Nagising ako nang maaga kahit pa nga late na kami natulog ni Chandrei. Pagkagaling namin sa event ay dumiretso na kami sa bahay. Pero bago kami umuwi ay nakisuyo muna ako kay Chandrei na kung pwede ay dumaan kami sa convenience store na malapit sa bahay niya. Nabitin kasi ako sa ice cream na binili ni Georgina ng umaga dahil nagkataon na pareho pala kami ng paboritong flavor. Ang ending mas marami pa siya nakain kaysa sa amin ni Philip. Wala naman akong karapatan magreklamo dahil siya ang bumili noon. Pumayag naman si Chandrei at nagulat ako na sinamahan pa niya ako sa loob ng store. Wala naman siya binili at doon ko lang nalaman na hindi siya mahilig sa mga sweet food. Ilang sandali lang pagkatapos namin bumili ng ice cream ay nakarating na kami sa bahay niya. Ininit ko na muna ang kanin