"Kumusta naman, Bakla?" tanong ni Carmela at napatingin ako sa kanya. "Okay naman ako. Bakit?" nagtataka na tanong ko. Tumingin muna siya sa paligid tiningnan kung may malapit na staff sa amin. Napatingin din naman ako sa direksyon na tinitingnan niya. Hindi ko alam kung ano ang hinahanap niya o tinitingnan niya. "Ano ba ang nangyayari sa iyo?" May hinahanap ka ba?" tanong ko sa kanya at lumapit siya sa akin. "Kumusta naman ang pag-uusap ninyo ni Mr. Yummy? Nagka-pirmahan na ba kayo? Ano ang napagkasunduan ninyo?" excited na tanong niya at natawa ako. Sinabi ko sa kanila ang tungkol sa kontrata pero hindi ko sinabi sa kanila ang nilalaman noon. Tulad ng napag-usapan namin ay hindi ko dapat sabihin sa ibang tao ang lahat ng ito. Walang ibang tao ang dapat makaalam sa set up namin. Pero