19 - Chandrei "Win-win situation"

1429 Words
"We need to talk!" halos pasigaw na bungad ni Gretchen pagpasok niya sa office ko. "Sorry Sir, I tried to stop her but she insist," paliwanag ni Anne habang nasa likod ni Gretchen. Mahigpit ko na binilin na ayaw ko magpaistorbo dahil kailangan ko mag-focus sa ginagawa ko. Kitang-kita ko sa mukha niya ang takot dahil naisip niya na mapapagalitan ko siya. Huminga ako ng malalim saka sinara ang folder na binabasa ko. Tumango ako sa kanya senyales na hayaan na si Gretchen. Tumungo naman siya saka lumabas ng office ko. "What do you want? I thought you are very busy," sabi ko at padabog na umupo sa katapat ko na bangko. "What is this?" tanong niya saka nilabas ang isang black box mula sa bag niya. "Farewell gift?" nakataas ang isang kilay na tanong niya at huminga ako ng malalim. Inutusan ko si Philip na bilhin ang necklace na gustong-gusto niya. Last month ay may pinuntahan kami na auction ng mga jewelry. May nagustuhan siya na necklace at agad ko iyon pina-reserve. Hindi naman siya humihiling sa akin ng materyal na bagay. Plano ko sana na ibigay ko iyon sa birthday niya which is three months from now pero nagbago ang lahat. "Gretchen, we need to stop this," sabi ko at biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. "Why Drei? What happened? Is there something I did?" natataranta na tanong niya at umiling ako. "We both know Gretchen what is this between us. We need to stop this before it's too late," sagot ko at saglit siya pumikit. I hate seeing her reaction right now. Ito ang pinaka-reason ko kaya ayaw ko ng normal na relationship. I don't want to feel guilty over the things that I make perfectly clear. "Is there someone new?" nanlilisik ang mata na tanong niya. "There is no someone else Gretchen. I just don't want to make things complicated and hurt you in the end. We started this relationship with same perspective but now it's different," paliwanag ko at umiling siya. Mula nang makilala ni Gretchen si Lola Vicky ay nagbago na siya. Kumakain kami noon sa isang Restaurant nang bigla ko nakita si Lola kasama ang mga amiga niya. Hindi ko sana siya ipakilala kaso lumapit sa amin si Lola at kabastusan naman kung hindi ko sila ipakilala sa isa't isa. Napansin ko na nagsimula na siya maging clingy at demanding na siya. Doon ko naisip na kailangan ko na tapusin ang relasyon namin bago pa maging komplikado ang lahat. "May ginawa ba ako Drei? Sabihin mo sa akin para mabago ko. Gagawin ko ang lahat huwag ka lang mawala sa akin. Okay lang naman sa akin ang setup natin. Wala kang maririnig na reklamo mula sa akin," nagmamakaawa na sabi niya. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at humarap ako sa may bintana. Huminga ako ng malalim saka yumuko dahil ito na nga ang iniiwasan ko at kinakatakot ko na mangyari. Napalingon ako nang marinig ko na tumayo siya saka lumapit sa akin. Yinakap niya ako mula sa likuran at hinaplos ang dibdib ko. Pinaharap niya ako at sinubukan niya ako halikan pero umiwas ako. "Please Drei, don't do this to me. Masaya naman tayo hindi ba? Ano ba ang naging problema natin?" naguguluhan na tanong niya at kumalas ako sa pagkakayakap niya. "Gretchen, let's just stop now. Masasaktan lang kita dahil wala naman patutunguhan ang relasyon na ito. Mula sa umpisa pa lang ay sinabi ko na sa iyo kung bakit pumasok ako sa ganito na relasyon. Buong akala ko ay pareho tayo ng gusto pero hindi pala. Hindi naman kita sinisisi dahil normal lang iyon pero hindi ako normal. Makakahanap ka rin ng tao na magmamahal sa iyo at susuklian ang nararamdaman mo," sabi ko habang umiiyak siya. "Ikaw lang ang gusto at okay lang sa akin kung ano ang gusto mo," sabi niya at umiling ako. "This won't work Gretchen," giit ko at natigilan siya saka yumuko. "Wala kang puso Drei! Hindi ka marunong magmahal at sana ay wala ng katulad ko ang magmahal sa tulad mo. Hndi mo alam kung gaano mo ako nasasaktan dahil sarili mo lang ang iniisip mo. Okay ka noong panahon na masaya tayo pero dahil lang may nararamdaman na ako sa iyo ay bigla kang naduwag. Tama duwag ka dahil natatakot ka sa nararamdaman mo at hindi dahil ayaw mo makasakit ng tao," umiiyak na sabi niya. Natigilan ako sa sinabi niya dahil baka nga tama nga iniisip niya. Duwag nga siguro ako dahil natatakot ako masaktan at makasakit. Hindi ko kasi alam kung capable ba talaga ako na magmahal at worth it ba na mahalin ako. Lumaki kasi ako na hindi ko nararamdaman ang mahalin katulad ng gusto ko. Siguro nga mahal ako ng magulang ko pero hindi ko iyon naramdaman dahil lagi silang wala sa tabi ko. "Hindi ko ito kailangan dahil hindi mapapalitan ng materyal na bagay ang sakit nararamdaman ko ngayon," sabi niya at binato sa sahig ang kwintas na binigay ko sa kanya. "Tandaan mo ito Chandrei Lance Villenas, darating ang araw na makikilala mo ang babae makakatapat mo. Makakaramdam ka ng sakit at magugulo ang buhay mo dahil sa kanya. Kapag dumating ang araw na iyon sana marealize mo kung ano ang nararamdaman ng mga babae nasaktan mo," paalam niya at padabog na sinara ang pinto. Huminga ako ng malalim habang nakatingin ako sa labas ng bintana. This is not the first time at kahit paano ay expected ko na ang reaksyon nila. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na ako sa upuan at pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Maya-maya lang ay narinig ko ang pagkatok sa pinto. "Come in," tugon ko at bumukas na ang pinto. "Sir, this is the report you asked for from the Finance Department. This also came from Mr. Dayo, the private investigator you hired," sabi niya sabay abot ng folder at brown envelope. "Kindly call Atty, Ramirez, I need update about the cases to be filed," utos ko at tumango siya. Katatapos lang ng investigation tungkol sa mga nangyari kaya ngayon pa lang na finalize ang case para doon sa tatlo. Desidido na talaga ako na makasuhan ang tatlong empleyado. Kinausap din ako ng pamilya o kamag-anak nila pero hindi ko nakita at naramdaman na sincere sila na huminga ng tawad. Hindi tugma ang mga sinabi nila na dahilan kaya kumbinsido ako na hindi sila karapatdapat na bigyan ng konsiderasyon. "Thank you," sabi ko bago umalis si Philip. Pinagmamasdan ko ang folder at brown envelope nakapatong sa lamesa ko. Pinagiisipan ko kung ano ang una kong babasahin. Mas nauna kong binuksan ang brown envelope na galing sa private investigator. "Devonne May Garcia," banggit ko sa pangalan niya at sinimulan ko tingnan ang mga picture niya. Binasa ko ang mga information nakalagay sa profile niya. Maraming information ang nakalagay doon at aaminin ko na interesado ako sa mga nababasa ko. Nandoon din ang mga information tungkol sa father niya. Naaksidente ang father niya na dahilan kung bakit tumigil siya sa pag-aaral. Nagtataka ako dahil wala ako nakita na information tungkol sa mother niya. Hindi nakalagay doon kung namatay na ba o may iba ng pamilya. "Iyon pala ang dahilan kung bakit affected siya sa nangyayari sa Kuya niya," sabi ko habang tiningnan ko ang pictures niya kasama ang dalawang bata. "Sir, kung sakali po ba na maibalik namin ang lahat ng pera nakuha ng kapatid ko posible po ba na bumaba ang sentence niya. Willing po kami gawin ang lahat para lang po sa kapakanan ng Kuya ko kahit ano po. Sa ilang taon po niya rito ay makikita ninyo na maganda naman po ang naging performance niya not until may pagsubok na dumating sa pamilya nila. Nakikiusap po kami sa inyo at nagmamakaawa po na sana ay bigyan mo po siya ng konsiderasyon. Hindi lang po siya ang apektado dahil pati na rin po ang pamilya niya. Gagawin mo namin ang lahat-lahat," matandaan ko na sabi niya at napangiti ako dahil may naisip ako na plano. "It is a win-win situation. Mapagbibigyan ko na ang matagal na kahilingan ni Lola Vicky na magkaroon ako ng matino at stable na relationship. Magiging malaya na ang Kuya niya at makakasama pa niya ang pamilya niya. It is perfect dahil hindi siya pwedeng ma inlove sa akin dahil kunwari lang ang lahat ng ito at gagawin niya ito bilang kabayaran sa ginawa ng kapatid niya. There is no way na magugustuhan niya ang katulad ko dahil mukhang hindi siya katulad ng ibang babae. Everything will be on the paper," nakangiti na sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD