"Let me deal with them, Drei. This is all my fault. I should have pay more attention to it," sabi ni Archie at huminga ako ng malalim.
Si Archie ang kaisa-isang pinsan ko sa father side ko. Noong panahon na wala ako sa tabi ni Papa para patakbuhin ang company ay siya ang katulong niya. Wala naman interest si Archie na makuha ang company dahil base sa kanya ay hindi niya kaya pamunuan ang ganun kalaki na company. Gusto lang niya maging parte lang pero ayaw niya na siya ang magpatakbo. Isa siya sa mga shareholders at adviser ko noong nag-umpisa pa lang ako rito hanggang ngayon. Malaki ang naitulong niya sa akin at lubos ako nagpasalamat sa kanya. Siya ang in-charge sa financial aspect at ako naman ang sa operation iyon ang napagkasunduan namin noon pa.
"It's not your fault Archie, there are just people who are not content with what they have. They are people that are so greedy that they forget about other things. I'm not really surprised because money changes everything and everyone," sabi ko.
Marami na akong nakilala na malaki ang pinagbago dahil sa pera. Kayang baguhin ng Pera ang paniniwala, prinsipyo at paninindigan ng isang tao. Wala naman ako nakikita na masama dahil lahat naman tayo ay kailangan maging praktikal. Ang hindi ko lang gusto ay ang mga tao na mapagsamantala at hayaan na manakit ng ibang tao. Malaki ang epekto ng pera sa isang tao pwede mabuti at pwede rin na masama.
"How are you going to deal with them?" tanong niya saka uminom ng kape at huminga ako ng malalim.
"You will know later when Atty. Ramirez arrive," tugon ko at tumango tango siya.
"How's Gretchen?" tanong niya at napailing ako.
Open relationship ang relasyon namin ni Gretchen. Isa siyang event coordinator at nakilala ko siya sa isang charity event. Nakaramdam agad kami ng instant attraction at doon nagsimula ang lahat. Couple kami kapag magkasama kami at kung hindi naman we are free to see other people. Hindi ko alam kung ano ang reason kung bakit pumayag siya at wala akong pakialam as long as open kami sa isa't isa. Para sa akin convenient ang setup na iyon dahil wala naman ako balak na magseryoso sa isang relasyon I just need someone to warm my bed. I don't need commitment that won't last. Matagal na kami magkakilala ni Gretchen at marami kaming common interests. We been in this relationship for almost a year and it's doing great. Alam naman ang limitations ng isa't isa at hindi kami nakikialam sa business ng bawat isa. Nakita ko kung ano ang nangyari sa relasyon ng parents ko. They say that they love each other but their actions didn't say it all. Lumaki ako na halos wala ng oras sa akin si Papa. During holidays and special occasion lang kami halos nagkikita pero minsan ay hindi inaasahan na magkakaroon ng emergency sa company. Nasanay na ako sa ganoon kaya hindi na big deal sa akin kung nandiyan ba siya o wala. He keeps on telling us that he is doing everything for us but he was never there for us when we needed him. Si Mama naman ay may iba rin pinagkakaabalahan pero hindi naman ako pinabayaan ni Mama. Sa tingin ng ibang tao ay imahe kami ng isang perpektong pamilya.
"Don't tell me the two of you are still in that situation. Sorry Drei, but I really don't understand the both of you. Mukhang okay naman kayo at masaya na magkasama bakit kailangan gawin pa ninyo na komplikado ang sitwasyon ninyo. Why not be a normal couple?" naguguluhan na tanong ni Archie at saglit ako natawa.
"Okay? Masaya? Dahilan na ba iyon para mag-commit kami sa isa't isa? Will it guarantee that our relationship will be successful? Okay at masaya kami dahil alam naman kung ano kami at kung hanggang saan lang kami. No expectations and less complications are way better than giving it all but in the end it will be wasted,," tugon ko sa kanya at umiling siya senyales na hindi siya sang-ayon.
"Ang relationship ay parang isang business, you also need to invest in order to grow and there are ups and downs. Mostly you need to take a risk to gain profits. Sa una hindi madali at maraming adjustment pero habang tumatagal ay magagawa mo ng kontrolin ang lahat. Sometimes it also required you to sacrifice something," paliwanag ni Archie at ako naman ang umiling.
"I agree na parang business ang relationship but not in that way. In order for my business to grow I will choose someone that can help me. It is like having an investor, it should be a win-win situation. I will get what I want and she will get hers too. Like in business no emotions attached, less complications and less risk. Sa panahon ngayon Archie hindi lang love ang mahalaga dahil minsan ay hindi iyon sapat para mag-survive," paliwanag ko naman sa side ko at huminga siya ng malalim.
"You don't have to worry about Gretchen because I'm breaking up with her. This past few days things are not working out. Lately, she's been demanding and being clingy unlike before. I'm afraid she is starting to have feelings involved in our relationship which we clearly talked about before," sabi ko bago uminom ng kape.
"One day magkatagpo ka rin ng babae na gagawin mo ang lahat para makuha siya. You will do things that you don't normally do just for her. She will drive you crazy in love with her. Marealize mo na aside sa money ay may mas importante pang bagay sa mundo and it's happiness. Kapag natagpuan mo na ang babae na iyon ikaw na mismo ang susugal," sabi niya at natawa ako nang malakas.
"I doubt it will happen again," halos pabulong na tugon ko.
"That is the sign that the two of you need to take a break from work. It's not normal comparing relationships to business and love to money. The two of you need to have a real life aside from work," natatawa na sabi ni Atty. Ramirez habang naglalakad papalapit sa amin.
"Well, this is my life," sagot ko at tumawa naman siya.
Matalik na kaibigan ni Papa si Atty. Ramirez at hindi siya umalis sa tabi ni Papa hanggang sa huling sandali. Magkakasama sila noon sa isang event nauna lang umalis siya umalis dahil nagkaroon ng emergency sa bahay nila. Gabi na sila umalis sa party at sa bumangga sa isang poste ang sasakyan nila. During the investigation may nagsabi na nagtatalo ang parents ko before sila umalis. Ang driver naman ay hinihinala na nakainom pero wala naman proof dahil walang nakakita kung uminom na siya. Iba't ibang emosyon ang naramdaman ko ng panahon na iyon galit, pangungulila, pagsisisi at higit sa lahat ay lungkot. Isa siya sa mga tao na tumulong sa akin para maka-move on. Nasubaybayan niya ang paglaki ko kaya alam niya ang lahat ng nangyari sa akin. Si Archie, Philip at Atty. Ramirez lang ang pinagkakatiwalaan ko ngayon.
"Sad to hear that Chandrei but it's not too late. Remember nothing is imposible," nakangiti na sabi niya pagkatapos ko siya yakapin.
Nagyakapan din si Archie at Atty. Ramirez bago kami umupo. Maya-maya lang ay pumasok na si Philip na may dalang kape at mga document na kailangan namin pag-uusapan. Ilang araw na niya pinag-aralan kung ano ang pwede gawin sa mga employee. As of now wala pa silang idea na under investigation na sila at ilang buwan na investigation ay marami na kaming nakalap na ebidensya. Hindi na ako makapaghintay na mabigay ang kaparusahan nila dahil sa ginawa nilang pananamantala sa kumpanya. Hindi nila pwede gawin na dahilan ang kakulangan sa pera dahil kung tutuusin ay mataas ang sweldo nila at may mga benefits sila na binibigay ng kumpanya. Maintindihan ko pa sana ang ginawa nila kung may kakulangan sa part ng company at malaman ko na ginagamit nila sa pamilya nila ang perang nakuha nila.
"These are additional information and proof," sabi ni Philip at inabot sa akin ang folder.
Habang under investigation ang limang employee ay nagsagawa ako ng background check sa kanila para makilala ko sila. Gusto ko rin malaman kung ano ang nagtulak sa kanila para magnakaw sa kumpanya na bumubuhay sa kanila. Everyone have a reason mababaw man iyon o malalim. Kahit na sabihin ng ibang tao na wala akong puso at walang pakialam ay hindi naman ako ganoon kasama. Bago ako magdesisyon sa susunod ko na gagawin ay gusto ko malaman ang tungkol sa kanila at kung karapat-dapat ba sila bigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Una ko binuksan ang isang folder at hindi ko pa man nababasa ang ibang detalye ay nadismaya na agad ako. Isa sa mga Project Engineer namin at may dalawang pamilya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit nagawa niya na magnakaw at magsugal. Ang kasunod naman ay nasa Finance Department at base sa record kailangan operahan ang father niya sa puso. Tugma naman ang Medical report sa timeline kung saan ay nakita ang anomalya. Nagtataka nakatingin sa akin ang dalawa ng ilagay ko iyon sa ibang pwesto. Ang pangatlo at pang-apat na folder ay pareho na hindi deserving dahil ang isa ay hiwalay na sa Asawa at ang isa naman ay walang pamilya dahil matandang binata. Sa huling folder ako natigilan dahil bukod sa siya ang Head ng Finance and Audit Department. Base sa track record niya ay mabilis ang naging promotion niya meaning ay maganda ang performance niya sa trabaho. Nakalagay roon na sumailalim sa operasyon ang Asawa niya. Imbes na asawa niya ang nakalagay sa mga benefits as beneficiary niya ang father niya ang nakalagay. Huminga ako ng malalim at pinagsama ko ang dalawang folder at inabot iyon kay Philip. Ang tatlo naman ay inabot ko kay Atty. Ramirez.
"Give them notice and inform them regarding this matter," utos ko kay Philip at tumango siya.
"Sent them to jail," sabi ko naman kay Atty. Ramirez at napatingin siya kay Archie.
"Those two have a valid reason for consideration. I just need to hear their explanation and if it matches what I think it is, their punishment will be different from others. On the other hand, those three don't have any other reason aside from being greedy to steal from the company," paliwanag ko.
Salubong ang kilay ko dahil bakas sa mukha ng dalawa na hindi makapaniwala. Hindi naman ako offended sa reaksyon nila dahil hindi naman ako madalas nagpapakita ng emosyon lalo na sa ibang tao.
"I might seem to be arrogant, heartless and cruel but I still have consideration to other people. Bago ko husgahan ang isang tao I make sure na kahit paano ay alam ko ang pinagdaanan niya lalo na kung matagal na siya rito sa kumpanya. Mas matagal pa nga sila sa akin dito kaya inalam ko muna ang dahilan kung bakit nila ginawa ang magnakaw," paliwanag ko sa dalawa.
"To be honest, I'm surprised to know that hindi ko alam na ganyan ka. Mabuti ka naman tao Drei, hiindi mo lang kaya ipakita sa ibang tao dahil nauuna ang pagiging arogante mo. Iba ang tingin ng tao sa iyo dahil sa pinapakita mo. Walang tao rito sa building na ito ang hindi natatakot o kinakabahan kapag narinig ang pangalan mo. You don't barely smile or make a eye contact to them," sabi ni Archie.
"Sorry Mr. Congeniality, I'm not you and we are different. If they can't deal with me they can just leave this building and the company. I don't have to please anyone," giit ko at tumawa lang si Archie.
Isa sa laging sinasabi ni Papa kapag pinapagalitan niya ako na I always stand out from the rest. I don't have to please anyone and just focus on my dreams.
"I will file the case first thing in the morning Chandrei. I'm glad you are seeing this problem in a different angle and solving it in a rational way," sabi ni Atty. Ramirez.
"Thank you so much Atty. Ramirez," nakangiti na sabi ko at tumango siya.
"You are always welcome," nakangiti na tugon niya