"Ready ka na ba makilala si Lola Corazon?" tanong ni Georgina pagkaabot niya sa akin ng gown na susukatin ko. Pumasok na ako sa fitting room para isuot ang gown napili ni Georgina. Nasa shop kami ni Chandrei ngayon para mamili ng gown na isusuot ko bukas sa birthday party ng Lola ni Chandrei. Nagulat ako sa dami ng mga gown na dumating para pagpilian namin. Galing ang mga iyon sa mga kaibigan ni Georgina na designers. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala dahil sa magazine o sa t.v ko lang nakikita ang mga iyon. Walang nakalagay na price tag sa mga damit pero sa itsura pa lang ng mga gown ay siguradong mamahalin ang mga iyon. Buong ingat ko na sinusuot ang mga gown sa takot na baka masira ko. "Sa totoo lang hindi ko alam kung handa na ba talaga ako. Kinakabahan ako dahil mahal