"Tititigan mo na lang ba maghapon ang phone mo? Kahit ilang oras mo iyan tingnan Debbie hindi iyan magsasalita ng kanya," sabi ni Carmela at napalingon ako sa kanya. Katatapos ko lang ayusin ang gamit ko at hinihintay ko lang matapos si Carmela. May usapan kasi kami ngayon na kakain sa labas kasama si Laraine. Tumawag siya kanina para sabihin na manlilibre siya. Sina Kuya naman ay nasa bahay pa kaya may kasama si Papa kahit na gabihin ako ng uwi. Habang hinihintay ko siya ay nakatingin lang ako sa phone ko. Hindi ko kasi alam kung tatawagan ko ba si Chandrei o hintayin ko siya na ang tumawag para ipaalala ang tungkol sa kontrata. Sobrang nag-enjoy ako pati na rin ang buong pamilya namin kahapon sa beach kahit na biglaan. Hindi ko makakalimutan ang mga ngiti sa bawat isa at noon lang ulit