3 - Chandrei "What I hated the most"

2013 Words
"Any questions, opinion or suggestion?" pormal na tanong ko pagkatapos namin panoorin ang presentation para sa next project ng Premium Builders and Development. Nagkatinginan muna ang mga board of member sa isa't isa. May ilan sa kanila ang tumango senyales nagustuhan nila ang project pero may ilan naman ang umiiling. Ito na ang pinaka-malaking project na gagawin ng company sa ilalim ng pamumuno ko. Matagal na pinag-aralan ng team ko ang project na ito at naniniwala ako na magiging successful ito. Alam ko na mahihirapan ako na kumbinsihin ang lahat ng board of members dahil mataas ang risk. Ako ang tipo ng tao na mahilig mag-take ng risk dahil naniniwala ako na sa buhay ay kailangan sumugal para magtagumpay. Iyon ang pinagkaiba namin ni Papa, mas gusto niya gawin ang mga bagay na safe lang at traditional. Hindi naman kasi biro ang project na ito kung saan ay tatlong connecting condominium with complete amenities ang gagawin namin. Lingid sa kaalaman ng board of members ay may investor na akong nakausap para sa project na ito at interesado sila. Malaki ang potential ng project na ito dahil ito ang kauna-unahan na condominium with unique design dito sa Pilipinas. "Hindi ba masyadong risky ang project na ito, Andrei? Malaking pera kasi ang kailangan natin at sa palagay ko ay kulang ang isang taon para matapos ang project na iyan. Paano naman ang iba pa natin mga project na on-going?" tanong ni Uncle Carlos. Sinenyasan ko si Philip na ipamigay na ang mga folder kung saan ay nakalagay doon ang lahat ng report at quotation para sa project na ito. Pinaghandaan ko talaga ang meeting na ito dahil alam ko na magkakaroon ng alinlangan ang mga ito. Makikita sa report ang budget na kailangan pati na rin ang time table na concern nila. Sinadya ko na ipalagay din ang budget na willing ibigay ng limang investors na nakausap ko. Gusto ko kasi malaman nila na ang limang investors ay willing na magbigay ng malaking halaga para sa project na ito. "We need to sacrifice in order to gain more," tanging sagot ko at tumango naman halos lahat except kay Uncle Carlos. "If you think this will bring more success to our company then you have our approval," sabi ni Mr. Alvarez, isa sa mga board of members at tumango ang iba pa. After mamatay sa isang accident ang mga magulang ko ay ako na ang nag-manage sa kumpanya na pinalago ng parents ko. Si Lolo Felix ang nagpatayo ng kumpanya pero si Papa ang nagpalago kasama si Mama. Naging involved na si Uncle Carlos sa pagpapatakbo ng company kahit pa nga ayaw niya. It was four years ago when the accident happened. I was in Canada managing my own construction firm. Malayo ang loob ko kay Papa ever since kaya after ko makapagtapos sa kolehiyo ay nagtayo ako ng sarili kong company instead na hawakan ko ang company niya. He tried to control my life but I never let him and that's the reason why I always go against his will. Laging sinasabi ni Mama na magkatulad kami ng ugali ni Papa kaya siguro everytime we meet it always end up in disaster. None of us like to be the follower and to be control of each other. He might love me like Mama always say but I didn't feel it. He just wants everything to go on his way without any objections. The only reason why I'm talking to him is because of my mother and because no matter what he is still my father. "Meeting adjourned," sabi ko saka tumayo na ako at naglakad na palabas ng conference room. At the young age ay nagawa kong palaguin ang sarili kong company pero later on ay kailangan ko iyon iwan sa business partner ko. Nakatulong ng malaki ang mga critism, discouraging words at hatred para maitayo ko ang company ko. Gustong-gusto ko na ipamukha at ipakita kay Papa na kaya ko gawin ang lahat ng wala siya. Hindi madali para sa akin ang iwan ang company na pinaghirapan ko pero wala akong choice. Mas kailangan ko kasi pagtuunan ng panahon ang company naiwan ni Papa at dahil wala naman ibang magmamana noon kung hindi ako. The company is well known not only in the Philippines but also in different parts of Asia. Isa ang kumpanya sa pinaka-kilala when it comes to high building like condominiums and hotels. Kahit na may differences kami ni Papa ay hindi ko naman kayang balewalain ang mga paghihirap niya sa pagpapalago ng company. Iyon ang dahilan kung bakit halos wala ng oras sa amin si Papa dahil ang katwiran niya ay para iyon sa kinabukasan ko. "What is my schedule today?" tanong ko kay Philip ang assistant ko pagpasok namin sa office ko. Matagal ng Assistant si Philip sa company mula sa Kay Papa. Si Papa ang nagpa-aral sa kanya kaya bilang pagtanaw ng utang na loob ay tinanggap niya ang offer ni Papa na magtrabaho sa kanya. Hindi nagkakalayo ang edad namin at magaan naman ang loob ko sa kanya. Hindi na ako naghanap pa ng iba dahil gamay na rin niya ang trabaho at hindi ako mahihirapan. Pinatunayan naman niya sa akin na pwede ko siya pagkatiwalaan tulad ng ginawa ni Papa sa kanya. "You have lunch meeting with Mr. Castillo at Peninsula Hotel. Supplier meeting with Mr. Sarto at three o'clock here in the office. Dinner with Chairwoman at her house," tugon niya habang tinatanggal ko ang coat ko. "The Salcedo Steel Corporation would also like to have an appointment with you Sir. It is regarding the proposal they sent to us last week." dagdag pa niya. "Prepare all the documents I need to discuss with Mr. Castillo later," sabi ko bago umupo. "Yes Sir," tugon niya. "Do you already have the inventory report I requested the other day? Also the pictures and report of the damages that are caused by all substandard materials they deliver the other week?" tanong ko at tumango siya. Inabot niya sa akin ang isang envelop na may mga laman na pictures at documents. Last week ay nakatanggap ako ng tawag mula sa Project supervisor ng isang project namin at sinabi na puro substandard ang ilang sa mga materials na received nila galing sa supplier namin. This was the first time and it is obviously intentional. Mapalalampas ko pa siguro kung hindi sinadya pero sa tagal ko na sa ganitong kalakaran ay napaka-imposible na hindi iyon sinadya. Out of thousands of hollow blocks they delivered, half of them are substandard and can't be use. They also checked the other materials and found some damages. Matagal na namin sila supplier ng mga material mula pa noong nag-uumpisa ang company. Kaibigan ni Papa ang may-ari ng construction supply kaya hindi na kami naghahanap pa ng iba. Kung hindi nila kami bibigyan ng maayos na explanation regarding sa nangyari ay mapipilitan kami na terminate ang contract nila sa amin. Hindi ko palalampasin ang ginawa nila kahit pa nga malapit na kaibigan ni Papa ang owner. Sa mundong gjnagalawan ngayon ay maraming tao ang nakasubaybay sa lahat ng kilos ko. Marami sa kanila ang naghihintay lang na magkamali ako at hindi ko hahayaan na mangyari iyon. "What's the progress of the investigation?" tanong ko habang nakakuyom ang palad ko. Six months ago ay may napansin ako sa mga financial report na ipinapasa akin quarterly. Sa unang tingin ay hindi agad iyon makikita lalo na kung ang total agad ang titingnan. Isa sa mga ugali ko ang tingnan ng buong detalye ang isang bagay. Kapag may napansin ako na kakaiba ay hindi ko iyon tinigilan hanggang hindi ko nalalaman kung bakit. Sadly, isa iyon sa mga namana ko na ugali ni Papa. Laging sinasabi ni Mama na kaya hindi kami magkasundo ni Papa ay dahil magkapareho kami ng ugali. I totally agree with her. "Mr. Capistrano left this Sir," sagot ni Philip sabay abot sa akin ng brown envelope. Binuksan ko ang envelope at nakita ko roon ang mga picture ng limang lalaki sa isang casino. Sobrang disappointed ako dahil napatunayan ko ang hinala ko at hindi ko mapigilan ang magalit. Ang mga picture ay kinuha ng halos isang buwan at halos gabi-gabi ay laman ng casino ang mga lalaking iyon. Pamilyar sa akin ang mga nasa pictures dahil matagal na silang employee ng company namin. Hindi ako makapaniwala na ang mga tao na pinagkakatiwalaan ng company ay ganito pa ang ibabalik na halos naging pamilya na nila. Marami na akong nakilala na iba't ibang mga tao at ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang mga mapagsamantala sa kapwa. Ang mga tao na gagawa ng masama para lang makuha ang gusto nila. Mga tao na kayang manakit ng iba para sa pansarili na kapakanan. Kung ano at saan man ako ngayon ay nakuha ko iyon ng walang tinatapakan na tao. I don't play dirty and hate pulling tricks just to get I want. Nakukuha ko ang gusto ko pero sa maayos na paraan. Nagsasamantala ako sa pagkakataon pero hindi sa tao. "I want to get all the information you can get about these guys as soon as possible. Call Atty. Ramirez and set me an appointment with him by tomorrow. Tell him that it is urgent," sabi ko habang pinagmamasdan ko ang mga picture. "Okay Sir. The final report from the auditor will be submitted to us tomorrow," pag-inform niya at tumango-tango ako. "Assign a team that will gather all the evidence we need. I want even the smallest details and tell them to be discreet. I want to catch them in time that they least expected. Ayaw ko na malaman nila at magkaroon sila ng pagkakataon na makaalis agad ng company," bilin ko at tumango niya. "Okay Sir, I will do it as soon as possible," tugon niya at nagpaalam na bago lumabas ng office ko. Huminga ako ng malalim dahil hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Despite their high salary and complete benefits they still manage to steal money from the company. Kung pagsasamahin ang lahat ng amount sa tingin ko ay more than a million na ang nakuha nila. Gusto ko malaman kung gaano na nila ito ginagawa at kung sino-sino pa ang kasama nila. Hindi ako naniniwala na lima lang sila dahil hindi madali ang magpalabas ng pera sa company. Sa tingin ko ay may iba pa sa ibang department na sangkot sa gulong ito. Kailangan nila pagbayaran ang ginawa nila sa kumpanya at siguraduhin ko iyon. "If they think they can get away with this they are wrong because I won't let them get away that easily. I will see to it that they will spent years in jail," sabi ko habang nakuyom ko ang isang kamay ko. Maraming beses na ako naloko at pinaglaruan noon ng mga tao sa paligid ko kaya naman natuto na ako. Bago mamatay si Papa ay marami siyang tao natapakan kaya naman marami ang naghahangad sa position ko ngayon. Sa nakalipas na panahon ay bilang lang sa daliri ko ang mga taong pinagkakatiwalaan ko. Hindi na ako ganun kabilis magtiwala sa mga tao dahil na realize ko na kung hindi pera ay connection lang ang tanging gusto nila sa akin. Pinatibay at pinatigas ng panahon ang puso ko dahil ayaw ko na masaktan ulit. Sa panahon ngayon lahat ng bagay ay nababayaran na at lahat ng tao ay may katapat na halaga. Hindi na ako naniniwala na may tao na kayang tumanggi kapag pera na ang pinag-uusapan. Pera kadalasan ang nagpapabago sa tao ang nakakalungkot lang ay kadalasan ay sa masamang paraan pa. "I need to solve this as soon as possible," sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi na kailangan makarating sa board of members ang nangyari dahil sigurado na gagamitin nila ang issue na iyon laban sa akin. Hindi man ako ang in-charge pero ako pa rin ang nasa taas kaya bago pa makarating sa iba ay dapat maayos ko na ito ng matahimik. Isang kasiraan din kasi iyon para sa akin kaya mas maagap na ma solve ito ay mas mabuti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD