"Isang malaking himala!" sigaw ni Carmela ng makita niya ako naglalakad papalapit sa kanya.
Yumuko ako para itago ang mukha ko dahil ramdam ko na may nakatingin sa akin dahil sa ginawa ni Carmela. Nasa likod ko si Laraine kanina pagpasok namin sa bar. Nakasalubong namin iyong friend niya na may-ari ng bar na palabas. Base sa reaction ni Laraine mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit kami nandito. Mukhang mabait naman si JM at base sa nakita ko ay ang katulad niya ang mga tipo ni Laraine. Ipinakilala muna niya ako sa kaibigan niya bago sabihin na mauna na ako pumasok sa loob kung saan ay makikita ko agad si Carmela. Hindi naman ako nagkamali dahil pagpasok ko ay nakita ko agad si Carmela sa table na malapit sa stage. Ilang araw pa lang nag-open ang bar kaya expected na marami pa rin customer. Nagkataon pa na ngayon ang schedule ng live band nila kaya Hindi nakakapagtaka na full pack ang lugar.
"Huwag ka nga sumigaw Mela para kang baliw," saway ko sa kanya at tumawa siya nang malakas.
"Marami ka na ba nainom?" tanong ko sa kanya at tiningnan ko ang mga baso sa lamesa.
Umiling siya sabay senyes ng tatlo. Tumingin ako sa paligid para tingnan ang kabuuan and infairness maganda ang lugar. Maya-maya lang ay narinig na ang pagsisimula ulit ng set para sa banda na tutugtog. Ngayon lang ulit ako nakapunta sa ibang bar bukod sa bar ni Jerome.
"Nasaan ang bodyguard mo?" tanong naman niya habang tumitingin sa likuran ko.
"Nakasalubong namin iyong friend ni Laraine sa labas at nagpaiwan na muna siya roon," sagot ko sa kanya at kinuha ko ang baso na inabot niya saka ko straight na ininom.
"Si Jerome po ang tinutukoy ko na bodyguard mo. Kasama mo ba siya?" Nasaan siya?" tanong niya at umiling ako.
Nagpaalam ako kay Jerome kahapon na may pupuntahan kami ni Laraine. Hindi naman niya tinanong kung saan pero pumayag siya. Wala akong pasok bukas kaya okay lang na gabihin ako ng uwi. Pagkalabas ko sa work ay umuwi agad ako para magpalit ng damit. Tuwang-tuwa si Laraine nang tawagan ko siya kagabi para sabihin na pinayagan ako.
"Hindi ko siya kasama," sagot ko at inagaw ko sa kanya ang baso na may laman na alak.
"Wow! Buttoms up!" masaya na sabi niya at umiling ako.
"Hindi ka na dapat uminom kasi may pasok ka pa bukas. Ikaw din ang mahihirapan kapag hindi mo iyan tinigil," sabi ko at tinaas niya ang dalawang kamay sa ere.
"O-okay Mom, I get it. Daig mo pa si Mama sa pagsermon. I just want to enjoy this night at dapat ganoon din ang gawin mo dahil you are free as a bird," lasing na sabi niya at parang ibon na lumilipas kaya natawa ako.
"That's it! No more alcohol for you and more for me," nakangiti na sabi ko at natawa naman si Carmela.
Maya-maya lang ay nakita ko na si Laraine papalapit sa amin. Kita ko sa mga mata niya ang kakaibang saya at alam ko kung ano ang dahilan. Ang plano niya na ipakilala si JM kay Carmela ay hindi na mangyayari. Patakbo na lumapit siya sa akin at yinakap kaming dalawa. Nagtataka na tiningnan ni Carmela si Laraine dahil wala itong idea kung bakit good mood siya. Sinenyasan ulit ni Carmela ang waiter para dalhan kami ng isa pang bote ng alak at drinking glass.
"Let's enjoy this night!" sigaw ni Carmela.
Tinaas namin ang mga baso saka nag-toast at straight na uminom. Halos sabay-sabay kami sumigaw pagkatapos namin uminom. Wala kaming pakialam kung tingnan kami ng mga tao roon. Ngayon lang ulit ako naging ganito kasaya kasama ang mga kaibigan ko. Masaya naman ako kapag kasama ko si Jerome lalo na kapag pinaparamdam niya sa akin kung gaano ako kahalaga sa kanya. Mahalaga sa akin si Jerome dahil marami na kami napagdaanan na problema at saya.
"Naalala pa ba ninyo kung kailan iyong huling beses na magkakasama tayo ng ganito?" tanong ni Laraine at napaisip kami.
"Graduation mo," sabay na sagot namin ni Carmela.
After niya mag-celebrate kasama ang pamilya niya kinabukasan ay pumunta kami ng Puerto Gallera para mag-celebrate naman kami. Ayaw pa sana ako payagan ni Jerome that time pero dahil sa kakulitan ko ay napapayag ko na rin siya. Hindi na masyadong maraming tayo unlike kanina. Kami na lang ni Laraine ang umiinom dahil pinatigil na namin si Carmela kasi marami na siya nakainom. Concern rin kami na baka masobrahan pa siya at sigurado na hindi maganda ang kalalabasan noon bukas. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko kaya sinilip ko iyon mula sa bag ko. Nagtaka ako na makita na ang dami ng missed call ni Jerome. Tinawagan ko siya pero unattended naman ang phone niya. Napansin ko na malapit na ako ma-lowbat kaya kinuha ko ang powebank pero hindi ko iyon makita sa dala ko na bag. Bago pa tuluyan na mawalan ng power ay nagpadala na lang ako ng message sa kanya para sabihin na okay ako at huwag na ako sunduin dahil nagkakasiyahan pa kami. Pagkatapos ko maipadala ay binalik ko na bag ang phone ko.
"Okay ka lang Debbie?" tanong ni Laraine at nakangiti na umiling ako.
"Okay na okay," nakangiti na sabi ko at dinikit ko sa basi niya ang baso ko.
Nakikinig kami sa kanta ng banda at minsa ay nakikisabay sa pagkanta. Nagpaalam ako sa dalawa na sasaglit lang ako sa banyo. Mabuti na lang at hindi na mahaba ang pila sa banyo ng pambabae. Medyo nararamdaman ko na ang epekto ng alak sa akin pero okay lang dahil masaya ako ngayon. Hindi ko maipaliwanag pero I feel relax. Pagpasok ko sa banyo ay ginawa ko agad ang kanina ko pa gusto gawin. Pagkatapos noon ay nag-retouch ako ng lipstick bago lumabas. Sa pagmamadali ko na makabalik sa table namin ay hindi ko napansin ang lalaki na kasalubong ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko sinasadya na matapon ang dala niya na alak.
"Sorry," sabi ko habang pinupunasan niya ang jacket na suot niya kung saan tumapon ang alak.
"It's okay you don't need to say sorry. Hindi rin kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko," nakangiti na sabi niya pero alam ko na ako ang may mali.
"Sorry talaga," hinging paumanhin ko ulit sa kanya at umiling siya.
"I'm Nico and you are?" nakangiti na tanong niya.
"None of your business," narinig ko na boses mula sa likuran ko at lumingon ako para kumpirmahin kung tama ang nasa isip ko.
"Jerome," hindi makapaniwala na sabi ko at nakaramdam ako ng takot dahil sa nakikita ko sa mga mata niya.
"Please," pakiusap ko sa kanya at kinuha niya ang kamay ko saka ako hinigit palabas ng bar.
Alam ko kung ano ang posible na mangyari kaya hindi ko mapigilan ang matakot. The last time na nagkaganito siya ay noong nakita niya ako na kausap ko ang pinsan niya. It was the first na nagwala siya sa harap ko at ibang tao. Iyon din ang unang pagkakataon na sinaktan niya ako at nararamdaman ko na pwedeng mangyari iyon dahil sa kinikilos niya.
"Pare, huwag mo pilitin kung ayaw niya sumama," awat ni Nico at tumigil so Jerome sa paglalakad saka tiningnan siya.
"It's okay Nico, boyfriend ko siya. Sorry ulit kanina," sabi ko at hinarang ko ang sarili ko sa pagitan nila.
Tiningnan muna ako ni Nico at pilit ang ngiti na tumango ako. Pagtalikod niya ay naramdaman ko ang paghatak ni Jerome sa kamay ko. May ilang tao nakatingin sa amin dahil sa eksena na ginawa ni Jerome.
"Get in the car," utos niya pagdating namin sa parking lot at umiling ako.
"Gusto mo na dito tayo mag-usap?" pigil ang emosyon na tanong niya sa akin.
"Ano ba ang dapat natin pag-usapan? Bakit kailangan mo pa gumawa ng eksena sa loob? Ano ang ginagawa mo rito?" inis na tanong ko at naglakad siya papalapit sa akin.
"Ang sabi mo kasama mo si Laraine at Carmela?" tanong niya at sinandal niya sa sasakyan.
"Nasa loob sila at naghihintay sa akin dahil pumunta lang ako saglit sa banyo," sagot ko at naningkit ang mga mata niya.
"Sumaglit sa banyo o nakikipaglandian ka sa ibang lalaki," bintang niya.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na ganoon ang iniisip niya tungkol sa akin. Sa sobrang galit ko ay tinulak ko siya ng malakas. Nakita ko nagulat siya sa ginawa ko.
"Ganyan ba kababaw ang pagkakakilala mo sa akin? Ilang taon na tayo Jerome pero hanggang ngayon ay wala ka pa rin tiwala sa akin? Hindi pa sapat ang mga panahon na magkasama tayo para patunayan ko sa iyo na hindi ako katulad niya," malungkot na sabi ko at lumambot na Ang ekspresyon ng mukha niya.
"Dahil mahal na mahal kita Love at hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko," sabi niya at huminga ako ng malalim.
"Let's go Love, ihahatid na kita," sabi niya at akmang kukunin niya ang kamay ko pero umiwas ako.
"Sorry Love sa ginawa ko kanina alam ko na hindi ko dapat iyon ginawa. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko nang makita ko kayong dalawa. Nakikita ko kasi sa mga mata niya na attracted siya sa iyo," paliwanag niya.
Tiningnan niya ako at alam ko na kahit anong mangyari ay lagi kami magiging ganito. Mag-away, magbabati at balik na ulit sa dati. Parang routine na lang ang lahat dahil paulit-ulit nangyayari. Huminga ako ng malalim saka yumuko.
"Let's go home Love," sabi niya at napatingin ako sa kanya saka umiling.
"Ayoko na," sabi ko at natigilan siya.
Hindi ko inaasahan ang susunod na gagawin niya. Nilapitan niya ako at tumingin sa mga mata ko. Hindi ko maipaliwanag pero nangilabot ako at nakaramdam ng takot. Walang babala na kinuha niya ang kamay ko at kahit magpumiglas ako ay ayaw niya ako pakawalan.
"Jerome, nasasaktan na ko," pakiusap ko sa kanya at nanlilisik ang mga mata niya na tiningnan ako.
Tumingin ako sa paligid pero wala ako makita na ibang tao. Sinubukan ko pa rin magpumiglas para makawala sa mahigpit na pagkakahawak niya. Binuksan niya ang pinto at alam ko sa sarili ko na kailangan ko gumawa ng paraan bago niya ako maipasok sa sasakyan.
"Hindi mo ako iiwan dahil nangako ka sa akin. Simpleng ayaw lang ito pero bakit kailangan mo palalain? May iba ka na ba? Are cheating on me? Kailan pa? Sino siya?" sunod-sunod na tanong niya at naguguluhan ako kaya hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin.
"Nasasaktan na ako Jerome please," pakiusap ko ulit pero umiling siya.
"Jerome, pakawalan mo ang kaibigan namin kung hindi mapipilitan ako na tumawag ng pulis," sigaw ni Carmela mula sa likuran niya.
Napatingin ako sa kanya at katabi niya si Laraine. Napangiwi ako dahil mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Maya-maya lang ay huminga siya ng malalim saka dahan-dahan niluwagan ang pagkakahawak at yinakap niya ako ng mahigpit.
"I'm really sorry Love, sobrang mahal na mahal lang talaga kita kaya ako nagkakaganito. Hindi ko kaya na mawala ka sa buhay ko. Please Love, don't leave me," nagmamakaawa na sabi niya habang nakayakap sa akin.
"I need space Jerome, mahal din kita pero hindi ko na kaya na maging ganito tayo palagi. Masakit din ito para sa akin pero kailangan muna natin ng oras na magkalayo para mag-isip," sabi ko at kumalas ako sa pagkakayakap niya.
Kita ko sa mga mata niya ang sakit pero kailangan ko itong gawin dahil hindi na ito normal. Siguro matagal ng hindi normal ang relasyon namin at pinapaniwala ko lang ang sarili ko na magiging okay din ang lahat.
"I'm really sorry Love," malungkot na sabi niya nang makitang namumula ang pulsuhan ko.
Hinalikan muna niya ang kamay at pulsuhan ko bago siya naglakad palayo. Lumingon muna siya sa pwesto ko bago tuluyang sumakay sa sasakyan. Agad naman ako nilapitan ng mga kaibigan ko pagkaalis ng sasakyan at yinakap ako ng mahigpit. Hindi ko na pinigilan ang pag-iyak ko na kanina ko pa pinipigilan.