4 - Devonne "Know my place"

2005 Words
"May bagong bukas na bar iyong kaibigan ko at inimbita niya ako na pumunta para tingnan ang place niya. Sabi ko sa kanya isama ko ang mga friend ko at mas natuwa. Si Mela naman ay game anytime kaya the night bago ang day off mo na lang tayo pumunta. Para kahit na magwalwal ka ay deadma lang kinabukasan," sabi ni Laraine pero wala sa kanya ang attention ko. "Pero sana Debbie huwag mo na isama si Jerome. Sigurado kasi na hindi ka mag-enjoy doon at baka masira lang ang gabi natin," pakiusap niya. "Ang problema nga lang kung hindi mo naman sasabihin sa kanya sigurado na hanapin ka niya. Kapag nalaman niya na pumunta tayo sa bar na hindi mo siya kasama sigurado na gulo ang mangyayari. Bakit ba kasi ganyan si Jerome? Imbes na maluwag na siya ngayon dahil matagal na kayo ay mas lalo ka pang hinihigpitan. Noon, naiintindihan ko kung bakit siya ganoon kasi nga naman lapitan ka ng mga boylet pero napatunayan mo naman sa kanya na siya ang mahal mo. Hindi ba dapat by now ay may tiwala na siya sa iyo para payagan ka na pumunta kahit saan. Huwag mo sana masamain Debbie pero kami ni Mela ang nahihirapan sa lagay mo. Para siyang imbestigador at pulis kung makapagbantay sa iyo," sabi niya. Naririnig ko naman ang mga sinasabi niya pero may iba akong iniisip. Ilang linggo na ang lumipas mula nang nag-attend kami ng birthday party ni Denise. Iyon din ang araw nalaman ko na may problema si Kuya Dexter at Ate Celine. Hindi ko pa alam ang puno't dulo ng problema nila pero nararamdaman ko na hindi iyon katulad ng dati. Naiintindihan ko naman ang dahilan nila kung bakit ayaw nila na ipaalam sa akin lalo na kay Papa. Alam ko na hindi ako dapat makialam sa kanila dahil problema nila iyon pero hindi ko naman mapigilan. Nag-aalala lang talaga ako para sa kanila at gusto ko makatulong sa kanila sa paraan na kaya ko. Noon naman ay nagsasabi si Kuya ng mga problema niya sa akin pero this time ay ayaw niya na malaman ko kaya naman mas lalo ako nag-alala. Sobrang close kami ni Kuya at Wala kami tinatago ang isa't isa. Marami tuloy scenario ang pumapasok sa isip ko at hindi ko iyon maiwasan. Nang iwan kami ni Mama nangako kami na hindi kami mawawala sa tabi ng isa't isa para damayan at sumuporta lalo na sa oras ng pangangailangan. "Hoy! Devonne Mae Garcia!" narinig ko na tawag sa pangalan ko at napatingin ako sa paligid para hanapin kung sino ang tumawag sa akin. "Bakit?" nagtataka na tanong ko nang makita ko nakatingin sa akin si Laraine. "Anong bakit? Nasaan ba ang utak mo, Debbie? Kanina pa ako nagsasalita rito pero hindi ka naman pala nakikinig. Para akong palaka dito na kokak nang kokak. Masama ba pakiramdam mo? May problema ka ba?" tanong niya at huminga ako ng malalim. "Sa work? Family? Nag-away na naman ba kayo ni Jerome?" tanong pa niya. "Pakiramdam ko kasi may mabigat at malaking problema si Kuya," sagot ko saka yumuko. Nasa isang fast-food restaurant kami sa loob ng Mall. Sinamahan ko si Laraine na bumili ng regalo para sa birthday ni Tita Melanie, ang Mama niya. Manonood naman kami ng movie ni Jerome mamaya kaya mas inagahan na lang namin ni Laraine. Nagpaalam naman ako sa kanya at pumayag naman siya dahil alam niya na best friend ko ang kasama ko. Magkababata kami ni Laraine at magkaibigan din ang mga magulang namin. Tuwing bakasyon lang kami noon nagkikita at nagkakasama pero hindi na apektuhan ang pagkakaibigan namin. May mga kaibigan din naman ako noon pero nagbago sila mula nang lumipat kami sa probinsya. Naging close kami mula ng lumipat kami dito at doon ko rin nakilala si Caramela na kaibigan din niya. Malayong-malayo man ang buhay ko noon at ngayon pero nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko ngayon na laging nandiyan para sa akin. Isang kindergarten teacher si Laraine at hindi nakapagtataka dahil mahilig naman siya sa mga bata. Mostly ay teacher ang profession ng Ilan sa mga kamag-anak niya. Opposite man sila ng ugali ni Carmela pero magkakasundo kaming tatlo. Sa palagay ko ay naba-balance namin ang isa't isa kaya maganda ang flow ng friendship namin. Makwento, masayahin, outgoing at positive si Laraine. Samantalang si Carmela naman ay seryoso, praktikal at prangka dahil hindi siya takot sabihin kung ano ang gusto niya. Sa lahat ng nangyari sa buhay ko mula ng lumipat kami rito, iniwan kami ng Mama ko hanggang ngayon ay hindi nila ako pinabayaan kaya sobrang swerte ko sa kanila. "May dahilan si Kuya Chester mo kung bakit hindi o ayaw niya sabihin sa iyo ang problema nila. Wala kang magagawa Debbie kung hindi ang hintayin na lumapit sila sa iyo para humingi ng tulong. Huwag mo na lang masyadong dibdibin at bigyan mo lang sila ng time para ayusin nila iyon," sabi niya at huminga ako ng malalim. "Iyon na nga lang ang magagawa ko dahil hindi ko naman sila pwedeng pilitin. Nag-aalala lang talaga ako kasi noon ko lang sila nakita na ganoon. Kitang-kita ko sa mga mukha nila nahihirapan na sila. Nararamdaman nk" sabi ko at tumango siya. "Ano nga pala ang sinasabi mo kanina?" tanong ko bago kumagat ng burger. "Saan mo ako gustong magsimula ulit, Debbie? Mula noong sumakay tayo ng dyip, habang papasok tayo ng Mall o pagkatapos natin umorder?" sarkastiko na tanong niya sabay ngumiti ng nakakaloko. Muntik na ako mabilaukan dahil sa sinabi niya kaya agad ako uminom ng tubig. Parang balewala naman na kumain siya at maya-maya lang ay tumawa na siya ng malakas. "Puro ka talaga kalokohan Raine," natatawa na sabi ko. "Para pala akong baliw kasi kanina pa pala ako nakipag-usap sa hangin. Salita ako ng salita pero hindi mo naman naiintindihan. May kausap naman ako kanina pero biglang naglaho," tugon niya. "Sorry na po Ma'am Laraine kung hindi po ako nakikinig," parang bata na sagot ko at nilagay ko ang dalawang kamay ko sa pisngi ko saka nag-beautiful eyes. "Tigilan mo nga iyan kasi para kang baliw at hindi nakakatuwa. Imbes na cute ang dating ay mas nakakatakot," sabi niya at ngumuso naman ako pero tiningnan niya ako ng masama. "Ang sabi ko kanina iyong isang kaibigan ko may bagong bukas na bar. Inimbita niya ako na pumunta ang sabi ko ay isasama ko kayo ni Mela. Single pa iyon at gusto ko ipakilala sa kanya para naman magkaroon ng kakaibang kulay ang buhay niya," tumawa siya sa huling sinabi niya at natawa rin ako. Sa aming tatlo si Carmela ang maraming naging boyfriend dahil papalit-palit siya. May hinahanap kasi siya sa isang lalaki na hindi niya makita sa mga naging boyfriend niya kaya ang ending siya ang nakikipaghiwalay. Kapag tinatanong naman namin siya kung ano iyon ay hindi naman niya maipaliwanag. Si Laraine naman ay mas gusto na mag-focus sa trabaho niya kaya hindi na muna siya nakikipagrelasyon pero alam namin na hindi iyon ang totoong dahilan. Ako naman first boyfriend ko si Jerome at gusto ko sana na siya na ang huli. "Good luck sa friend mo," natatawa na sabi ko at mas malakas ang tawa niya. "Siguradong mayayari tayo sa kanya kapag narinig niya tayo," umiiling na sabi ko at tumango siya. "Sinabi ko rin kanina na kung pwede ay huwag mo na isama si Jerome pero naalala ko na imposible iyon mangyari lalo na kung sa ganoon na lugar ka pupunta," disappointed na sabi niya at napatingin ako sa kanya. Isa iyon sa mga bagay na matagal na namin laging pinag-awayan ni Jerome. Hindi naman niya ako pinagbabawalan na makasama ko ang mga kaibigan ko pero may limit. Minsan ay kailangan kasama ko siya lalo na kung ang mga lugar na pupuntahan namin ay maraming tao. Sa mga unang buwan namin ay okay sa akin at sa tingin ko ay sweet. Iniisip ko noon na sa sobrang pagmamahal niya sa akin ay ayaw niya umalis sa tabi ko. Pagsapit naman ng first anniversary namin ay nangako siya na babawasan na niya ang pagiging seloso at paghihigpit sa akin pero hindi iyon nangyari. Sa loob ng ilang taon ay hindi ko na mabilang sa mga daliri ko kung ilang beses na kami nag-break at nagkabalikan. Kahit paano ay naiintindihan ko kung bakit siya nagkakaganoon. Niloko kasi siya noon at sobrang nasaktan siya pero ginagawa ko naman ang lahat para patunayan sa kanya na hindi ako katulad ng Ex-girlfriend niya. Mahal na mahal ko si Jerome at kahit laging sinasabi ng mga kaibigan ko na hindi siya worth it ay wala akong pakialam. Si Jerome ang unang boyfriend ko sa loob ng tatlong taon ay marami na kaming pinagsamahan na dalawa. Hindi man palagi pero may mga pagkakataon din naman na masaya kami. "Pwede naman ako magpaalam sa kanya," sabi ko at tiningnan ako ni Laraine. "Sa tingin mo ba Debbie papayag siya ng ganoon na lang? We both knows kung ano gagawin niya. Huwag mo na lang alalahanin ang sinabi ko. Basta set na lang natin sa day off mo," tugon niya at tumango ako. "Sorry kung naisip ko pa iyon. Na miss ko lang kasi iyong Devonne noon," alanganin ang ngiti na sabi niya at nagtataka napatingin ako sa kanya. "Devonne noon? Ako pa rin naman ito Raine," tugon ko sa kanya at nakangiti na umiling siya. Inabot niya sa akin ang phone niya at pinakita sa akin ang mga pictures ko before ko naging boyfriend si Jerome. Pinakita rin niya sa akin ang mga picture na kasama ko si Jerome. Napansin ko nga ang pinagkaiba pero mas pinili ko na huwag na lang pansinin. "Masaya naman ako kay Jerome at mahal namin ang isa't isa. Normal lang naman ang nangyayari sa amin dahil wala naman perpekto na relasyon. Hindi ko siya susukuan tulad ng ginawa ni Mama sa akin. Iniwan niya si Papa dahil nahihirapan na siya sa sitwasyon. Nakita ko naman na kahit paano ay sinubukan niya pero sumuko rin siya agad. Naniniwala ako na kapag mahal mo ang isang tao ay dapat tanggap mo ang lahat sa kanya at willing ka mag-adjust para sa kanya. Hindi ka basta susuko dahil lang mahirap na ang lahat. Hindi naman puro saya ang isang relasyon lahat naman ay may pinagdadaanan. Alam ko na mahirap paniwalaan pero naniniwala ako na magbabago rin siya. Ma realize niya na hindi ako katulad ng Ex-girlfriend niya at hindi ko siya iiwan kahit na ano pa man ang mangyari," paliwanag ko at tinapik niya ako sa balikat. "Pero sana ay maisip mo rin Debbie na magkaiba ang awa sa pagmamahal. Hindi ko sinasabi ni awa lang ang nararamdaman mo para kay Jerome pero kung ang lagi mo lang iisipin ay ang nangyari sa kanya baka iba na ang nararamdaman mo. Hindi dapat maging dahilan ang nakaraan niya para mag-suffer ang relasyon ninyo. Sobrang namamangha nga ako sa iyo kasi ang galing mo magdala sa problema ninyo. Alam kong mahal mo siya pero baka hindi sa paraan na akala mo," sabi niya at napaisip ako. "Alam ko naman iyon Raine at sa tingin ko naman ay pagmamahal ang nararamdaman ko para sa kanya. Oo naawa ako sa kanya dahil alam ko kung gaano siya nasaktan pero mas higit doon ang nararamdaman ko," paglilinaw ko at tumango siya. "Alam naman namin iyon at ginagalang namin ang desisyon mo Debbie na mag-stay sa tabi niya. Bilang mga kaibigan mo hindi namin mapigilan ang mag-alala para sa iyo. Ano man ang desisyon mo lagi lang kami nandito," nakangiti na sabi niya at ngumiti rin ako. "Maraming salamat sa inyo ni Mela dahil mula noon hanggang ngayon ay nandiyan lang kayo. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa akin kung wala kayo sa tabi ko lalo na noong mga panahon na gusto ko na sumuko," sabi ko at pinisil ko ang kamay niya. "Tigilan mo na iyang drama mo at baka masira pa ang make up ko," sabi niya na halatang namumula na ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD