"Pa, sorry po talaga kung hindi na ako nakauwi kagabi. Nag-kasiyahan po kasi kaming tatlo at hindi na po namin namalayan ang oras. Kagabi lang po kasi ulit kami nagkasama na tatlo Papa," paliwanag ko at saglit ako napatingin sa may pulsuhan ko.
Tinawagan na siya ni Carmela kagabi para ipaalam na hindi ako makakauwi at naiintindihan naman ni Papa. Sumangayon pa nga siya sa sinabi ni Carmela kaya mas lalo ako na guilty. Ayoko umuwi sa amin dahil ayaw ko na makita ni Papa ang marka sa kamay ko. Sigurado ako na sobrang mag-alala siya at hindi ko alam kung ano ang pwede ko sabihin na palusot kung paano ko iyon nakuha. Ayaw ko na lumala pa ang sitwasyon dahil hanggang maaari ay gusto ko na kalimutan ang lahat. Pasalamat na lang at araw ng linggo ngayon dahil walang pasok si Laraine at day off ko naman. Sa bahay ni Laraine ako na tulog at si Carmela naman ay nagpasundo sa pinsan niya kagabi para makauwi.
"Oo nga nabanggit nga ni Carmela kagabi na sobrang nag-kasiyahan kayong tatlo. Wala naman problema sa akin Debbie dahil minsan nga lang iyon. Paminsan minsan ay kailangan mo rin naman maglaan ng oras para sa mga kaibigan mo at mag-enjoy. Wala ka rin naman pasok ngayon kaya okay lang talaga sa akin. Nandito ako ngayon sa Tita Minerva mo kaya huwag mo na ako alalahanin," tugon ni Papa at napayuko ako.
Never pa ako nagsinungaling kay Papa kaya sobrang sama ng nararamdaman ko pero kailangan ko gawin iyon. Alam ko kasi na hindi maganda ang mangyayari at kalalabasan kung sakali na malaman niya. Masyado ng komplikado ang mga nangyari kagabi at ayaw ko na lumala pa.
"Salamat po Pa," sabi ko.
"Mag-ingat ka na lang pag-uwi mo mamaya," sabi niya bago mawala sa kabilang linya.
Huminga ako ng malalim saka ko binalik ang phone ko sa table para mag-charge pa ulit. Umupo ako sa gilid ng kama ni Laraine at hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Sa sobrang higpit nang pagkakahawak niya sa kamay ko kagabi ay hindi nakakapagtaka na nagdulot iyon ng marka. Masakit ang ginawa niya sa akin physically pero mas masakit isipin na humantong na kami sa ganoon. Hinaplos ko ang kamay ko na may pasa at malinaw na lumitaw sa isip ko ang nangyari kagabi sa amin ni Jerome. Ibang-iba ang tao nakaharap ko kagabi at hindi siya ang lalaki na minahal ko. Iyon na ang pangalawang pagkakataon na sinaktan niya ako physically at hindi ko inaasahan na mangyayari ulit iyon. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko dahil naalala ko kung paano niya ako tingnan sa mga at hawakan. Wala na naman tigil ang pagpatak ng luha ko at napapikit ako para kahit paano ay mawala siya sa isip ko.
"Gising ka na pala Debbie," sabi ni Laraine pagpasok niya sa kwarto at agad ako napatingin sa kanya saka ko pinunasan ang luha sa mga mata ko.
"Good morning," pilit ko pinasaya ang boses ko at ngumiti siya.
"Tara na sa baba at kanina pa naghihintay ang pagkain," aya niya at bigla ako nakaramdam ng hiya dahil tinanghali na ako nagising.
Pagkatapos umalis ni Jerome kagabi ay bumalik ulit kami sa bar kung saan ay nagpakalunod ako sa alak. Wala na akong pakialam sa paligid ko ang gusto ko na lang ay mamanhid ako. Umaasa ako na hindi na ako makaramdam ng sakit. Sa bawat baso ng alak na iniinom ko ay hindi lang gumuguhit sa lalamunan ko ang init na epekto noon pero kumikirot din ang puso ko. Hindi madali para sa akin ang mga nangyayari pero ayoko na. Hindi nagtanong ang mga ito at hinayaan lang ako na uminom. Wala akong narinig sa kanila at pinabayaan lang ako na umiyak nang umiyak.
"Huwag kang mag-alala umalis na sina Mama," nakangiti na sabi niya at inalalayan niya ako na tumayo.
May pwesto sa palengke ang magulang ni Laraine, isang maliit na grocery. Ang dalawang kapatid naman niya ay hindi na nila kasama sa bahay dahil may mga sariling pamilya na. Lumabas na kami ng kwarto at bumaba na kami ng hagdan. Pagdating namin sa kusina ay bigla ako nakaramdam ng gutom pagkakita ko sa pagkain sa lamesa. Pritong tuyo, itlog at sinangag na kanin ang nakahain sa lamesa. Pinaupo na niya ako at siya naman ay nagtimpla ng kape namin.
"Para lalo kang malinawan," nakangiti na sabi niya pagkaabot ng mug sa akin at napangiti ako.
Nagdasal na muna kami bago kumain. Sabay kaming natawa dalawa nang makita namin kung gaano kadami na kanin ang nasa plato namin. Sinimulan na namin kumain at randam ko na panay ang sulyap niya sa akin. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain dahil gutom na talaga ako. Pagkatapos namin kumain ay tinulungan ko siya maglinis ng bahay nila. Hindi naman siya tumutol at hinayaan lang niya ako.
"Feeling better?" tanong niya at inabutan niya ako ng tubig.
Tapos na kami maglinis sa sala at kusina. Kasalukuyan kami nakaupo sa sala para magpahinga. Habang naglinis kami kanina ay naging abala ang isip ko kaya kahit paano ay nawala siya sa isip ko. Nakatulong iyon ng malaki para maging abala ang isip ko.
"Salamat," tugon ko at straight na uminom ng tubig.
"Gusto mo bang pag-usapan?" alanganin na tanong niya at napatingin ako sa kanya.
"Ano ba ang nangyari kagabi? Paano kayo umabot sa ganoon? Bakit galit na galit siya?" tanong niya nang hindi ako sumagot at huminga ako ng malalim.
"Paglabas ko ng banyo kagabi sa sobrang pagmamadali ko ay may na bangga ako na lalaki. Tumapon sa jacket niya ang drinks na hawak niya. Nag-sorry ako sa kanya dahil kasalanan ko pero ang sabi niya ay okay lang. Nagpakilala siya sa akin at nang sasabihin ko na sa kanya ang pangalan ko ay biglang sumulpot si Jerome. Gulat na gulat ako kung bakit nandoon siya," kwento ko at natigilan ako.
Umiwas ako ng tingin dahil sumisikip ang dibdib ko. Ang sakit pa rin alalahanin ang mga nangyari at parang dinudurog ang puso ko. Ang masayang gabi kasama ang dalawang kaibigan ko ay naging isang bangungot na hindi ko alam kung makakalimutan ko pa ba.
"Binastos ka ba noong lalaki na tinutukoy mo? Nakainom ba si Jerome?" tanong niya.
"Sa tingin ko pero hindi ako sigurado kasi sobrang bilis ng pangyayari. Hindi naman niya ako binastos at nagpakilala lang siya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya that time dahil hinatak na lang niya ako bigla palabas. Sinubukan lang naman umawat noong lalaki na nakabangga ko. Kung ano-ano na ang sinabi niya at halos hindi ko na naiintindihan. Hindi ko makakalimutan kung paano niya ako tingnan kagabi pati na rin kung paano niya ako hawakan. Pakiramdam ko ay ibang tao ang kasama ko kagabi. Takot na takot ako sa kanya kagabi," tugon ko at pinunasan ko ang luha na nagsisimula ng pumatak sa mga mata ko.
"Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nag-away kami pero ibang-iba ito sa mga nakaraan. Hindi rin ito ang unang beses na nasaktan niya ako," sabi ko at nanlaki ang mga mata niya dahil hindi siya makapaniwala.
"Ilang beses na niya ginawa sa iyo? Mas malala pa ba sa ginawa niya sa iyo kagabi? Bakit hindi mo sinabi sa amin?" nag-aalala na tanong niya at napayuko ako.
"Sorry Debbie, hindi ko alam na ganoon ang pinagdadaanan mo. Ang buong akala ko ay okay lang kayo. Ang nasa isip ko lang ay ang pagiging protective niya sa iyo," sabi niya at kinuha ang dalawang kamay ko saka iyon pinisil.
"Hindi mo kailangan mag-sorry sa akin dahil kasalanan ko naman ang lahat ng ito. Umaasa ako na paglipas ng taon ay magbabago siya pero pinapaniwala ko lang pala ang sarili ko. Mahal na mahal ko si Jerome pero napapagod na ako. Kagabi na realize ko na hindi ko na kaya. Noon sinasabi ko sa sarili ko na hinding-hindi ko siya susukuan hanggang mahal namin ang isa't isa. Hindi ko siya iiwan katulad ng ginawa ni Mama kay Papa. Akala ko sapat na iyon pero nagkamali ako dahil hindi pala madali ang lahat. May hangganan din pala ang lahat at kagabi iyon na ang nangyari. Masaya naman ako sa piling niya pero kapag tungkol na sa pagtitiwala ay nagugulo na ang relasyon namin. Ilang taon na kami pero iyon pa rin ang issue namin. Iniintindi ko naman ang dahilan at nararamdaman niya pero hindi niya ako naiintindihan," umiiyak na sabi ko at umiling siya.
"Ilang beses?" tanong niya.
"Pangalawang beses na ito pero hindi naman malala iyong una unlike kagabi. Ang unang beses ay noong birthday ng pinsan niya. It was the first time nakilala ko ang pinsan niya pero nakasundo ko agad siya at doon na siya naging paranoid. Nag-away kami sa apartment niya at that time ay pareho kami nakainom. Sinigawan ko siya na tumigil na dahil kung ano-ano na ang sinasabi niya. Hindi sinasadya na ungkat ko ang mga dati niya karelasyon at doon na siya nagalit sa akin kaya tinulak niya ako sa pader. Kasalanan ko dahil alam ko na sensitive ang bagay na iyon pero sinabi ko pa rin," paliwanag ko at huminga ako ng malalim.
"Kahit ano pa ang dahilan at pinagdaanan niya kung wala siyang tiwala sa iyo hindi talaga mag-work ang relasyon ninyo. Relationship is mainly based on trusts, respect and love. I don't think mahal ninyo ang isa't isa o kaya naman ay hindi ganoon kalalim ang nararamdaman ninyo para sa bawat isa," sabi niya at napaisip ako sa sinabi niya.
"In your case hindi mo siya mapakawalan dahil ayaw mo gawin sa kanya ang ginawa ng Mama mo. Iniwan niya si Tito sa panahon na kailangan na kailangan siya. Gusto mo patunayan sa sarili mo na tama ang desisyon mo na mag-stay kaya kahit na mahirap at nasasaktan ka na ay okay lang sa iyo. Si Jerome naman mahal ka niya dahil mahal mo siya. Pinaparamdam mo sa kanya ang gusto niya maramdaman to the point na ayaw ka na niya mawala sa buhay niya. Wala naman masama sa ginawa mo Debbie dahil ginawa mo naman ang lahat para mag-work ang relasyon ninyo. Pero minsan hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao dahil kailangan ay may mas malalim pang dahilan," sabi niya at hindi ko napigilan ang humagulgol.
Yinakap niya ako ng mahigpit at hinimas ang likod ko. Naiintindihan ko ang ibig niya sabihin at mas masakit harapin ang katotohanan. Buong akala ko ay nagmamahal na ako pero hindi pala dahil all this time ay humahanap lang ako ng tao na masandalan. Hindi ko tuloy alam kung ano nga ba ang totoong nagmamahal. Si Jerome ang first boyfriend ko at ang unang na karelasyon ko. All along ay may mali pala sa akin at akala ko ay si Jerome ang dahilan ng nararamdaman ko na kakulangan.
"Ano ang plano mo ngayon?" tanong niya pagkalipas ng ilang minuto na katahimikan.
"Tatapusin ko na ang relasyon namin bago pa namin lalong masaktan ang isa't isa. Ayaw ko na tuluyan namin sirain ang mga masasayang alaala namin. Alam ko na wala ng pag-asa na maayos pa namin ang relasyon namin dahil sa sobrang takot ko. Hindi ko na kakayanin na makasama siya without thinking na pwede niya ulit ako saktan. Mahal ko siya pero mas mahal ko ang sarili ko. May natitira pa naman ako na respeto sa sarili ko at hindi ko hahayaan na saktan ulit niya ako. Hindi magiging madali ang lahat pero kailangan kong gawin para na rin sa sarili ko," sagot ko at nakangiti na tumango siya.
"Final answer na nga ba talaga iyan? Hindi na magbabago ang isip mo? Wala ng balikan?" naninigurado na tanong niya at tumango ako.
"Final answer na talaga," giit na sagot ko.
Alam ko na may alinlangan si Laraine sa sagot ko pero iba na ngayon dahil desidido na talaga ako. Dapat ay tanggapin ko na ang katotohanan na hindi na siya magbabago kahit pa ano ang gawin.