5 - Devonne "Other side of HIM"

2022 Words
"Debbie, nakausap mo na ba ang Kuya mo?" tanong ni Papa habang kumakain kami ng almusal. "Tungkol po saan, Pa?" balik tanong ko sa kanya pero sa pagkain nakatuon ang attention ko. Natatakot kasi ako na kapag tumingin ako sa mga mata ni Papa ay makita niya na nagsinungaling ako. Sinubukan ko naman tawagan si Kuya pero hindi siya sumasagot. Nag-send din ako ng message sa kanya pero kahit isa ay walang reply. Alam ko na sinasadya niya na hindi sagutin ang tawag ko dahil alam niya na hindi ko siya titigilan hanggang hindi niya sinasabi sa akin kung ano ang gumugulo sa kanila. Hindi naman sa gusto ko makialam sa problema nila pero sobrang nag-aalala lang ako sa kanila. Nararamdaman ko kasi na hindi lang simpleng away o basta tampuhan lang ang nangyayari. Sa palagay ko ay may mas malalim na dahilan kung bakit may tensyon sa pagitan nila. Hindi naman kasi sila mahirap basahin dahil obvious na may something na kakaiba. Tinawagan ko naman si Ate Celine pero sinabi niya sa akin na si Kuya na lang ang kausapin ko. Ayaw niya na sa kanya mismo manggaling kaya naman mas kumbinsido ako na may problema talaga sila. "Kung may problema ba siya o sila? Hindi ba na kwento ko sa iyo na minsan ay tumawag siya sa Tito Jojo mo at mukhang nakainom pa. Noong birthday naman ni Denise ay napansin ko na parang hindi ata sila okay ni Celine. Pasimple nila iniiwasan ang isa't isa at halatang pilit ang mga ngiti nila. Hindi mo man lang ba napansin? Wala ba nabanggit ang Kuya mo?" nag-aalala na tanong niya at saglit ako natigilan. Nagulat ako sa sinabi ni Papa pero hindi lang ako nagpahalata. Hindi lang pala ako ang nakapansin dahil pati si Papa ay nararamdaman din ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Ito na nga ang kinatatakutan nila na mangyari ang malaman ni Papa pero kahit itago nila ay kapansin pansin pa rin dahil sa kinikilos nila. Umayos ako ng upo at humarap ako kay Papa. "May tampuhan lang po sila pero okay na po sila ngayon Papa," pagsisinungaling ko at tiningnan niya ako sa mga mata saka tumawa. "Normal lang naman ang tampuhan sa isang relasyon at normal lang din ang magkaroon ng problema. Ang mahalaga ay at the end of the day bago matapos ang araw dapat ay napag-usapan na ang problema. Mahalaga ang maayos na komunikasyon sa isang relasyon at pagiging open sa isa't isa. Dapat ay nasasabi ninyo sa isa't isa kung ano ang totoong nararamdaman ninyo. Ang pagpapakatotoo ay pwede maging dahilan para masaktan ninyo ang isa't isa pero pwede rin iyon ang magpatatag sa relasyon ninyo," sabi ni Papa. "Parang kayo ni Jerome nagkakatampuhan din kayo pero hindi naman nagtatagal ay okay na ulit kayo. Ilang beses na nga kayo naghiwalay pero nagkabalikan pa rin dahil mahal ninyo ang isa't isa. Willing kayo patawarin ang bawat isa at magsimula ulit," dagdag pa ni Papa at ngumiti ako. "Mabait, maalalahanin at mapagmahal naman po si Jerome may mga pagkakataon lang po talaga na hindi niya mapigilan na magselos," nakangiti na sabi ko. "Ang mahalaga sa akin Debbie ay masaya ka at hindi ka niya sasaktan," sabi ni Papa at tumango ako. Noon ay hindi pabor si Papa sa panliligaw ni Jerome sa akin. Sa tingin kasi niya ay hindi seryoso sa akin ang binata dahil sa reputasyon niya sa lugar namin. Typical na bad boy kasi siya kaya madalas ay hinuhusgahan siya ng ibang tao. Pinatunayan naman niya kay Papa at Kuya na seryoso siya sa akin kaya hindi na sila tumutol pa. Tuwang-tuwa ang mga magulang niya dahil sa tingin nila ay malaki ang epekto ko kay Jerome kaya siya nagbago. Hindi ko naman siya binago dahil mismong si Jerome ang gumawa noon sa sarili niya at masaya ako. "Pa, may balita ka pa ba kay Mama?" alanganin na tanong ko pagkalipas ng ilang minuto na katahimikan. Every now and then ay hinahanap ko pa rin ang presensya ni Mama lalo na sa mga panahon na kailangan ko ng kausap. Hindi naman kasi lahat ng bagay ay pwede ko sabihin kay Papa o Kuya. Hindi ko naman lagi kasama ang mga kaibigan ko dahil may mga sarili rin sila buhay. Lumaki ako na si Mama ang pinagsasabihan ko ng lahat ng nararamdaman ko kaya ng iniwan niya kami ay malaki ang naging impact noon sa akin. Muntik na ako sumama sa masamang grupo dahil sa kagustuhan ko na makalimot. "Bilisan mo na riyan at baka malate ka na," tugon ni Papa at huminga ako ng malalim. Hindi na ako nagtataka sa reaksyon ni Papa dahil mula ng umalis si Mama ayaw na niya pag-usapan ang tungkol sa kanya. Sinisisi ni Papa ang sarili niya kung bakit iniwan kami ni Mama at bakit nagkaganito ang buhay namin. Ramdam ko ang lungkot at pangungulila ni Papa sa tuwing birthday ni Mama at anniversary nila. Ilang beses ko sinubukan na makibalita sa mga kamag-anak namin sa side ni Mama pero kahit sila ay walang alam. Wala naman pakialam si Kuya Dexter kasi para sa kanya mula ng umalis si Mama ay tinalikuran na niya kami. Si Kuya ang nagsasabi sa akin na huwag ko na hanapin at isipin si Mama dahil wala na siyang pakialam sa amin. Masakit ang ginawa niya sa amin pero gusto ko marinig ang paliwanag niya. Gusto ko marinig mula sa kanya kung bakit niya iyon ginawa kay Papa at sa amin. Kung totoo ba na pera ang dahilan kung bakit niya kami iniwan. "Okay po," tugon ko at tumayo na siya. Pagkatapos ko iligpit ng pinagkainan namin ay bumalik na ako sa kwarto ko para maghanda sa pagpasok. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Papa nakatanaw sa bintana at malalim ang iniisip. Kahit hindi niya sabihin alam kong malungkot siya dahil naalala na naman niya si Mama. "Nandito na ang sundo mo, Debbie!" sigaw ni Papa. Lumingon si Papa at sakto naman na pababa na ako ng hagdan. Ihahatid ako ni Jerome ngayon sa work at sobrang excited ako na makita siya. Magkausap kami sa phone kagabi at sinabi niya na ihahatid niya ako. Noon naman ay halos araw-araw niya ako hatid o sinusunod sa work. Nagkataon lang na nitong mga nakaraang buwan ay naging madalas dahil busy siya sa on-going renovation ng bar niya. "Magandang umaga po Tito," magalang na bati ni Jerome kay Papa pagpasok sa pinto saka nagmano. "Maganda umaga rin naman sa iyo," tugon ni Papa. "Good morning, Love!" nakangiti na bati niya sa akin paglapit ko sa kanya at hinalikan niya ako sa pisngi. "Good morning too, Love!" nakangiti na tugon ko bago niya ako akbayan. "Pa, mauna na po kami. Huwag mo po kalimutan ang mga bilin ko po," sabi ko at natawa naman siya. "Hindi na ako bata Debbie," natatawa na sabi ni Papa saka tumingin kay Jerome. "Exactly, kaya nga po mas dapat ka po sumunod dahil para po iyon sa iyo at hindi sa akin," paalala ko at huminga siya ng malalim saka tumango. "I love you po Papa," sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi. "I love you too," halos pabulong na tugon niya at tinapik niya ako sa balikat. "Mauna na po kami Tito," nakangiti na paalam ni Jerome at nakangiti na tumango naman si Papa. "Mag-ingat ka sa pag-drive mo Jerome huwag masyadong magmadali dahil maaga pa naman," bilin ni Papa at tumango naman ang binata. Kinuha ni Jerome ang isang kamay ko at naglalakad na kami palabas ng bahay. Pagdating namin sa tapat ng sasakyan ay binuksan niya iyon. Nagulat ako sa nakita ko at napatingin agad ako kay Jerome. Nakangiti na tumango siya kaya kinuha ko ang bulaklak nakapatong sa ibabaw ng bangko. "Thank you Love," nakangiti na sabi ko bago ko inamoy ang bulaklak na hawak ko. Isa iyon sa mga ugali ni Jerome kapag matagal kami hindi nagkita. Binibigyan niya ako ng bulaklak o kahit anong bagay. Inalalayan niya ako namakasakay sa sasakyan niya. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa mga bulaklak na hawak ko. Mababaw lang naman ang kaligayahan ko at alam iyon ni Jerome. Napatingin ako sa side ko nang marinig ko ang pagsara ng pinto. "I miss you so much Love," nakangiti na sabi niya saka niya ako hinalikan sa noo at napapikit ako. "I miss you too Love," nakangiti na tugon ko at hinamplos niya ang pisngi ko. "Sorry Love kung lagi ako busy kaya hindi na kita na hatid at sundo sa work mo. Nagmamadali na kasi si Marlon na matapos agad ang renovation ng bar. Ilang months na lang at matatapos na magagawa na ulit natin ang mga ginagawa ko sa before. Babawi ako sa iyo Love, promise," sabi ni Jerome at kinuha niya ang isang kamay ko. "Hindi mo naman kailangan na mag-sorry Love kasi naiintindihan ko po. Iniisip lang ni Marlon ang makakabuti sa bar ninyo. Excited na ako makita ang pagbabago sa bar at ang itsura ng Restaurant. Huwag kang mag-alala dahil hindi naman ako nagtatampo Love. Thanks again for the flowers," nakangiti na sabi ko at ngumiti rin siya. Si Marlon ay ang kababata ni Jerome na kauuwi lang galing sa ibang bansa at nagdesisyon na manatili na rito for good. Nakita kasi niya ang potential ng bar ni Jerome at nag-suggest siya na ipa-renovate iyon. Gusto rin niya na maging business partner ni Jerome at agad naman pumayag ang binata. Pinatayo lang naman ni Jerome ang bar na iyo para magkaroon siya ng libangan. Nakapagtapos siya sa kurso na management kaya iyon ang naisip niya, ang magtayo ng sarili niyang negosyo. Kung tutuusin ay kahit hindi na magtrabaho si Jerome dahil nag-iisa lang naman siyang anak at mayaman ang pamilya niya. Hindi naman lumaki na spoiled si Jerome dahil independent siya at hindi marunong umasa sa ibang tao. Ibang-iba siya sa sinasabi ng ibang tao at iyon ang dahilan kung bakit mahal na mahal ko siya. Maraming bagay ang hindi alam ng ibang tao tungkol Kay Jerome na unti-unti ko nalaman nang maging kami na. "You know that I will do everything that makes you happy Love," sabi niya at hinalikan niya ako sa noo kaya napangiti ako. Tiningnan niya ako sa mga mata at dahan-dahan na lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko at tinugon ko naman. Hindi naman ganoon katagal ang halik pero nagdulot iyon ng libo-libong kuryente na dumaloy sa buong katawan ko. Ilang minuto lang ay binuhay na niya ang makina ng sasakyan. Hindi na niya binitawan ang isang kamay ko. Ilang taon na kami ni Jerome pero pakiramdam ko ay parang ilang buwan pa lang kami. Alam niya kung paano ako pa kiligin everytime na magkasama kami. Alam niya halos lahat ng gusto ko at magpapasaya sa akin. "Love, mamaya pagsundo ko sa iyo pwede ba na mag-dinner muna tayo?" tanong niya at napatingin ako sa kanya saka nakangiti na tumango. "Oo naman Love pwedeng-pwede ngayon nga lang ulit tayo nagkita. Saan mo ako plano dalhin mamaya?" nakangiti na tugon ko at pinisil niya ang kamay ko. "Surprise Love. It's for you to find out later. I'm sure you will love the place and the food there Love," nakangiti na sabi niya at excited na tumingin ako sa kanya. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa tapat ng store kung saan ako nag-work. Agad siya bumaba ng sasakyan para alalayan ako na bumaba. Iniwan ko na muna ang bulaklak sa upuan para hindi ko na kailangan bitbitin pa sa loob ng store. "I'll see you later Love," nakangiti na sabi niya pagdating namin sa may pinto ng store at tumango ako. "I love so much, Love. Bye," paalam niya at hinalikan na niya ako sa noo saka sa pisngi. "I love you too Love," nakangiti na tugon ko bago siya naglakad papalayo. Kumaway pa ako sa kanya bago siya tuluyang pumasok sa sasakyan niya. Bumusina na pa siya bago umalis at tinanaw ko pa siya papalayo. Hindi mawala ang matamis na ngiti sa labi ko pagpasok ko sa store.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD