"Three months from now our team will finish the initial layout of the Trio Premium Residence. From there we will have the insight of what the project will look like. If there is no problem with the layout the team will make a presentation for the board of members and investors. Hopefully this project will be launch by next year," report ni Mr. Cabreros, ang in-charge sa Project.
During the last meeting concerned ang board of members na baka ma-neglect ang ibang project dahil sa upcoming project. Naisip ko ang bumuo ng isang team na siyang in-charge sa Trio Premium Residence project. Naiintindihan ko naman ang concern nila at may possibility nga na ganoon ang mangyari kung sakali. Kailangan maging successful ang presentation dahil doon naka-base kung mag-pursue ang project na ito o hindi. Mahalaga para sa akin na magtagumpay ang project na ito para tuluyang mapatunayan ko sa lahat ang kakayahan ko. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na hinihintay lang nila ako na magkamali para mapa-tanggal nila ako sa position ko ngayon. Para kasi sa kanila ay hindi pa sapat ang mga narating ko para pamunuan ako ang ganito lalaking kumpanya.
"Okay Mr. Cabreros, we will be expecting the layout three months from now. I'm expecting it to be flawless and perfect. We have to meet the timeline for this project or less we won't have investors. They say that this project is promising but also risky. They are willing to invest but they are also expecting to get the profit sooner. In order to do that we have to stick with our timeline like we present to them before," paliwanag ko at tumango-tango ang mga ito.
"Do you have any questions regarding this matter?" tanong ko sa mga ito at halos sabay-sabay na umiling.
Approved na ang project na ito except sa isang tao. Hindi siya naniniwala na maging successful at dahil na rin masyadong malaki ang risk. Kahit ilang beses ko ipaliwanag sa kanya ang bagay na ito ay alam ko na kontra pa rin siya sa desisyon ko. As a matter of fact, isa siya sa mga tao na ang tingin sa akin ay hindi pa capable sa position ko ngayon. Nang mamatay ang parents ko marami ang nagtataka kung bakit hindi siya ang pumalit sa position ni Papa. Kung nagkataon na walang iniwan na Will of Testament si Papa ay baka siya na ang nasa position ngayon.
"This meeting is adjourn," sabi ko at tumayo na ako.
"Sir, the family of Mr. Garcia is in your office right now," inform ni Philip at tumango lang ako.
Mula ng simulan ko tanggalin ang mga empleyado sa iba't ibang department inaasahan ko na ang pagdating ng mga pamilya nila. May mga ilang pamilya na ako nakausap at ang iba sa kanila ay napatunayan ko na guilty dahil hindi nagtugma ang sinasabi nila. Malaki ang naitulong ni Mr. Garcia para matukoy ang iba pang empleyado na may ginagawa na hindi tama. Pagkatapos siya padalhan ng Memo ay agad siya nag-report. Inamin naman niya ang lahat ng ginawa niya at doon na rin siya nakipagtulungan sa amin. Pero hindi iyon dahilan para ma abswelto siya sa kaso niya dahil makukulong pa rin siya. Base kay Atty. Ramirez ay mabawasan lang ang sentence niya ng ilang years.
Ngayon ko pa lang makakaharap ang pamilya ni Mr. Garcia at ngayon ko malalaman kung tugma ba ang lahat ng information nakuha namin. Ito na rin ang pagkakataon ko para sabihin sa kanila ang sinabi ni Atty. Ramirez tungkol sa kaso niya. Naka-base ngayon sa kung ano ang sasabihin nila ang kapalaran ni Mr. Garcia. Pagbukas ng pinto ay nakita ko ang dalawang babae na saglit na lumingon.
"Just hear first what they have to say before I gave them the news," sabi ko sa sarili ko habang naglalakad ako papunta sa table ko.
Ramdam kong nakatingin sila sa akin kaya naman tiningnan ko sila para makita ko ang itsura nila. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin dahil napatitig ako sa isang pares ng mata nakatingin sa akin. Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng t***k nang puso ko na ngayon ko lang ulit naramdaman. Tumayo ang dalawa nang nasa harapan na nila ako. Hindi ko mapigilan ang titigan siya dahil may kung ano ang mayroon siya na humahatak sa akin. Umupo na ako kaya naman umupo na rin ang mga ito.
"What is happening to me? Get grip of yourself Chandrei, just get this over and done," sermon ko sa sarili ko saka ko kinuha ang folder sa ibabaw ng lamesa ko para ma-distract ako.
"What can I do for you, Mrs. Garcia?" tanong ko habang nakatingin ako sa folder na hawak ko.
"Good day po Mr. Villenas," bati ng isang babae na sa palagay ko ay asawa ni Mr. Garcia.
Hindi na ako tumugon at hinayaan ko na siya magsalita. Nagpakilala muna siya at natigilan ako sa huling sinabi niya. Ngayon ko lang ulit narinig ang salita na konsiderasyon given na alam nila kung gaano kaseryoso ng sitwasyon. Ilang minuto lang ay binaba ko na ang folder na hawak ko at tumingin ako sa direksyon nila. Mukhang sincere naman siya na hinihingi niya kaya interesado ako na malaman kung bakit kailangan ko sila bigyan ng konsiderasyon. Sumandal ako sa pagkakaupo at naghintay sa susunod nila na sasabihin.
"So Mrs. Garcia ang sinasabi mo ay dapat siya maabswelto sa kasalanan niya dahil tinulungan niya ako na malantantad ang iba pang kasama niya? Dapat ay kalimutan ko ang mga ginawa niya dahil sa iyo?" tanong ko sa kanila pagkatapos niya sabihin na siya ang dahilan kung bakit nagawa iyon ng asawa niya.
Nabanggit na rin ni Mr. Garcia ang tungkol sa pagbabanta ng mga kasama niya sa kanya. Napatunayan niya ang bagay na iyon dahil pinakita niya sa amin ang mga text messages at audio recording na tinabi niya in case na baliktarin siya ng mga kasama niya. Iyon ang nakitang dahilan ni Atty. Ramirez para pababain ang sentence niya.
"Kailangan po siya maparusahan pero ang hinihiling ko lang po sana ay hindi siya makulong ng matagal. Maaga po ako naulila sa mga magulang ko at sila naman po ay nawalan ng Ina. Ayaw ko po maranasan ng mga anak ko na lumaki na walang tatay na gagabay sa kanila at nandiyan para sa kanila. Importante po sa akin ang pamilya ko at gagawin po namin ang lahat para sa isa't isa," paliwanag ni niya at natigilan ako.
Hindi ko alam pero tumagos sa puso ko ang sinabi niya. Bigla ko naalala ang mga magulang ko at mga pinagsamahan namin noong nabubuhay pa sila. May mga magagandang alaala naman ako na kasama sila noong bata pa ako. Habang tumatagal ay nawala na iyon at napalitan ng galit. Hindi ko alam pero napatingin ulit ako sa kanya. Ako na Ang umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay nababasa niya kung ano ang nasa isip ko.
"Mrs. Garcia sana po ay maintindihan ninyo kung bakit namin ito ginawa. Sumusunod lang po kami sa dapat na gawin. Kung sakali na bigyan ko siya ng konsiderasyon hindi lang siya ang may dahilan na katulad ng sa iyo. I'm running a business and not a charity," tugon ko.
"Sir, kung sakali po ba na maibalik namin ang lahat ng pera nakuha ng kapatid ko posible po ba na bumaba ang sentence niya. Willing po kami gawin ang lahat para lang po sa kapakanan ng Kuya ko kahit ano po. Sa ilang taon po niya rito ay makikita ninyo na maganda naman po ang naging performance niya not until may pagsubok na dumating sa pamilya nila. Nakikiusap po kami sa inyo at nagmamakaawa po na sana ay bigyan mo po siya ng konsiderasyon. Hindi lang po siya ang apektado dahil pati na rin po ang pamilya niya. Gagawin mo namin ang lahat-lahat," sabi niya at gusto ko tumawa dahil sa lakas ng loob niya kahit pa nga halatang kinakabahan siya.
"More or less two million," sabi ko pagkalipas ng ilang minuto na katahimikan.
"Philip, give them a copy of the breakdown of all the amount Mr. Garcia accumulated," utos ko nang makita ko na hindi sila makapaniwala.
Hindi pa halos tapos ang imbestigasyon kaya hindi pa totally kumpleto ang mga documents para masabi kung magkano ba exactly ang nakuha nila. Pero ang pag-amin nila sa kasalanan nila ay sapat na para maparusahan sila. Sa pagitan nilang lima siya ang pinaka mababa ang nakuha base sa records.
"Yes Sir," tugon niya bago lumabas ng kwarto.
"Here you go Ma'am," sabi ni Philip saka abot ng envelope kay Mrs. Garcia.
Nanlaki ang mga mata niya pagkakita sa laman ng envelope. Kahit sino ay magugulat kapag nakita kung gaano kalaki ng halaga na kuha niya. Pinasa niya sa katabi niya ang envelope at ganoon din ang reaksyon.
"Base on what Atty. Ramirez told me Mr. Garcia will have to return all the money he stole from the company. What you saw in that report is not yet the whole amount because the investigation haven't done yet. His sentence will depend on how he can return it. Let's say he can return all the money stated on the final report he will only get three to five years jail time but if he can't return it all may five to ten years. Meaning it's up to you on how much you can return," paliwanag ko at nakita ko na sabay sila na huminga ng malalim.
"Okay Sir, we will definitely return all of it," sabi ni Mrs. Garcia at tumango lang ako.
Ilang oras na ang lumipas mula nang magpaalam ang mga ito pero naiwan pa rin ako na tulala. Hindi mawala sa isip ko ang imahe ng mukha niya. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaganito sa isang babae na ngayon ko lang nakita. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Pagkalipas ng ilang minuto ay minulat ko na ulit ang mga mata ko dahil hindi pa rin siya nawawala.
"Yes Sir," sagot ni Philip sa tawag ko.
"Philip, I want to know everything about Mr. Garcia family especially his sister," utos ko.
"Noted Sir," tugon niya bago mawala sa kabilang line.
"There is something about her that makes me feel like this," frustrated na sabi ko.