang iniisip niya. Noon pa naman po ay wala na siyang tiwala sa akin at iyon po ang lagi namin pinag-awayan. Sobrang bilis po ng mga pangyayari at sa sobrang galit ko sinabi ko sa kanya na ayaw ko na," kwento ko at natigilan ako dahil naalala ko ang reaksyon niya.
"Noon ko lang po nakita si Jerome na galit at nakaramdam po ako ng takot. Bigla po siya nagbago ng reaksyon at hinding-hindi ko po iyon makalimutan. Mabuti na lang po at dumating sina Carmela po. Kung hindi po sila dumating malamang po ay naisama na po niya ako dahil bago sila dumating ay pinapasok niya ako sa sasakyan," dagdag ko.
"Tama ang ginawa mo Debbie dahil kung hindi ka pa nakipaghiwalay ngayon ay mataas ang posibilidad na mas malala pa ang gawin niya sa iyo sa susunod. Mahirap mag-stay sa isang relasyon na walang tiwala at respeto," sabi niya at biglang lumungkot ang boses niya sa huli.
"Ate may problema ka po ba? Ano po ba ang nangyayari sa inyo ni Kuya? Pwede mo naman po sabihin sa akin Ate nakikinig po ako," nag-aalala na tanong ko sa kanya.
"Sobrang daming nangyari sa buhay namin at hindi ko na alam kung paano ko haharapin. Ilang buwan na ako hindi nagtatrabaho mula ng operahan ako," sabi niya at nagulat ako dahil wala kaming alam.
"May gallbladder ako at kailangan operahan. Hindi na namin pinaalam sa inyo dahil ayaw namin kayo mag-alala. Doon nagsimula magbago ang Kuya mo lagi na siya late umuuwi at may pagkakataon na hindi siya umuuwi ng ilang days. Buong akala ko ay nanbabae siya pero iba pala ang kinahuhumalingan niya. Nalaman ko nalulong siya sa sugal himingi siya ng tawad at sinabi niya na titigil na siya pero hindi nangyari. Hirap na hirap ako pero pilit ko iniinti ang Kuya mo. Nagulat na lang ako ng makita ko ang mga unpaid bills namin at doon ko siya kinompronta. Nalaman ko na bukod sa unpaid bills ay pati na rin ang pambayad sa bahay at savings namin ay wala na. Sa sobrang stress at nadala ako hospital kung saan ay sinabi sa akin ng doctor na hindi pa muna ako pwede mag-work dahil sa iba ko pang sakit. Lubog na lubog na kami sa utang at hindi na namin alam kung ano ang gagawin. After two weeks nagulat ako dahil umuwi siya na maraming pera. Ang sabi niya sa akin at napanalunan daw niya sa casino. Tuwang-tuwa ako dahil mababayaran na namin ang lahat. After noon ay hindi na tumigil ang Kuya mo," emosyonal na kwento niya.
Kinuha ko ang tisyu sa sala at inabot ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang maawa habang pinagmamasdan siya. Ang dami niya pinagdaanan at ni isa sa mga iyon ay wala kaming alam. Na imagine ko kung gaano kahirap para sa kanya ang harapin ang lahat.
"Hanggang ngayon po ba nagsusugal pa rin po siya?" tanong ko at tumango siya.
"Umaasa kasi siya na swertehin siya kaya ayaw niya timigil. Pero hindi lang iyon ang problema ko sa Kuya mo ngayon," sabi niya at natigilan ako dahil bigla ako kinabahan.
"May nabasa ako na notice at galing iyon sa work niya. Napagalaman na kasama siya sa grupo na nagnanakaw sa company. Inamin niya sa akin na totoo iyon at sinabi niya nagawa niya iyon dahil sa operation ko. Ang pera na inuwi niya noon ay hindi galing sa pagsusugal niya. Ngayon ay may chance na makulong siya Debbie. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa kanya," umiiyak na sabi niya. Tumayo ako ako at nilapitan ko siya para yakapin siya.