Sabay kami napalingon ni Devonne sa tawag ng dalawang pamangkin niya. Umiwas agad ng tingin si Devonne at agad na pinuntahan ang mga bata. Napangiti na lang ako saka yumuko dahil sa nangyari kanina. I have never been in this kind of situation before and I'm a little bit confused. Ilang araw pa lang kami magkasama ni Devonne at unti-unti na namin nakilala ang isa't isa. Magkasundo naman kaming dalawa at gusto ko lahat ng pinapakita niya sa akin. Ibang-iba siya sa mga babae nakilala at nakasama ko. "Tita Ganda, sino po siya?" tanong ng batang lalaki nakatingin sa akin. Tumayo muna si Devonne mula sa pagkakaupo bago niya ako tingnan. Ngumiti ako habang nakatingin sa dalawang bata. The last thing I want to do is to scare them. Kinuha ni Devonne ang isang kamay ng batang lalaki at sa kabila