18 - Devonne "Second chance"

1459 Words
"Hoy Devonne! Ano ba ang nangyayari sa iyo? Wala ka na naman sa sarili mo," sigaw ni Carmela at napatingin ako sa kanya. "Ha?" nagtataka na tanong ko sa kanya at tumawa siya ng malakas. "Tingnan mo ang ginawa mo sa mga mannequin display," sabi niya saka tinuro ang tinutukoy niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa nakikita ko o mainis sa sarili ko. Pambabae ang suot ng male mannequin at panlalaki naman sa female mannequin. Nakatingin lang ako sa mga ito samantala tawa lang ng tawa si Carmela. "Ano ba ang problema mo, Debbie? Ginugulo ka pa rin ba niya? Ano na naman ang ginawa niya?" nag-aalala na tanong niya at umiling ako. Okay sana kung siya ang dahilan kung bakit ako nagkaganito kasi normal lang iyon. Ilang araw na ang lumipas mula nang samahan ko si Ate Celine na kasuapin ang Presidente ng kumpanya. Ilang gabi na rin ako hindi makatulog ng maayos dahil kahit doon ay nakikita ko ang mukha niya. Ang arrogante at antipatiko niyang mukha. Ang nangungusap niya na mga mata na kapag tinitigan ay parang may hinihila ka papalapit. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan ko na maapektuhan niya ako ng ganito. Dapat ang iniisip ko ngayon ay ang pera na kailangan namin ibalik pero iba naman ang pumapasok sa isip ko. Huminga muna ako ng malalim at sinimulan ko na tanggalin ang suot ng dalawang mannequin. Akala ko makakatulong sa akin kung aabalahin ko ang sarili ko para madistract ako pero mukhang hindi effective. "Hindi naman siya ang iniisip ko," malungkot na tugon ko at nilapitan niya ako. "May problema kasi si Kuya sa company na pinagtatrabahuhan niya," malungkot na sabi ko at tinapik niya ako balikat. "Bakit sis? Ano ang nangyari sa kanya?" tanong niya at napa-buntong hininga ako. "Kasama kasi siya sa mga empleyado na nagnakaw sa kumpanya. Nag-umpisa niya iyon gawin ng nagkasakit si Ate Celine. Kailangan kasi operahan si Ate at malaking halaga ang kailangan. Hindi niya sinabi sa amin dahil ayaw niya na mag-alala kami ni Papa. Pagkatapos ng operation ni Ate ay sinubukan ni Kuya na tumigil na pero pinagbantaan naman siya ng mga kasama niya. Hanggang sa malulong naman siya sa pagsusugal dahil sa mga kasama niya. Iyon din ang ginamit niya na way para hindi siya kainin ng konsensya niya at para makaiwas siya kay Ate. Ngayon ay sasampahan na sila ng kaso dahil nabuking na sila ng kumpanya. Nakipag-tulungan naman siya na ma expose pa ang iba pa nilang kasama. Sinamahan ko si Ate Celine para kausapin ang pinaka boss nila para humingi sana ng konsiderasyon," naiiyak na kwento ko. "Ano naman ang sinabi niya?" curious na tanong niya. "Kung maibabalik namin ang lahat ng perang nakuha ni Kuya, hindi na nila itutuloy ang kaso niya. Kung hindi naman ay sigurado na makukulong siya at posible na mabigat ang ipataw na parusa sa kanya dahil sa mga ebidensya. Kung ilang taon siya makulong ay naka-depende kung magkano ang maibabalik namin," tugon ko sa kanya habang inaayos ko ang damit ng mannequin. "Ano ang itsura niya? Katulad ba ng mga CEO o President sa Korean drama?" tanong niya at natigilan ako. "Matangkad, gwapo, may karisma, malakas ang s*x appeal, mukhang artista o model at simpatiko?" excited na tanong niya at nagtataka napatingin ako sa kanya. "Seryoso ka ba Mela? Iyan talaga ang tanong mo sa akin?" natatawa na tanong ko sa kanya at nakangiti na tumango siya. "Matanda, pangit, malaki ang tiyan, puro puti na ang buhok at mukhang manyakis. Iyon ang itsura ng boss ni Kuya. Masaya ka na?" inis na sagot ko at nagkibit balikat lang siya. Ayaw ko na nga siya maalala pero kailangan pa talaga itanong ni Carmela. Naalala ko tuloy kung paano niya ako tingnan at kung ano ang epekto noon sa akin. Pumikit ako saka umiling para mawala sa isip ko ang imahe ng mukha niya. "Don't tell me na ibibigay mo lahat ng ipon mo?" tanong niya at tumango ako. Sinabi ko kay Ate Celine na may naipon naman ako at pwede ko iyon ibigay. Sa una ay ayaw niya pumayag pero ipaliwanag ko sa kanya kung bakit ko iyon ginagawa. Sinabi ko rin sa kanya na pwede namin isangla ang lupa ni Papa dahil may hawak ako na authorization galing kay Papa. Pinagawa niya iyon para in case raw na may mangyari sa kanya at sa akin niya pinagkatiwala. Sigurado naman ako na maintindihan ni Papa kung bakit ko iyon gagawin. Kapag nakabawi na si Kuya ay saka namin babawiin ang lupa. "Paano ang pangarap mo? Ang plano ko na mag-enrol at makapagtapos?" tanong niya at yumuko ako. Ilang taon rin ako nag-ipon para sa pag-aaral ko dahil ayoko na umasa kay Kuya. Gusto ko na ako ang gumastos sa lahat kaya talagang nagtipid ako. Wala naman ako pagsisihan dahil hindi lang para iyon kay Kuya pero pati na rin sa pamilya niya. Pwede pa naman ulit ako mag-ipon o kaya naman mag-focus na lang ako sa work ko. "Mas mahalaga sa akin ang pamilya ko. Ayoko na lumaki ang mga pamangkin ko na wala sa tabi nila ang Papa nila. Ayaw ko maranasan ng mga pamangkin ko ang naramdaman ko ng mawala si Mama sa buhay ko. Kaya ko ibigay at gawin ang lahat para sa kanila. Masaya na ako basta masaya ang mga tao sa paligid ko," nakangiti na tugon ko at niyakap niya ako ng mahigpit. "Kung kailangan mo ng tulong huwag ka mahihiya na magsabi sa amin ni Laraine," sabi niya at tumango ako. "Ma'am Devonne, may nagpapabigay po ninyo," sabi ni Princess at napatingin ako sa bulaklak na hawak niya. "Salamat," nakangiti na sabi ko. Nagkatinginan kami ni Carmela at kinuha niya ang bulaklak. Siya na ang hinayaan ko na magbasa ng card na kasama noon dahil alam ko na kung kanino iyon nanggaling. Ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko para matapos na ako. "I love you so much Devonne. Please give me a another chance and I promise everything will change. My life has never been the same without you, Love." basa niya sa card at huminga ako ng malalim. Inabot niya sa akin ang bulaklak pati na rin ang card. Hindi ko na iyon tiningnan at diretso ko nilagay sa plastic kung saan nakalagay ang mga basura. Hindi ko alam kung ano ang pwede ko gawin para tumigil na si Jerome. Malinaw naman ang sinabi ko sa kanya na ayaw ko na. "Wala na ba talaga pag-asa? Hindi mo pa ba siya napatawad? Hindi mo na ba siya mahal?" tanong niya at saglit ako natigilan. "Oo, napatawad ko na siya dahil hindi lang naman siya ang nagkamali. Nagkamali rin ako dahil dapat matagal na ako nakipaghiwalay sa kanya. Noong unang beses pa lang niya ako sinaktan dapat hindi ko na siya tinanggap. Kasalanan ko kung bakit umabot kami sa ganito dahil hinayaan ko siya. Pinaramdam ko sa kanya na okay lang sa akin ang lahat kahit na sakal na sakal na ako. Pinaniwala ko ang sarili ko na maging okay ang lahat at magbabago siya. Kung makipagbalikan ulit ako sa kanya ay para na rin sinabi ko na okay lang na saktan ulit niya ako. Mahal ko pa rin siya pero hindi na tulad noon na kaya kong tanggapin ang lahat. I know everyone deserves a second or third chance pero depende iyon sa tao na humihingi noon. Mas mahal ko ang sarili ko kaysa sa pagmamahal ko sa kanya," paliwanag ko sa kanya at nakangiti na tumango siya. "Mabuti na lang at natauhan ka na Debbie, sa wakas. Hindi ako masaya dahil nasaktan ka pero dahil sa wakas ay naging malaya ka na. Nakita naman kita naging masaya sa kanya pero habang tumatagal nararamdaman ko na you're just going with the flow. Ginagawa mo lang ang sinasabi niya dahil ayaw mo na mag-away kayo. Hindi lahat ng pagmamahal ay pare-pareho pero dapat ay may tiwala at secured. Ibang level kasi iyong pagmamahal niya sa iyo at hindi siya healthy relationship," sabi niya. May point naman si Carmela dahil kahit ayaw ko gawin ay ginagawa ko na lang dahil ayaw ko na mag-away kami. Mula sa maliit na pagtatalo hanggang sa naging bayolente na pag-aaway. Hindi naman ako nagsisisi na sinagot ko siya dahil minahal ko naman siya. Dumating lang talaga ako sa point na hindi ko na kaya at mas higit pa ang takot kaysa sa pagmamahal ko sa kanya. "We need to celebrate. Tatawagan ko si Laraine para sabihin na magkita tayo mamaya. Tawagan mo na si Tito para magpaalam kasi tonight hindi ka uuwi dahil we are going to celebrate. At huwag kang kokontra dahil day off mo naman bukas," excited na sabi niya at bago pa ako makapagsalita ay umalis na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD