15 - Devonne "Hoping for the best"

1600 Words
"Maraming salamat Debbie at sasamahan mo ako. Ito lang kasi ang naisip kong paraan para matulungan ang Kuya mo. Mula ng matanggap niya ang notice mula sa company hindi na siya makausap ng maayos. Kinakabahan kasi ako at hindi ko alam kung kaya ko ba siya kausapin na mag-isa. Tulala lang siya palagi at tahimik. May gabi naman naririnig ko siya na umiiyak at nasasaktan ako dahil wala akong magawa. Alam ko naman na mali ang ginawa niya at may karapatan ang kumpanya niya na kasuhan siya. Ang gusto ko lang naman mangyari ay mabigyan siya ng konsiderasyon sa mga ginawa niya," emosyonal na paglalahad niya ng damdamin. Kinuha ko ang isang kamay niya at pinisil ko iyon. Gusto ko maramdaman niya ang suporta ko. Ilang araw pagkatapos namin mag-usap ni Kuya ay nalaman ko na pinadalhan na siya nang notice ng company tungkol sa kinasasangkutan niya na problema. Nangyari na agad ang isa sa kinakatakutan ko, ang mahuli sila at ang kaparusahan nila. Nag-report naman agad si Kuya at nakipag-tulungan pa nga pero sasampahan pa rin siya ng kaso. Unlike sa iba niyang kasama mas malaki ang epekto sa kanya dahil mas mataas ang position niya. Gusto ni Ate Celine na subukan na makipag-usap sa mismong President ng company para makiusap. Kung sakali naman na pumayag na iurong ang kaso at pagbayarin si Kuya ay willing naman ako na tulungan sila. May naipon na naman ako na pwede gamitin namin na paunang bayad. Ang mahalaga lang ay hindi makulong si Kuya para makasama niya ang pamilya niya. Ayaw ko lumaki ang dalawang pamangkin ko na walang tatay at hindi kumpleto ang pamilya. Iyon din siguro ang kinatatakutan ni Kuya kaya siya nagkakaganoon. Maliit pa ang mga pamangkin ko at kailangan pa nila ang tatay nila. "Tutulong po ako sa abot ng makakaya ko Ate basta po para sa inyo. Isang pamilya po tayo kaya normal lang po na magtulungan po. Kung ako man po ang nasa alanganin na sitwasyon alam ko po na tutulungan ninyo ako ni Kuya," nakangiti na sabi ko at ngumiti na rin siya. Hindi alam ni Kuya at Papa ang gagawin namin dahil sigurado na hindi sila papayag. Panalangin ko lang na sana ay pakinggan niya ang mga sasabihin ni Ate at magkaroon sana siya ng konsiderasyon para sa mga ito. Masakit sa dibdib na malaman at makita ang pinagdaanan ng pamilya ni Kuya. Magagalit pa siguro ako kung malaman ko na ginawa niya ang lahat ng ito para sa pansarili na kapakanan. "Tatagan mo lang po Ate ang loob mo at sabihin mo sa kanya ang lahat-lahat," payo ko sa kanya at tumango naman siya. Pumara na kami ng taxi papunta sa company ni Kuya. Habang sakay ng taxi ay hindi ko mapigilan na kabahan sa mga susunod na mangyayari. Ma alin lang naman ang posibleng mangyayari ang pakingggan ang hinaing ni Ate at mabigyan ng konsiderasyon ang Kuya niya o tuluyan ng makulong ang Kuya niya. Wala pa naman kami nakakausap na abogado pero hindi biro ang kaso na isinampa sa kanya. Napansin ko nanginginig ang mga kamay ni Ate kaya hinawakan ko iyon. Napatingin siya sa akin at ngumiti ako. Pagkalipas ng ilang oras ay nakarating na kami sa pakay namin. Sabay kami napabuntong hininga pagkababa namin sa taxi at napatingin kami sa pinakataas ng building. "Ready ka na po?" alanganin na tanong ko sa kanya. "Hindi pero kailangan ko maging handa para sa Kuya mo at sa mga bata," tugon niya at naglakad na kami papasok sa loob. Lumapit kami sa receptionist para sabihin ang pakay namin. Expected ko na mahihirapan kami makakuha ng appointment kaya medyo nagulat ako dahil pinaakyat kami sa Presidential floor. Inaasahan na siguro niya na kakausapin siya ng pamilya ng mga empleyado na kinasuhan. Nag-login muna kami at nag-present ng i.d. Binigyan na kami ng visitor pass at naglalakad na kami pupunta sa elevator. "Grabe nabalitaan ba ninyo? Sunod-sunod na ang mga tinatanggal dito sa company. Nakakatakot kasi baka mamaya isa sa atin ang mawalan bigla ng trabaho," nag-aalala na sabi ng isa sa mga kasama namin sa elevator. "Walang pinipili na position at department," dagdag pa ng isa sa tatlo at nagkatinginan kami ni Ate Celine. "Kung may ginawa kayo na labag sa company policies sigurado na mawawalan talaga kayo ng work. Kaya dapat ngayon ay gawin natin ng maayos ang trabaho natin para hindi tayo maligwak," sabi ng isa at sabay-sabay sila nagtatawanan. Mas lalo ako nakaramdam ng kaba dahil na imagine ko na ang itsura ng makakausap namin. Isang matandang lalaki na halos puti na ang mga buhok, malaki ang tiyan, naninigarilyo, masungit, strikto, puno ng awtoridad at mainitin ang ulo. Napailing ako dahil sa mga naiisip ko. Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob ngayon dahil ito na ang pagkakataon namin at hindi na namin dapat palampasin pa. Pagkalipas ng ilang minuto ay tumunog na ang elevator at lumabas na tatlo na empleyado. Nagkatinginan kami ni Ate Celine nang tumunog na ulit ang elevator hudyat nasa floor na kami ng President. "Kaya natin ito," sabi ko kay Ate Celine para palakasin ang loob niya pati na rin ang loob ko. Magkahawak kamay kami naglalakad papalapit sa receptionist para sabihin ang pakay namin. "Good day! We have an appointment with Mr. Villenas," sabi ni Ate Celine sa receptionist at nakangiti na tumango siya. "Okay Ma'am, right this way," tugon niya at nagkatinginan muna kami bago sumunod sa kanya. "Please wait here Ma'am, Mr. Villenas meeting will be over soon and he will be see you." nakangiti na pag-inform niya sa amin. "Can I get you something to drink?" tanong niya sa amin at nakangiti na umiling kami. "Hindi na po kailangan okay lang po kami. Maraming salamat," nakangiti na tugon ko at nagpaalam na siya na lalabas na. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid para kumpirmahin kung tama ba ang hula ko sa itsura niya. Nagtataka lang ako dahil kahit isang picture ay wala akong makita, portrait man o family pictures. Tanging mga awards, trophies at certificates lang ang makikita naka-display. Simple lang naman ang itsura ng room pero halatang elegante ang mga furniture at hindi basta-basta lang ang materyales. Base sa mga nakasabit na painting at mga artistic display ay mahilig siya sa Art. Mostly ay dark color ang makikita sa loob ng kwarto mula sa wallpaper, kurtina at furnitures. Tanging mga painting lang ang nagbibigay ng kulay sa paligid at ang puting carpet. "Nakilala mo po ba siya?" curious na tanong ko at nagtataka napatingin siya sa akin. "Iyong boss po ni Kuya?" tanong ko ulit at umiling siya. "Nabanggit lang siya ng Kuya mo minsan pero hindi ko pa siya nakita. Hindi naman ako nagtatanong tungkol sa work ng Kuya mo. Sabi lang ni Kuya mo hindi siya madalas nakiisalamuha sa mga empleyado at hindi rin siya madalas nakikita ng mga ito. Wala raw masyadong nakakakilala sa kanya kasi napaka-private niya na tao," tugon ni Ate at tumango-tango lang ako. "Private o may tinatago?" sabi ko sa sarili ko habang inilibot ko ang tingin sa paligid. "Ano ang gagawin natin kung hindi niya ako pakingggan? Paano kung desidido na talaga siya na ipakulong ang Kuya mo? Debbi, paano na lang kami ng mga bata? Ayaw ko lumaki sila na hindi kumpleto ang pamilya nila," emosyonal na sabi niya at tinapik ko siya sa balikat. Maaga naulila si Ate Celine kaya naiintindihan ko kung ano ang kinakatakutan niya na mangyari. Kahit sino naman ay ayaw lumaki na kulang ang pamilya. Sobrang nahirapan ako ng mawala sa buhay namin si Mama at hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin ako tanggapin. "Gagawin po natin ang lahat para hindi po mangyari iyon Ate. Huwag ka po mag-isip ng hindi maganda at dapat positive lang po tayo," nakangiti na sabi ko at tumango siya saka huminga ng malalim. "Sana lang talaga mali ang iniisip ko," sabi ko sa sarili ko. Sabay kami napalingon nang marinig namin ang pagbubukas ng pinto. Saglit ako pumikit at nag-usal ng panalangin. Naramdaman ko ang paghawak ni Ate Celine sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko namumutla siya kaya nag-alala ako. Napatingin naman ako sa direksyon ng mata niya at saglit ako natigilan. "Siya ba ang President?" tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ko ang matangkad na lalaki naglalakad. Hindi ko lang alam kung aware ba siya sa presensya namin dahil nakatutok ang tingin niya sa cellphone habang naglalakad. Malayong-malayo siya sa na imagine ko kaya medyo nagulat ako. Kung titingnan mga nasa thirties lang siya at itim pa naman ang buhok niya. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya at hindi ko alam kung bakit. "Ano ba ang nangyayari sa akin? Umayos ka nga Debbie huwag mo kalimutan kung ano ang dahilan kung bakit ka nandito. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na makakita ka ng gwapo," saway ko sa sarili ko. Nagulat ako nang biglang sumulyap siya sa direksyon ko. Pakiramdam ko ay bigla tumigil ang takbo ng oras. Bumilis din ang t***k ng puso ko dahil sa saglit na pagtama ng tingin namin. Agad ako umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay tumatagos iyon sa kabuuan ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko para pakalmahin ang sarili ko. Ngayon lang ako na intimidate sa isang tao dahil usually ay wala akong pakialam sa sasabihin at pananaw ng ibang tao. Hindi ko maipaliwanag itong nararamdaman ko pero dapat ay umayos na ako. "Sana ay hindi lang ako sa itsura nagkamali, sana ay kabaliktaran siya ng mga iniisip ko kanina," sabi ko sa sarili ko nang senyasan kami ng isang lalaki na umupo na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD