"Is that all you want to change and want to add in the contract? Baka may nakalimutan ka pa Ms. Garcia?" sarkastiko na tanong ni Chandrei at nakangiti na tumango ako para ipakita na hindi ako apektado. Ilang oras na kami nag-uusap at ngayon ang unang pagkakataon na magkasama kami ng matagal. Mula pa kanina habang papunta ako hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik sa normal ang t***k ng puso ko. Kinakabahan ako sa magiging pag-uusap namin pero nagulat ako kasi pumayag naman siya sa lahat ng condition ko. Hindi naman siya nakikipagtalo pa sa akin at pumayag lang. Naging smooth lang ang naging transaction namin na hindi ko inaasahan. Ang hindi ko lang nagustuhan ay nang nabanggit niya ang tungkol sa ma inlove. Na conscious tuloy ako dahil ako ang nag-suggest ng getting to know each other phas