"Good morning?" alanganin na bati ko kay Chandrei pagdating ko sa kusina. Medyo na late ako ng gising dahil late na kami nakauwi kahapon. Pagod man ako dahil sa maghapon na pakikipaglaro ay sulit naman. Sobrang na miss ko kasi ang mga pamangkin ko kaya nalibang ako sa pakikipaglaro sa kanila. Pati na rin si Chandrei ay halatang libang na libang na rin. Hindi rin naman ako pinigilan ni Chandrei at hinayaan lang niya ako. Nakita raw kasi niya nag-enjoy ako kaya hindi na niya pinaalala sa akin ang oras. Noon ko lang kasi siya nakita na tumatawa at nakangiti habang nakikipaglaro sa mga bata. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan ng dalawa dahil pagkatapos noon ay naging okay na ang pakikisama ni Ate Celine kay Chandrei. Hindi kasi maganda ang naging pag-uusap namin ni Ate Celine nang sundan