16 - Devonne "In his EYES"

1501 Words
"What can I do for you, Mrs. Garcia?" tanong niya habang nakatingin sa folder na hawak niya. "Good day po Mr. Villenas," magalang na bati ni Ate Celine sa lalaking nakaupo. Nagsalubong ang kilay ko nang hindi man lang siya tumingin sa direksyon namin. Hindi man lang siya tumugon sa pagbati niya at patuloy lang sa ginagawa niya. Halatang wala siyang intention na makinig sa sasabihin namin. Nakuyom ko ang kamay ko dahil pinipigilan ko ang sarili ko na magsalita. Alam ko na may kasalanan ang Kuya ko pero ang tratuhin niya kami ng ganito ay hindi naman ata tama. Pero naisip ko na baka hindi lang kami ang nakausap niya tungkol sa bagay na ito. Naramdaman ko ang malalim na paghinga niya kaya naman napatingin ako sa kanya saka siya yumuko. Tinapik ko ang kamay niya para sa sabihin na magpatuloy at tumango. "Maraming salamat po at hinayaan po ninyo kami na makausap po kayo. Ako po si Celine Garcia ang Asawa po ni Dexter Garcia. Nandito po ako para humingi po sana sa inyo ng konsiderasyon," sabi ni Are Celine. Napansin namin na biglang natigilan ang kausap namin at dahil siguro sa huling sinabi niya. Ilang minuto lang ay binaba niya ang folder na hawak niya at tumingin sa direksyon namin. Sumandal siya sa pagkakaupo at nakatingin lang sa amin. Nakuha ni Ate Celine ang attention niya base sa nakikita ko na reaksyon niya. "Alam ko po na mali ang ginawa ng Asawa ko pero gusto ko lang po sana sabihin sa inyo na ako ang dahilan kung bakit po niya iyon nagawa. Gusto ko rin po sabihin na pinilit lang po siya ng mga kasama niya. Pinagbantaan din po siya na kung hindi sasama sa kanila ay may hinding maganda na mangyayari. Nagkaroon po ako ng sakit na kaya kailangan po ako operahan. Sinubukan po ng Asawa ko na mag-loan pero hindi po siya na approved dahil sa malaki pong amount na hinihiling niya at dahil na rin po sa katatapos lang niya magbayad sa previous loan niya. Nagipit po siya sa sitwasyon kaya po niya iyon nagawa. Alam ko po na hindi katanggap tanggap ang dahilan niya pero pinakita naman po niya na labag sa kaloohan niya ang lahat. Tumulong po siya para ma-expose pa ang ibang illegal na ginagawa ng ibang kasama po niya. Mahal na mahal po niya ang trabaho niya Sir nagkataon lang po na mahal din po niya ang pamilya niya. Sana po ay maintindihan ninyo siya Sir at mabigyan po ng kaunting konsiderasyon," emosyonal na paliwanag ni Ate at hinawakan ko ang isang kamay niya. "So Mrs. Garcia ang sinasabi mo ay dapat siya maabswelto sa kasalanan niya dahil tinulungan niya ako na malantantad ang iba pang kasama niya? Dapat ay kalimutan ko ang mga ginawa niya dahil sa iyo?" tanong niya habang nakatingin sa amin. Naramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak ni Ate sa kamay ko. Napalunok ako dahil sa tingin niya kaya yumuko ako. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya dahil kakaiba ang nararamdaman ko. "Kailangan po siya maparusahan pero ang hinihiling ko lang po sana ay hindi siya makulong ng matagal. Maaga po ako naulila sa mga magulang ko at sila naman po ay nawalan ng Ina. Ayaw ko po maranasan ng mga anak ko na lumaki na walang tatay na gagabay sa kanila at nandiyan para sa kanila. Importante po sa akin ang pamilya ko at gagawin po namin ang lahat para sa isa't isa," paliwanag ni Ate. Napatingin ako sa kausap namin dahil hindi siya tumugon. Nakatingin lang siya sa table niya pero nakikita ko sa kanya na malalim ang iniisip niya. Ilang sandali lang ay napatingin siya sa akin at huli na para umiwas pa. May nakikita ako na lungkot sa mga mata niya kaya hindi ko ang ma curious. Sa likod ng matapang at seryoso na ekspresyon ng mukha niya ay may tinatago ang mga mata niya. This time ay siya na ang umiwas ng tingin saka umayos ng sa pagkakaupo. "Mrs. Garcia sana po ay maintindihan ninyo kung bakit namin ito ginawa. Sumusunod lang po kami sa dapat na gawin. Kung sakali na bigyan ko siya ng konsiderasyon hindi lang siya ang may dahilan na katulad ng sa iyo. I'm running a business and not a charity," tugon niya. Bumagsak ang balikat ni Ate Celine dahil sa sinabi ni Mr. Villenas. Nagsimula ng pumatak ang luha mula sa mga mata niya at hindi ko mapigilan ang maawa. Hinaplos ko ang likod niya. "Sir kung sakali po ba na maibalik namin ang lahat ng pera nakuha ng kapatid ko posible po ba na bumaba ang sentence niya. Willing po kami gawin ang lahat para lang po ng kailangan para po sa Kuya ko. Sa ilang taon po niya rito ay makikita ninyo na maganda naman po ang naging performance niya not until may pagsubok na dumating sa pamilya nila. Nakikiusap po kami sa inyo at nagmamakaawa po na sana ay bigyan mo po siya ng konsiderasyon. Gagawin mo namin ang lahat," lakas loob na sabi ko. Abot labgit ang kaba ko habang nagsasalita lalo na at nakatingin siya sa akin. Ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita dahil nakita ko ang kalagayan ni Ate Celine. "More or less two million," sabi niya pagkalipas ng ilang minuto na katahimikan. Napatingin ako kay Ate Celine at katulad ko ay hindi rin siya makapaniwala. Hindi ko lubos akalain na umabot na sa ganoon kalaki ang halaga nakuha niya. "Philip, give them a copy of the breakdown of all the amount Mr. Garcia accumulated," utos niya sa katabi niya. "Yes Sir," tugon niya bago lumabas ng kwarto. Wala pa sa kalahati ng kabuuan ng amount na iyon ang ipon ko. Pwede siguro namin isangla muna ang lupa na minana ni Papa noon. The rest ay kaya na siguro namin gawan ng paraan. Ilang sandali lang ay bumalik na ulit ang lalaki na tinawag niya na Philip. "Here you go Ma'am," sabi niya saka abot ng envelope kay Ate Celine. Nanlaki ang mga mata niya pagkakita sa laman ng envelope. Pinasa niya sa akin ang envelope at ako naman ang tumingin. Halos mahilo ako sa dami ng number na makikita roon. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko dahil sobrang laki ng mga amount. Hindi ko pa na tanong kay Kuya kung magkano ang mga nakuha niya. Ang pinag-basehan ko lang ay mga scenario na pinag-gamitan niya "Based on what Atty. Ramirez told me Mr. Garcia will have to return all the money he stole from the company. What you saw in that report is not yet the whole amount because the investigation hasn't been done yet. His sentence will depend on how he can return it. Let's say he can return all the money stated on the final report he will only get three to five years jail time but if he can't return it all may five to ten years. Meaning it's up to you on how much you can return," paliwanag niya at huminga ako ng malalim. "Okay Sir, we will definitely return all of it," sabi ni Mrs. Garcia at tumango lang siya. Tumayo na kami at nagpaalam na kami sa kanya. Habang naglalakad palabas ay may nag-udyok sa akin na lumingon pero pinigilan ko ang sarili ko. Ramdam ko kasi naka sunod ang tingin niya sa amin habang naglalakad kami palabas. Ito na ang huling beses na makikita ko siya dahil ayaw ko na siya makita ulit. Hindi ko maintindihan pero hindi ganito ang nararamdaman ko noong una ko nakita at nakilala si Jerome. Kung ano man ang nararamdaman ko ngayon dahil iyon sa break up ko. Naghahanap lang siguro ako ng makakasama ulit kaya ako nagkakaganito. Ngayon lang ulit ako na attract ng ganito dahil sa mga panahon na kami pa ni Jerome ay naka-focus lang ako sa kanya. Tahimik lang si Ate Celine pero halatang apektado siya sa nakita niya kanina. Maintindihan ko kung galit siya kay Kuya dahil hindi lang sila ang apektado sa sitwasyon pero pati na rin ang mga bata. "Okay ka lang po ba Ate?" nag-aalala na tanong ko sa kanya pagpasok namin sa elevator. Hindi siya tumugon at nakatingin lang sa kawalan. Mas pursigido ako na tulungan sila ngayon dahil nalaman na namin ang status ng kaso niya. Kailangan namin maibalik lahat para hindi siya tumagal sa kulungan. Kung pwede nga lang na sana ay hindi siya makulong dahil kawawa ang pamilya niya pero kailangan namin sumunod sa kanila. Maya-maya lang ay lumabas na kami ng elevator at pagkatapos namin makuha ang I.d namin ay naglalakad na kami palabas ng building. Nag-isip ako ng lugar kung saan kami pwedeng pumunta para kumalma. Hindi kami pwedeng umuwi na ganito dahil sigurado na mag-alala lang sila sa amin. Pumara na ako ng taxi at sinabi ko na dalhin kami sa Roxas Boulevard. "Everything will be okay Ate," sabi ko sa kanya at alanganin na ngumiti siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD