"Bakla, ano ba ang gagawin natin dito? Tutunganga na lang ba tayo rito sa bar?" inis na tanong ni Carmela. Pagkalabas namin sa work ay nag-aya si Carmela na pumunta kami sa bar para mag-unwind at relax. Sumama naman ako dahil gusto ko rin mag-relax kahit papaano. Mala-rollercoaster ride ang nangyari sa amin this past few weeks. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala at may part ng puso ko na hindi pa rin matanggap ang lahat. "Akala ko pa naman kaya ka sumama sa akin dahil gusto mo rin mag-relax at mag-enjoy. Hindi mo naman sinabi na dito ka pala mag-meditate," pang-aasar ni Carmela at napailing lang ako. Ilang araw na ang lumipas mula ng mag-usap kami ni Kuya. Kinompronta ko siya tungkol sa property ni Papa. Kinuwento niya sa akin kung paano niya nagawa na palitan ang mga pap