"Kailangan natin bilisan Carmela dahil hindi tayo pwede malate," sabi ko kay Carmela habang naghihintay kami ng tricycle. "Relax Debbie, malapit na rin naman tayo at saka maaga pa naman," nakangiti na tugon niya. Pagkatapos namin mag-celebrate kagabi ay umuwi na kami. Hindi ko alam pero apektado ako sa sinabi ni Chandrei na umuwi na ako at magkikita kami. Kahit na pautos at demanding ang pagkakasabi niya pero hindi naman ako na offend. Ganoon din naman si Jerome noon pero ibang-iba ang epekto ni Chandrei. Imbes na mainis at magalit ako ay balewala iyon sa akin na para bang normal lang. Nagtaka pa nga ang mga kasama ko dahil nag-aya na agad ako na umuwi pagkatapos namin mag-usap ni Chandrei. Hinatid ako ni JM at Laraine sa bahay pagkatapos namin ihatid si Carmela sa kanila. Nagpaalam ako