Nagulat talaga kaming tatlo sa pagdating ni Chandrei. Literal na tumigil kami sa pag-uusap ng makita namin siya. Expected kasi namin ay mamaya pa siya darating dahil na rin sa sinabi ni Philip ng tanungin ko siya kanina. Hindi ko mabasa ang reaction niya pero napansin ko na parang galit siya. Pakiramdam ko kasi ay parang hindi niya nagustuhan na makita si Georgina at Philip. Nang tanungin niya si Georgina kung kanina pa siya ay parang hindi niya nagustuhan ang sagot ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ang nakita kong reaksyon niya. "Baka hindi maganda ang kinakabahan ng meeting niya?" alanganin na tanong ko at tumango si Philip. "Baka naman may dalaw o magkakaroon pa lang," nakangiti na sabi ni Georgina at natawa lang ako. "Joke lang Devonne, masanay ka na lang kay Andrei sa sob