10 - Devonne "Don't be afraid"

1508 Words
Dalawang linggo na ang lumipas mula nang mangyari ang malungkot na insidente sa bar. Walang araw na hindi ako nakatanggap ng bulaklak galing kay Jerome. Panay din ang tawag at padala ng message niya na humihingi ng sorry. Hindi madali sa akin ang lahat pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko para isipin siya ay hindi na ang magandang at masayang memories namin ang naiisip ko. Kung paano niya ako tingnan nang gabing iyon ang naalala ko. May mga gabi na hindi ko mapigilan ang umiyak dahil na miss ko na siya pero ayoko na bumalik sa kanya. Lagi naman ako kinakamusta ni Laraine at Carmela dahil nag-aalala sila sa akin. Desidido na talaga ako na panindigan ang pakikipaghiwalay ko sa kanya. Katulad ng sinasabi ni Carmela, kailangan ko muna mahalin ang sarili ko at magagawa ko iyon kapag wala na si Jerome sa buhay ko. "Debbie, kumain na tayo," aya ni Papa at lumabas na ako ng kwarto ko. Pagdating ko sa kusina ay nakahain na ang pagkain sa lamesa. Nagdasal muna kami ni Papa bago nagsimula na kumain ng almusal. Pagkatapos ko mag-luto kanina ay bumalik ako sa kwarto para kunin ang phone ko. Day-off ko ngayon kaya plano ko mag-general cleaning para ma distract ako. Kagabi dahil hindi ako makatulog ay nilagay ko sa isang box ang mga bagay na nagpapaalala sa akin kay Jerome. Kung gusto ko na makalimutan siya ay kailangan ko tanggalin ang mga bagay sa paligid ko na nagpapaalala sa akin. Ngayon ko lang na realize na ilang taon din kami magkasama pero pakiramdam ko ay ilang buwan lang dahil mas marami pa ang tampuhan at away kaysa sa mga panahon na masaya kami. Masakit din sa akin ang naging desisyon ko dahil naging parte rin naman siya ng buhay ko. Ang mas masakit sa akin ay umabot pa kami sa ganun na punto. Ngayon hindi ko alam kung paano ko pa siya pakikisamahan at haharapin. "Tinatawagan ng Tita Minerva mo si Dexter kahapon pa pero hindi siya sumasagot. Sinubukan naman namin si Celine pero hindi rin daw niya makontak ang Kuya mo. Debbie, kailan mo huling nakausap ang Kuya mo?" tanong ni Papa at agad ako umiwas ng tingin. "Last week pa po ata. Hindi naman po kami nag-usap ng matagal dahil ang sabi po niya ay busy siya sa trabaho niya," pagsisinungaling ko. Hindi ko pa rin nakakausap si Kuya at hindi pa rin siya nagre-reply sa mga message ko. Kinulit ko na rin si Ate Celine tungkol sa problema nila pero tikom pa rin ang bibig niya at ayaw niya na sa kanya manggaling iyon. Sa tuwing kausap ko siya ay nararamdaman ko ang bigat ng dinadala niya. Bakas sa boses niya ang lungkot at hirap. Nag-file na ako ng leave next week para personal ko makausap si Kuya dahil hindi ko na kayang tiisin pa ang nangyayari. Hindi lang si Ate Celine ang nag-aalala pero pati na rin si Papa. Kailangan ay malaman ko na kung ano ba talaga ang problema nila para alam ko kung paano ako makatulong sa kanila. "Sa tingin ko may problema ang Kuya mo pero ayaw niya sabihin sa atin," sabi ni Papa habang umiinom ako ng tubig at muntik ko na iyon maibuga. "Paano mo naman po nasabi, Pa? May nabanggit po ba si Ate Celine?" curious na tanong ko at umiling siya. "Mga anak ko kayo at kahit hindi ninyo sabihin sa akin nararamdaman ko na may problema kayo. Ayoko lang makialam kaya wala kayong naririnig sa akin at dahil malaki na kayo. Tiwala ako na kaya na ninyo gumawa ng sarili ninyo desisyon," tugon niya bago uminom ng kape. "Pero hindi ibig sabihin ay hindi na ninyo sasabihin sa akin ang lahat. Ang gusto ko lang ay kayo mismo ang magsabi sa akin. Wala man ako maitulong pagdating sa pinansyal na aspeto pero ang damayan at suportahan kayo ang tanging magagawa ko para sa inyo," dagdag pa niya at napatingin ako sa kanya. "Huwag ka na po mag-alala Papa busy lang po talaga siya sa work. Alam mo naman po si Kuya napaka-workaholic. Tatawagan din po niya tayo Papa kapag hindi na po siya busy hintayin na lang po natin. Kung may problema man po siya sigurado naman po na alam niya nandito lang po tayo," paliwanag ko sa kanya at huminga siya ng malalim. "Magandang umaga po," sigaw mula sa labas. Pamilyar sa akin ang boses at hindi ako pwedeng magkamali. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at natuliro ako. Hindi pa ako handa na makita at makausap siya. Tumingin ako sa paligid kung saan ako pwedeng magtago. "Pa, kapag si Jerome po iyan pasabi po na maaga ako umalis. May pinuntahan po ako na importante at hindi mo po alam kung anong oras po ako babalik," natataranta na sabi ko at nagtataka nakatingin siya sa akin. "Sige na po Pa, mamaya ko na lang po ipapaliwanag kung bakit," sabi ko at tumayo na siya para puntahan sa labas si Jerome. Nakipagpalit na nga ako kay Carmela ng day-off pero nalaman pa rin ni Jerome. Hindi na ako dapat magtaka pa dahil kahit naman noon ay may mga way siya para malaman kung nasaan ako. Minsan na ako nagsinungaling kung nasaan ako at naging dahilan iyon ng matinding pag-aaway namin. Pakiramdam ko kasi ay binabantayan niya ang bawat kilos ko sign na wala siyang tiwala sa akin. Maya-maya lang ay pumasok na si Papa at may dala siya na bouquet ng bulaklak. Bumalik na ako sa pwesto ko at uminom agad ako ng tubig dahil pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko. "Nag-away na naman ba kayo?" nagtataka na tanong ni Papa saka pinatong sa lamesa ang dala niya. Saksi si Papa sa ilang beses na pag-aaway namin pati na rin sa hiwalayan at balikan. Hindi naman nakialam si Papa sa relasyon namin pero madalas niya ako payuhan. "Kung ano man ang pinag-awayan ninyo Debbie, hindi makakatulong ang pag-iwas mo sa kanya. Dapat ay harapin mo siya at pag-usapan ninyo dahil kung hindi ay lalaki lang lalo ang problema ninyo," payo ni Papa at tumango ako. "Ano ba ang problema ninyo?" curious na tanong niya at huminga ako ng malalim. Sooner or later ay malalaman din naman niya kaya mas mabuti kung na sabihin ko na sa kanya ngayon. Sinimulan ko ikwento sa kanya ang nangyari sa amin sa bar. Hindi ko na lang binanggit sa kanya ang parte na nasaktan ako dahil ayaw ko siya mag-alala. Alam ko rin na na hindi niya mapapatawad si Jerome kapag sinabi ko pa sa kanya. Mas magiging komplikado lang ang lahat kung malalaman pa niya ang tungkol doon. Wala naman magulang ang gusto malaman na nasaktan physically ang anak nila. Sinabi ko na rin sa kanya ang mga nararamdaman ko tungkol sa relasyon namin mula noon at ngayon. Nagbago ang pananaw ko sa relasyon namin pati na rin ang nararamdaman ko na pagmamahal sa kanya ay nagbago na rin. Hindi ko na iwasan ang maging emosyonal sa buong pag-uusap namin. Hindi nagsasalita si Papa at nakikinig lang sa akin. Gumaan na ang pakiramdam ko pagkatapos ko masabi ang nilalaman ng puso at isip ko. "Wala naman masama kung susuko ka na Debbie, lalo na kung ganoon ang sitwasyon ninyo. Hindi lahat ng bagay ay naaayon sa kagustuhan natin. May mga bagay na dapat ipaglaban at hindi dapat pakawalan. May mga bagay din naman na kailangan na natin pakawalan lalo na kung hindi na maganda ang kinakalabasan. Bilang respeto dapat ay magpaalam kayo ng maayos sa isa't isa. Kailangan mo siya kausapin Debbie para linawin ang lahat at magpaalam ka sa kanya alang-alang sa pinagsamahan ninyo. Harapin mo siya para tuluyan ka na maka-move on. Maghiwalay kayo na walang sama ng loob at walang hinanakit," sabi ni Papa at tinapik ang kamay ko. Pinahid ko ang luha sa pisngi ko at huminga nang malalim. Isa rin sa inaalala ko ay baka hindi niya maintindihan ang dahilan kung bakit gusto ko tapusin ang relasyon namin. Baka ipagpilitan pa rin niya ang gusto niya na mangyari. Si Jerome ang tipo ng tao na kapag may gusto ay hindi basta-basta bumibitaw. Tama naman si Papa hindi ko siya pwede na laging pagtaguan dahil darating ang araw na kailangan na talaga namin mag-usap. Sana lang ay matanggap niya ang magiging desisyon ko dahil sa tingin ko ay para na rin iyon sa ikabubuti naming dalawa. Hindi na healthy ang relasyon namin at naging toxic na kaya bago pa kami tuluyang lumubog ay dapat na kami maghiwalay. "Thanks Pa," sabi ko at yumakap ako sa kanya ng mahigpit. "Huwag kang matakot na sabihin at ipakita ang nararamdaman mo. Minsan ay hindi rin mabuti ang pagsawalang bahala sa mga nangyayari. Tandaan mo Debbie, ikaw lang ang makakagawa ng desisyon para sa sarili mo dahil buhay mo iyan. Walang ibang tao ang makakapagsabi kung alin ang makakabuti sa iyo kung hindi Ikaw lang," sabi niya habang nakayakap ako sa kanya. "Opo Papa, salamat po at lagi kayong nandiyan para suportahan ako," nakangiti na sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD