Pagkatapos ko maligo at magbihis ay nag-ayos lang ako ng konti. Paglabas ko ng kwarto ay nandoon na si Chandrei sa Sala naghihintay sa akin. Abala siya sa tablet niya kaya hindi niya agad ako napansin. "Tara na baka kailangan ka na sa office. Pwede naman ako mag-taxi papunta sa Shop ni Georgina para hindi na kita maabala," sabi ko at tumingin siya sa akin. "Okay lang iyon Debbie huwag mo masyado alalahanin ang trabaho ko," tugon niya at nilagay na niya ang tablet sa bag saka tumayo. Kinuha niya ang isang kamay ko at kung dati ay naiilang pa ako ngayon ay parang normal na lang iyon sa aming dalawa. Nasanay na talaga siguro kami sa presensya ng isa't isa. Magkahawak kamay kami naglakad palabas ng unit niya papunta sa elevator. Wala kaming imikan hanggang makarating kami sa parking lot ng