"What was that Andrei?" inis na saway ko sa sarili ko pagsasara ng pinto. "Can you please put yourself together. Remember, this is not real and it can't be real. Just do your part and don't let it get into you," sermon ko sa sarili ko at huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung bakit ba ganito ang nararamdaman ko. Bakit ba naiinis ako dahil lang sa maliit na bagay? Para akong bata na naghahanap ng attention at nagtatampo kapag hindi napansin. Hindi ako dapat nagkaganito at hindi ako dapat maging apektado. "Andrei! May tumatawag sa phone mo," narinig ko na sigaw ni Devonne mula sa labas ng kwarto ko. Bigla ko naalala naiwan ko nga pala ang phone ko. Pinatong ko iyon sa lamesa kanina habang kumakain kami. Binuksan ko ang pinto para alamin kung sino ang tumatawag at nagulat ako dahil