Napangiwi ako dahil sa nararamdaman ko na pagkirot ng ulo ko dahil sa pagbangon ko. Parang pinupukpok ang ulo ko kaya hindi ko maimulat ng maigi ang mga mata ko. Sinubukan ko lumunok dahil pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko pero nahihirapan ako gawin iyon dahil tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Higit sa lahat ang sakit ng buong katawan ko. "Iyon na talaga ang last," bulong ko habang minamasahe ng mga daliri ko ang sintido ko. Sa kagustuhan ko na makalimot ay hindi ko pinigilan ang sarili ko na mag-enjoy kagabi. Hindi ko na nabilang kung ilang bote ng beer ang nainom ko pero pinapangako ko na hinding-hindi na iyon mauulit. Naalala ko pa naman ang mga nangyari kagabi at hindi ako sigurado kung good thing ba iyon. Napapikit ulit ako at tinakpan ko ang mukha ko dahil naalala ko kung p