Kinakabahan ako mula pa kaninang umaga pag-gising ko hanggang ngayon na kumakain na kami ng tanghalian. Ngayon ang birthday ng Lola ni Chandrei at ang araw na ipapakilala niya ako bilang special someone niya. Kailangan namin makumbinsi hindi lang si Lola Corazon pero lahat ng tao sa party. Madali lang magpanggap sa harap ng isang tao pero sa harap ng maraming tao ay hindi biro. "Mga around three o'clock pupunta si Georgina," sabi ni Chandrei. "Nakausap ko na siya kanina at nabanggit nga niya," tugon ko at napansin ko natigilan saglit. Kahapon pagkatapos ko magsukat ng mga damit ay kumain kami sa labas. Hindi na sumama sa amin si Chandrei dahil kailangan niya bumalik sa office. Hindi malungkot at pag-stay ko sa bahay ni Chandrei dahil sa kaibigan niya na si Georgina. Siya lang ang taong