"Akala ko pa naman kaya pinakilala mo siya sa akin ay dahil hindi mo siya bet. Kailangan mo lang pala magselos para ma realize na gusto mo pala siya," natatawa na sabi ni Carmela. Nagtago nang mukha si Laraine sa likod ni JM na hindi nawawala ang ngiti sa labi niya. Obvious na in love ang dalawa sa isa't isa at masaya ako para sa kanila. Ngayon ko lang nakita na ganun kasaya si Laraine kaya wala kaming karapatan na tutulan ang relasyon nila. At saka hindi rin naman interesado si Carmela kay JM kaya okay lang sa amin. Katulad nga ng sinasabi ng iba ay wala sa tagal ng pagkakakilala para malaman kung ano ang nararamdaman. "Sorry naman hindi ko naman kasi akalain na may gusto na pala ako sa kanya. Noon kasi may crush lang ako sa kanya pero never ko expected na lumalim pala iyon nang magka