Chapter 6

1994 Words
TIFFANY TEXT CONVERSATION UNKNOWN NUMBER: Tiffany, we need to talk. TIFFANY: Who's this please? UNKNOWN NUMBER: It's me, Zach. TIFFANY: Walang Tiffany dito. Wrong number ka siguro Mr. UNKNOWN NUMBER: Hey! I know na ikaw 'yan, Tif. Please naman, huwag naman na kahit sa text ayaw mo akong kausap. TIFFANY: E sa wala ngang Tiffany dito e! UNKNOWN NUMBER: Please, I'm begging you. Payagan mo naman akong madalaw si Catie, miss na miss ko na ang anak natin, Tif.  TIFFANY: Dalawin?? Hindi kailangan ni Catie ng amang kagaya mo Zach! And besides, hindi ka na niya hinahanap! Tanggap na niya na wala ka na sa buhay namin kaya please lang, 'wag ka ng maghangad na makita siya! Kung gusto mo ng anak, pwedeng pwede ka naman gumawa sa babae mo!! UNKNOWN NUMBER: Maghihintay ako Tif. Hanggang sa maging handa ka na. Hanggang sa pwede ko ng makita ang anak natin. Sana balang araw mapatawad mo rin ako. Mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon. I'm sorry kung nadala ako sa tukso. Handa akong iwan si Anna para sa inyo ng anak natin.  TIFFANY: No need Zach. Move on kasi naka-move on na ko.  And maybe someday, kapag naghilom na ng tuluyan ang mga sugat ko, baka mapagbigyan kitang makita ang anak ko. UNKNOWN NUMBER: Salamat, Tif. Maraming salamat. Maghihintay ako. MABILIS na lumipas ang mga araw, linggo hanggang sa naging anim na buwan. Patuloy ang pagdami ng customer sa bakeshop ni Tiffany habang siya ay hindi nagsasawang humanap pa ng mga bagong kliyente. Nag-o-organize na rin siya ng mga events gaya ng weddings, birthday and engagement parties at iba pa depende sa kailangan ng kliyente. Nakakapagod pero natutuwa siya at unti-unti ng nagbubunga ang mga paghihirap niya. Katunayan ay balak na niyang palakihan ang kasalukuyang shop niya. Dumarami sa rin kasi kahit ang mga walk in customers at may pagkakataon na nag-si-siksikan sa loob bagay na ayaw sana niyang mangyari. Mas babalik ang mga customers kapag convenient ang store.  Samantala sa loob nang mga panahong iyon, hindi nawala si Arnie bilang regular customer nila. Three times a week kung magpunta sa shop nila ang binata para walang sawang bumili nang mga products nila. Laging sinasabi nito na paborito nang ina nito ang mga produkto kaya hindi nagsasawang bumalik. Dahil doon, napalagay ang loob nila rito ng kapatid na si Joy. Naging kaibigan nila ang binata na madalas ay pampawala ng inip ni Joy sa shop dahil sa mga biruan nilang dalawa palibhasa'y parehong kalog.  ARNIE TEXT CONVERSATION ARNIE: Ma, good morning! Biyahe po ako pa-Bulacan. Baka lang hanapin mo ako kapag nagising ka. Eat your breakfast. Love you! MOM: It's okay anak. Go to your happiness. 'Wag mo kong alalahanin. Mag-ingat ka lang ha? ARNIE: Thank you, Ma. Makita ko lang si Tiffany talagang masayang masaya na ko, what do you want pag-uwi ko? MOM: Pastillas ang gusto ko hijo, yung iba-ibang flavor ha? ARNIE: Sabi ko na nga ba! 'Yan lagi mong bilin kapag sa Bulacan ako pumupunta e.  MOM: Pagbigyan mo na ako anak. Minsan lang magkagusto ang Mama mo.  ARNIE: Of course ibibili kita, Ma. How many?  MOM: Pwede bang five boxes hijo?  ARNIE: Copy po. Gotta go, See you later!  MOM:  Take care! He was on his way papuntang Bulacan nang maalalang hindi nga pala siya nakapag-paalam sa ina. Kaya habang heto't naghihintay siyang umusad ang mga sasakyan sa toll gate na nasa harap niya ay naisipan niyang i-text muna ito para hindi mag-alala. Nang wala pa ring pag-galaw sa mga sasakyan ay nag-log in naman siya sa f*******: para hindi siya mainip. Mahaba-haba pa ang pila bago siya kaya okay lang. Excited siya dahil ibig sabihin ay makikita na naman niyang muli si Tiffany at hindi na siya makapaghintay. Nagbo-browse na siya nang may mahagip ang mata kaya dali-dali ay tinawagan niya si Joy. *f*******: STATUS* @SASSYTif Meeting today. Goodluck to me.  #businessrelated "Hi Joy, good morning!" "Hey, Arn! Ang aga mo?" anito na pupungas pungas pa sa pagsagot. Nahiya siya bigla dahil tila nagising niya ito. "I'm sorry, nagising ba kita?" "Okay lang, mabuti nga, e. Nauna ka lang ng bahagya sa alarm ko. Ano ba ang atin at ang aga mong napatawag?" "Ano kasi---" nahihiya pa niyang ituloy ang sasabihin. Alam kasi niya na tutuksuhin na naman siya nito.  "Hay nako! Ano nga? Magsasalita ka ba o matutulog na lang ulit ako?" mataray na sabi nito.   "Okay, A-ano ba 'yung status ng ate mo?"  "Why? Ano sabi?" "Meeting daw siya today. Business related." "Ah! Oo, big time client 'yon kaya kabado si ate. Wait, why? Pupunta ka dito 'no?" "Actually yes. Akala ko pa naman makikita ko siya today. Wait, what time ba ang meeting niya? On the way na ko." Narinig niyang natawa ito sa kabilang linya.  "Ang aga mo, ah! Pusuan ko mata mo diyan, e. Pero sige, itatanong ko kay ate kung what time," anito na sandaling nawala sa linya pero nagbalik din agad. "Oo nga pala, Arn, hindi na siya dadaan sa shop. Diretso na siya sa venue ng meeting," ani Joy na tuluyang nagpa-lungkot sa kanya. "Aww! Gano'n ba? Sayang naman. Saan ang venue Joy?" pursigido niyang tanong dahil gustung-gusto talaga niyang makita si Tiffany.  "Iyon ang hindi ko alam. Wait balikan kita, ha?" "Okay, thanks sa info. Update mo ko, ha?" "Yeah," ani Joy saka tuluyang nawala sa linya. Lihim naman siyang nangiti dahil maaasahan talaga niya si Joy.  SA BAHAY ay nag-ka-kape na si Tiffany kasama ang ina. Kahit gusto pa sana niyang matulog dahil sobrang aga pa, hindi na niya magawa dahil naiisip na niya ang maaaring mangyari mamaya sa meeting niya. Ganito siya lagi kapag may malalaking clients na makakaharap. Ang totoo nga ay hindi naman siya halos nakatulog.  "Ate what time ang meeting mo?" Lumapit ang kagigising na kapatid niyang si Joy sa kanila ng ina at nagtimpla ng kape saka tumabi ng upo sa kanya.  "One o'clock. Why?" "Where?" "Secret."  "Daya! Tinatanong lang, e." "Kilala kita 'no! May binabalak ka na naman kaya hindi ko sasabihin!" natatawang turan niya dahil baka kalokohan na naman ang nasa isip ng kapatid.  "E di huwag!" nakangusong sabi ni Joy. Kilala siya nito na kapag sinabi niyang hindi ay hindi na ito mag-pu-pumilit. ----- "Hello? Hello, Arn?" "Hey? Ano'ng nangyari?" "One PM sharp ang meeting ni ate. Pero ayaw talaga sabihin kung saan, sorry." "Gano'n ba? Pa'no yan hindi natin alam? Anyway malapit na ako sa store n'yo, hindi na ba talaga siya dadaan do'n?" "Serious? Ang aga mo naman! Maya-maya pa ko magbubukas! Pero sige stay ka lang diyan. Ako'ng bahala." "Anong gagawin mo?" "Basta! Gusto mo ba siyang makita o ayaw mo??" "Syempre gusto ko no! Okay, wait kita dito." "Good." "Sige mag-a-ayos na ko. Baka mapanis ka kahihintay diyan." "Bilisan mo na! 'Wag ka na madaming sinasabi!" natawa ito sa kabilang linya. Balak sana niyang kausapin ang ate niya pagkatapos ng usapan nila ni Arnie pero nakita niyang may ka-text at parang iritado ito dahil bukod sa kunot ang noo, sambakol din ang mukha nito at nakanguso pa. Itatanong sana ulit niya kung saan ang meeting nito pero hindi na niya itinuloy dahil baka mapagalitan lang siya. Kabisado pa naman niya ito kapag nagalit. Kaya nagpasya na lang siyang gumayak para pumasok sa shop. "Ate, aalis na ko. May ibibilin ka ba?" "Wala naman. Just make sure lang na first in first out 'yung mga products ha? Baka maabutan ng expiration." "Yes ate, alam ko na 'yan." "Good. Ingat ka, ha? 'Pag maaga kami natapos sa meeting babalikan kita sa shop para sabay tayong umuwi, okay?" "Kahit 'wag na, ate. Mag-relax ka na lang kapag maaga kayo natapos. Mag-window shopping ka." Natawa siya sa sinabi nito. "Ayoko, gastos 'yon. Anyway, thank you sis, ha? Kahit madalas kitang nasusungitan nandiyan ka pa rin lagi for me," sinserong sabi niya sa kapatid. Nagpapasalamat siya at isang kagaya ni Joy ang naging kapatid niya dahil maunawain ito at mabait. "Sus! Nag-drama pa uy! Makaalis na nga!" "Bye, ingat!" "Ikaw din. Good luck sa meeting. Alam kong sisiw lang sa'yo 'yun," ani pa nito sabay kindat sa kanya. "Thanks! Sana hindi ako kabahan." Pagdating ni Joy sa shop ay nakita niyang naka-park na nga sa di-kalayuan ang kotse ni Arnie. "Ang aga nga ng loko" napangiti siya. Pagbaba niya ng tricycle ay nakita niyang bumaba rin ito at humakbang palapit.  "Hi, Joy! Good morning!" nakangiting bati nito.  "Good morning, Arn! Kanina ka pa? Teka, poging pogi tayo, ah! Sayang naman kung hindi makikita ni ate ang attire mo." Isang tapik sa balikat ng binata ang ginawa niya bago niya ito lampasan.  "Hindi naman masyado. Well, alam mo kasi, Joy, inborn ang kagwapuhan ko kaya masanay kana." Napakaluwang ng ngiti nito habang sinasabi iyon. "Naku! Napakayabang naman pala! Tse!" inirapan niya ito at kunwa'y akmang lalagpasan na niya nang pigilan siya nito sa isang braso. "Teka, joke lang. Hindi naman mabiro 'to. Wait, ano pala 'yung plano mo kanina?" "Pwede ho bang magbukas muna ko ng store bago ka magtatanong diyan?" natatawang sabi niya rito habang inilalabas sa bulsa ng pants ang susi at nang mahugot ay pabalabag na inihagis sa binata.  "Ooppss! Oo nga, sorry. Tulungan na kita."  "Hay! Salamat naman!" Tinulungan siya nitong magbukas ng tindahan. Mabilisan siyang nagwalis ng sahig at ang binata naman ay nag-pagpag ng alikabok sa mga estante. Saktong kakaupo pa lamang ni Joy sa swivel chair ng tumunog ang kaniyang cellphone at makitang tumatawag na ang ate niya. Kinakabahan siya dahil alam na niya ang itatanong nito. Pagkuwa'y napatingin siya kay Arnie at sinenyasan itong huwag maingay bago sinagot ang tawag.  "Hello, Joy! Did you see my pink folder?" "Hindi ate, why?" "God! Nawawala! Ando'n yung mga examples ko lahat-lahat pati mga important papers para sa meeting!" nag-pa-panic na ang boses nito. Alam niyang sisigaw na ito maya-maya kapag hindi nakita ang hinahanap.  "Saan mo ba huling inilagay ate?" kinakabahang tanong niya. Sana'y hindi mahalata ng ate niya na sinadya niya ang lahat.  "Sa side table ko lang sa sala nilagay, e. Kasama nung mga gamit mo," sambit pa nito. Worried na ang boses ni Tiffany at lihim siyang nakonsensiya dahil doon.  "What?? Wait..." kunwa'y binitin niya ang tinig at sandaling nanahimik.  "Ano?" untag nito maya-maya.  "Oh my God ate!" "Ano nga??" tama siya. Ngayon nga ay sumisigaw na ito.  "Shockss ,ate!! Nadala ko dito sa store. Oh, my!! I'm sorry, ate. Basta dinampot ko na lang kasi lahat kanina sa table. Hindi ko napansin 'yung folder mo. I'm sorry ate." "Ano?? Pa'no na 'yan?? Pupunta pa ko ngayon diyan?? Tsk! Joy naman kasi, e!!" narinig niyang umaangil na ito sa kabilang linya. "Ate hindi ko naman sinasadya, e. Sorry na, 'wag ka ng magalit, ate. Daan ka na po dito, hindi naman ako pwedeng umalis dito." "Hay! Ano pa nga ba! Wala naman akong choice dahil hindi pwedeng wala 'yan sa meeting!" anito bago ibinaba ang linya.  Napapailing na binalingan niya si Arnie. "O ayan na, dadaan na si ate dito!" anunsiyo niya.  "Ano nga kasi ang ginawa mo?" kunot noong tanong nito.  "Okay, kinuha ko 'yung folder ni ate dahil alam kong hindi siya makaka-attend ng meeting na wala 'yon." "Whattt??" Napatayo ito dahil sa narinig.  "At bakit hindi?? Gusto mo nga siyang makita hindi ba??" "Oo nga pero hindi sa ganoong paraan, Joy. Para ko na ring niloko ang ate mo." "Sus! Okay lang 'yun no! Saka good naman yung reason ko kaya hindi naman siguro masama 'yon." "Nagi-guilty tuloy ako. Oo nga't gusto kong makita si Tiffany pero ayoko naman nung ganito na may halong panloloko." "Alam mo Arnie Vasquez, hindi rin maganda yung hindi ka marunong magsinungaling! Minsan mainam rin yung marunong ka, lalo na kung para i-surprise ang taong mahal mo!" "Saan mo naman nakuha 'yang dialogue mo?? Kakaiba 'yan, ah!" "Ganun ang gusto naming mga babae 'no! Yung sinusorpresa, kaya 'wag kang ano diyan! Makinig ka sa akin!!" "Okay, wala na kong sinabi. 'Wag na tayong magtalo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD