14 - Devonne "That's what family do"

1634 Words
Maraming salita ang naglalaro sa isip ko kung paano ko kakausapin si Kuya na hindi ko siya masasaktan. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa at paano ko sasabihin sa kanya. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit ayaw sabihin ni Kuya sa amin ang problema niya. Hindi magugustuhan ni Papa kapag nalaman niya ang lahat at sigurado na magdulot iyon ng stress sa kanya. Galit ako sa ginawa niya pero sa tingin ko ay ginawa lang niya ang sa tingin niya ay tama. Gusto niya protektahan at suportahan ang pamilya niya sa kasamaang palad ay naging komplikado ang lahat. Hindi ko talaga akalain na kaya niyang gawin ang magnakaw dahil hindi siya ganoon. Never siya nanlalamang ng ibang tao kaya nga siya nagsumikap dahil hanggang maaari ay ayaw niya humingi ng tulong kahit kanino. Mas gusto pa nga niya na siya ang magbigay kaysa siya ang tumanggap. Nagtataka ako kung bakit niya iyon nagawa pero wala naman akong karapatan na husgahan siya. Habang nagkukwento si Ate Celine ay hindi ko mapigilan ang maawa, at malungkot para sa kanya pati na rin sa mga bata dahil hindi madali ang pinagdaanan niya. Ang tanging nasabi ko sa kanya ay kakausapin ko si Kuya para malinawan siya sa mga nangyayari at kumbinsihin. Natatakot kasi si Ate Celine na baka dumating ang oras na hindi na kayanin ni Kuya ang lahat ay may gawin siya sa sarili niya. Iyon din ang kinakatakutan ko na mangyari kaya pumayag akong kausapin siya. Malaki ang posibilidad na hindi niya ako pakingggan and worst pwede siyang magalit sa akin. Minsan na niya ako binalaan na huwag makialam sa problema nila. I will take a risk dahil gusto ko makatulong sa kanila hanggang kaya ko. "Sana lang ay makinig siya sa akin," sabi ko sa sarili ko. Nakasakay na ako ng bus at ilang oras lang ay nasa tapat na ako ng office nila. Tamang-tama lang ang dating ko roon dahil saktong labasan na nila. Dapat at makausap ko siya ngayon bago mahuli ang lahat. Nagsinungaling ako kay Papa at sinabi ko na kina Laraine ako matutulog ngayon dahil tutulungan ko siya sa presentation niya. Hindi naman nagtanong pa si Papa. Bago umalis si Ate Celine at nagkita pa sila ni Papa, ang dinahilan niya ay may tiningnan siya na property na malapit sa amin kaya naisipan niya na bumisita. Pagkaalis ng ilang sakay sa dyip ay nakarating na ako sa building kung saan si Kuya nag-work. Ilang beses na ako nakarating dito pero never pa ako pumasok sa loob. "Malapit na Devonne konting tiis lang," bulong ko habang naglalakad back and forth. "Excuse po, may hinihintay po kayo?" tanong ng security guard at nakangiti na tumango ako. "Opo Manong, hinihintay ko po iyong kapatid ko. Diyan po siya nagwo-work," nakangiti na tugon ko. "Pwede naman po kayo pumasok sa loob at doon na lang po ninyo hintayin," sabi niya at napatingin ako sa orasan ko. "Okay po, maraming salamat po," nakangiti na tugon ko at pumasok na ako sa pinaka lobby ng building. Lobby pa lang ay maganda na what more pa kaya sa ibang part ng building. Sabi ni Kuya Dexter ang boss niya ang may-ari ng buong building at sa bawat floor ay isang department. Isang Realty and Development company na kilala Hindi lang dito sa Pilipinas pero pati na rin sa ibang bansa. Hindi naman masyado nagkukwento si Kuya tungkol sa work niya. Makikita sa iba't ibang sulok ang mga artistic na statue at sa dingding naman ay ang mga model house. Pakiramdam ko ay nasa isang art gallery ako dahil sa dami ng painting. Ilang sandali lang ay nakita ko na ang ilan sa mga employado na lumalabas mula sa elevator. Tumayo na ako sa pagkakaupo para makita ko agad si Kuya o makita niya agad ako. "Debbie?" nagtataka na tanong ni Kuya habang papalapit sa akin at ngumiti ako. "Ano ang ginagawa mo rito? Sino ang kasama mo? Dapat ay nagsabi ka para nakababa agad ako," sabi niya at natawa ako. "Kung sinabi ko na nandito ako sigurado na magiisip ka pa ng dahilan para hindi bumaba," kunwari ay inis na tugon ko at napakamot siya sa ulo. "Pwede ba tayo mag-usap Kuya?" tanong ko sa kanya pagkalipas ng Ilang minutong katahimikan. "May problema ba?" nag-aalala na tanong niya at tumango ako. Buong akala niya ay ako ang may problema. Hindi ko na itinama ang sinabi niya dahil kapag sinabi ko na siya ang may problema sigurado na hindi siya papayag na makipag-usap sa akin. Hindi lang matigas ang ulo ni Kuya pero pati na rin ang loob niya. Alam ko na until now at in denial pa rin siya na may problema sila ni Ate Celine kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil. Sa isang Restaurant niya ako dinala. Umorder muna kami ng pagkain at ilang sandali lang ay kumakain na kami. "Sasabihin mo ba ang problema mo titingnan mo lang ako?" tanong niya nang mahuli niya na kanina pa ako sumusulyap sa kanya. "Break na kami ni Jerome," sabi ko at natigilan si Kuya. "Sinaktan ka ba niya?" tanong niya at nagtataka nakatingin ako sa kanya. "Hindi po," tugon ko at huminga siya ng malalim. "Mabuti naman dahil kung hindi makakatikim siya sa akin," sabi niya at nagpatuloy na sa pagkain. Mula pa noon ay ayaw na talaga ni Kuya kay Jerome at hindi niya alam kung bakit. Nakiusap lang ako sa kanya noon na pakisamahan si Jerome para sa akin dahil mahal ko siya noon. "I'm guessing hindi lang ang tungkol sa break up ninyo ang dahilan kung bakit gusto mo ako makausap?" tanong niya at huminga ako ng malalim. "Alam ko na ang problema ninyo ni Ate Celine," sabi ko at napatingin siya sa akin. "Kinausap ako ni Ate Celine at huwag na huwag kang magagalit sa kanya dahil sobrang nag-aalala na siya sa iyo," sabi ko at yumuko siya. "Ano ang nangyari Kuya? Paano umabot sa ganito ang lahat?" may pag-aalala na tanong ko sa kanya. "One thing leads to another," malungkot na tugon niya. "Nang malaman ko ang tungkol sa sakit ni Celine I was devastated. It was not just problem with the gallbladder but she also have a problem with her kidney. Ang sabi ni doctor more or less ay nasa one hundred thousand ang kailangan ko para sa operation niya. That time ay halos wala ng laman ang bank account namin dahil ilang beses na confined si Denise sa hospital. Natukso ako sa offer ng isang kasama ko sa work. Sa una ay ayaw ko tanggapin dahil nag-fill na ako ng loan pero na deny ako dahil masyadong malaki ang amount na nilagay ko. Wala na akong maisip na paraan kaya tinanggap ko. Pagkatapos maoperahan si Celine sinabi ko sa kanila na ayaw ko na pero binantaan nila ako. Hanggang napasama na ako sa kanila sa pagsusugal. Iyon na rin ang way ko para makalimutan ko ang mga problema ko. Hindi ko na kayang tumigil at hindi ko alam kung kaya ko ba," kwento niya. Umiwas siya ng tingin at walang tigil naman ang pagagos ng luha ko dahil nakikita ko nahihirapan siya. Hindi madaling tanggapin ang pagkakamali at lalong hindi maganda sa pakiramdam ang walang magawa. Hindi ako naniniwala na hindi na niya kayang magbago dahil lahat ng tao ay nagkakamali. "Bakit hindi mo sinabi sa amin?" tanong ko habang pinupunasan ko ang luha ko. "Hindi sa wala kayo maitutulong sa akin pero ayaw ko kayo mag-alala. Sa kondisyon ni Papa hindi kakayanin ng konsensya ko kung may mangyayari na hindi maganda sa kanya dahil sa problema ko. Nangako ako noon na ako ang bahala sa inyo pero I failed. Hindi ko natupad ang pangako ko sa iyo kaya hanggang maaari gusto kong ako ang bahala kay Papa. Hindi man kita matulungan financially mabawasan ko naman ang isipin mo kay Papa," tugon niya at napaiyak na naman ako. "Kuya, kaya mo pang tumigil kung gugustuhin mo. Kailangan mo lang isipin ang mga bata pati na rin si Ate Celine. Huwag mo na sana hayaan na mas lumala pa ang sitwasyon ninyo. Kung hindi ka magbabago baka mawala sa iyo ang lahat at baka huli na ang lahat kung hindi mo pa gagawin ngayon. Please Kuya para sa kanila kaya mo ito," payo ko at pinahid niya ang luha niya. "I don't know if I can do it Debbie. Okay naman ang lahat at nagiingat naman kami. Walang ibang nakakaalam sa ginagawa namin at wala sa amin ang gustong tumigil," katwiran niya at hindi ko nagustuhan ang mga sinabi niya. "Titigil din ako Debbie nagiipon lang ako para sa amin. Plano ko ibenta ang bahay at lupa saka ako magreresign. Uuwi kami sa probinsya para roon na kami magsimula ulit. Kailangan ko ng Pera sa plano ko kaya huwag mo na muna ako pigilan. Promise, titigil na ako just give me some time hindi ganun kadali ang lahat lalo na sa sitwasyon ko," paliwanag niya at mariing napapikit ako. Ang plano ko ay kumbinsihin siya na tumigil na pero hindi ko na realize na hindi ganun kadali ang lahat. Ngayon ako naman ang kinukumbinsi niya na manahimik muna para magawa ang plano niya. Hindi ko alam kung saan ako lulugar dahil alam kong mali ang ginawa niya pero alam ko na ginagawa niya ito para sa mga tao sa paligid niya. "I know I did something wrong Debbie but I am despirate. I can't just sit and do nothing for them. I love my family and I will do everything for them even if it means my life," emosyonal na sabi niya. "I understand but please you have to stop as soon as possible before it's too late," tugon ko at kinuha niya ang kamay ko saka pinisil iyon. "Thank you," may luha sa mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD