Chapter 7

1764 Words
TIFFANY "Mommy!! Mommy!! Saan punta po?" humahangos si Catie papunta sa ina nang makitang nakagayak na ito.  "May meeting ang Mommy, baby." Bahagya siyang yumukod para pantayan ang anak at gawaran ito ng halik sa pisngi.  "Ano'ng oras ka po uwi?" inosenteng tanong nang anak niya.  "Hindi pa alam ng Mommy, anak, e. Pero naiintindihan mo naman 'di ba?" nakangiting sabi niya habang hinihimas ang buhok nito. Araw-araw ay ipina-i-intindi niya rsa anak na ang pagtatrabaho niya ay para sa future nito.  "Yes, Mom. I understand po. Mag-play na lang po kami ni lolo." Niyakap siya nito at isang mabilis na halik sa pisngi niya ang ginawa. Ito ang gusto niya sa anak, matured na itong mag-isip at naiintindihan nito kung bakit laging naiiwan sa pangangalaga ng mga magulang niya.  "That's my girl!" Pinisil niya ang pisngi nito. "Ano'ng lalaruin n'yo ni lolo?" "Taguan, Mom. Si lolo po lagi ang taya." Bigla ay lumuwang ang ngiti nito pagka-alala tungkol sa laro. Isa sa mga siniguro nang pamilya niya na kahit hiniwalayan niya ang ama nang anak ay hindi nito mararamdaman na may kulang rito. Iyon ang dahilan kung bakit talagang binubusog nila ang bata sa pagmamahal lalo na nang lolo't lola nito.  "Okay pero be careful baby, ha? And be a good girl to lolo and lola, okay?" "Okay, po. Can I ask you something, Mommy?" "Sure. Ano 'yun, anak?" "When po uuwi si daddy? Ang tagal na po niyang hindi umuuwi, Mom. Gustung-gusto ko na po siyang makita," anang bata habang nakasimangot. Hindi na siya nagulat sa tanong nito dahil madalas naman ay hinahanap talaga nito ang ama.  "Don't be sad, sweetie. Daddy said na miss na miss ka na rin daw niya. Busy lang ang daddy sa work ngayon, baby. Pero 'wag ka na sad Catie baby, ha? Kasi malapit na kayong magkita." Kinarga niya ito at mahigpit na niyakap. Ang totoo'y naaawa na rin siya sa anak. Malapit si Catie sa ama at ngayon lang nangyari na hindi nito makita nang matagal si Zach kaya alam niyang totoong nangungulila ang bata. At tama ang sinabi niya. Papayagan na niyang magkita ang mag-ama para sa anak niya.  "Really, Mom?" anito na namimilog pa ang mga mata. "Yes. C'mon, smile ka na, sweetheart," aniya nang ibaba ito.  "Yey!! Hindi na po ako sad!!" tumatalon-talon pang sabi nang bata. Kitang-kita niya ang pag-aliwalas ng mukha nito.  "That's my baby. Do you want pizza later?" pinisil niya ang pisngi nito at hinalikan pagkatapos.  "Yes po!" "Okay, hintayin mo ako mamaya, ha? I'm going home later with pizza," nakangiti niyang sabi.  "Okay, Mom. I love you. See you later!' "Bye, baby! I love you more!"  BAKESHOP "Be ready, Arn. Ate's on the way here," ani Joy maya-maya. Bakas sa kilos na kinabahan ito sa pagdating nang kapatid. "No! Ayun na siya sa labas, o!" sabay turo kay Tiffany na pababa na ng tricycle at ngayon ay naglalakad na papunta sa kanila. She was wearing a black bodycon dress na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba, sa tingin niya ay lalong pumuti ito dahil sa kulay ng damit. Walang manggas iyon kaya expose ang magandang hubog ng braso nito.  Si Tiffany naman ay bahagyang nagulat nang madatnan na ang kotse ni Arnie doon ng gano'n kaaga. Habang naglalakad ay naisip niyang marahil ay may pinuntahan ito at napadaan lang sa kanila.  "Good morning, guys!" "Morning, Tif!" bati rito ng binata. "Ang aga mo, Arn ah!"  "Kadarating lang din niya halos ate, may binili lang siya," segunda ni Joy. Alanganin kung lalapit sa kanya o hindi.  "Tama. Nagpabili si Mom ng pastillas, ewan ko, ipang-re-regalo yata," anitong napahimas pa sa batok na tila nahihiya.  "Ahh...suki talaga namin ang Mom mo sa pastillas 'no?" nakangiting sabi niya rito. Paano ay hindi nawawala iyon sa mga binibili nito kapag pumupunta dito sa shop niya.  "Yeah. Actually, she even tell her amigas about it. And hindi na ako magtataka kung one of these days ay dudumugin ka na rin ng mga amigas ng Mama," sinserong sabi ng binata.  "Really? Pakisabi salamat, ha?" Naantig siya dahil sa sinabi nito lalo't hindi niya naisip na i-re-rekomenda pa ng Mama nito ang mga produkto niya.  "Okay, makakarating," anitong muling naghilot ng batok. Hindi niya maintindihan ang kilos nito na gayon. Matagal tagal na rin silang mag-ka-ka-kilala pero minsan ay napupuna niya na tila hiyang hiya sa kaniya ang binata.  "Joy, asan na pala?" tanong niyang binalingan si Joy pagkatapos. Kailangang makita niya ang hinahanap para makahinga na siya nang maluwag. "Here ate!" ani Joy sabay abot sa kaniya ng folder. "Ahhmmm...hindi ba sobrang aga mo naman ate? 1pm pa ang meeting mo 'di ba?" tanong ni Joy maya-maya.  "Mainam na yung maaga ako kaysa late, sis." "Tama ang ate mo, Joy. Mas magandang ikaw ang maghihintay sa mga clients," segunda ni Arnie. "Saka kanina sa bahay ay nagtatanong si Catie about kay Zach, kaya napaalis din ako agad," aniya pa habang sinisipat ng tingin ang loob ng kanyang folder.  "Kaya naman pala, e. Ano ba'ng itinatanong?" ani Joy. "Huwag na lang nating pag-usapan," tipid niyang sabi. Desididong sarilinin ang napag-usapan nila ng dating asawa.  Nang sumapit ang alas-onse ay nagpaalam na si Tiffany na aalis na. Kahit nagtataka kung bakit hindi pa rin umaalis si Arnie ay hindi naman niya magawang magtanong dahil baka ma-offened amg binata at isiping pina-a-alis niya. Baka sabihin pa nitong iniisip niya na nakakaistorbo ito sa shop kaya hindi na lang siya kumibo. Inipon niya ang lahat ng gamit at pagkatapos ay sinipat ang sarili sa kaniyang vanity mirror. Nang makuntento ay isinabit niya sa balikat ang shoulder bag at nagpaalam na sa dalawa.  "I have to go, guys. Bahala ka na rito, Joy ha?" "Oo ate." "God kinakabahan ako! Please pray for me na maayos akong makapag present sa kanila mamaya," bago tuluyang lumabas ay sabi niya.  "Ano ka ba naman, ate! Ngayon ka pa ba kakabahan, e ang dami mo ng past transactions sa mga bigatin din namang clients." Pagpapalakas loob sa kaniya ni Joy.  "Oo nga, Tiffany. Kayang-kaya mo 'yan no! Ang galing mo kaya!" segunda ni Arnie na walang kakurap kurap na nakatitig sa kaniya.  "Thank you sa inyo, pero kabado kasi ako kapag nag-di-discuss."  "Okay, let me remind you, Tiffany. Sa mga past transactions mo, kabado ka rin 'di ba? But at the end of that meeting, still, nakukuha mo ang tiwala nila, right?"  Napaisip siya sa sinabi ng binata. "Yeah. Right! Thanks, Arn! Tama kayo, I can do this!" posotibo ng sabi niya.  "That's the spirit ate! Good luck!" "Thanks! Mauna na ko sa'yo, Arn! Diyan ka muna para may kasama si Joy." Humakbang na siya papunta sa pinto nang magsalita ulit ang kapatid.  "Ahh...ano kasi, ate. Ahmmm...aalis na rin kasi si Arnie, 'di ba?" ani Joy na nilinga si Arnie sa tabi.  "Ahh...oo nga, Tiffany. Come, sumabay ka na sa akin." Tumayo ang binata at sumunod sa kanya.  "Naku hindi na, Arn. Nakakahiya sa'yo," tanggi niya.  "No. I insist! Come on, ihahatid na kita sa pupuntahan mo, pamimilit pa nito. "Ate sige na, wala halos dumadaan na jeep dahil balita ko strike ngayon," ani Joy na ikinaalarma niya. Paano kung totoo iyon? Siguradong hindi siya aabot sa takdang oras.  "Well, mukhang wala kang choice, Tiffany," nakangiting baling muli ng binata sa kanya.  "Oo nga. Nakakahiya pero ngayon pa lang, e, magpapasalamat na ko sa 'yo, Arnie," nahihiyang sabi niya.  "Okay, so? Let's go?" Nagpatiuna ito at saka itinulak ang front door para sa kanya.  "S-sige, tara. Una na kami sis," Binalingan niya ang kapatid bago tuluyang lumabas.  "Bye! Ingat kayo!" baling nito sa kanila na kay Arnie partikular nakatingin. Hindi na nakita ni Tiffany na nag-kindatan pa ang dalawa.  "ARN, saan ka nga pala nakatira? I mean taga saan ka?" kasalukuyan ng tumatakbo ang kotse at naiilang siya dahil sa katahimikan kaya nagawang itanong ni Tiffany sa binata.  "Secret," sagot nito habang tutok ang mata sa daan.  "Ay, bakit naman? Masama bang malaman?" kunot-noong tanong niya. Hindi inaasahang ganoon ang isasagot nito.  "Hindi naman, pero 'wag mo na lang alamin," ani Arnie na nang tingnan niya ay lihim na nangingiti. Paano ba naman kasi ay kitang-kita nito ang pagtikwas ng gilid ng labi ni Tiffany. "Okay." "Hey! Huwag ka ng mag-tampo, soon malalaman mo rin," anito dahil nakita yata ang pag-simangot niya pero nanatili siyang walang kibo. Nakaka-dismaya lang dahil lahat ng tungkol sa kanilang magkapatid ay halos alam na nito ngunit ito ay hindi masabi kahit ang kung saan ito nakatira.  Sa isang kilalang restaurant sa bayan nila ang meeting place ni Tiffany sa kaniyang kliyente. Nagulat siya nang malamang hindi alam ni Arnie kung saan iyon. Tawa siya ng tawa na para bang nakarinig ng isang matinding joke mula sa binata.  "What?? Seriously?? Hindi mo alam kung saan ang Diana's?" tatawa-tawa pa ring tanong niya.  "Yeah. Totoo. I'm sorry." Napakamot ito sa ulo kaya nabatid niyang hindi ito nag-si-sinungaling. "Okay, ako na lang ang bahala sa direction." "Sige." Alas dose y medya nang makarating sila sa restaurant. May kalahating oras pa siya bago sumapit ang takdang oras at sa tingin naman niya ay wala pa ang kaniyang kliyente kaya hindi muna kaagad siya bumaba.  "So ito pala ang Diana's. Now I know," nakangiting wika ni Arnie habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng lugar habang nagtatanggal ng seat belt.  "Salamat sa paghatid, Arn. Napalayo ka na tuloy." Sinimsim niya ang mga gamit at inilagay sa kandungan. "Okay lang 'yon, Tiffany. Walang kaso sa akin kahit saan pa yan, kahit gaano kalayo, ihahatid pa rin kita." Matiim ang titig nito sa kanyang mga bata bago maya-maya ay dahan-dahang ngumiti. "S-salamat. Gusto mo ba munang pumasok? I mean wala pa ang kliyente ko, umorder muna tayo? Pangbawi ko sa paghatid mo," aniya maya-maya dahil naiilang na siya sa paraan ng pagtitig nito. Tila siya nahihipnotismo.  "No need, Tif. It's my pleasure," anito bago bumaba at lumigid sa tapat niya para pagbuksan siya ng pinto ng kotse. "Sigurado ka?" aniya nang makababa na.  "Yeah," nakangiting sagot nito pagkatapos ay sinuklay ng mga daliri ang buhok.  "Okay, if that's the case, pasok na ko, ha?" "Sige. Good luck! 'Wag kang kakabahan, take it easy."  "Thank you, nawala ng konti yung nerbiyos ko." "Mabuti kung gano'n. Halika hatid na kita sa loob." Akmang kukunin pa nito ang mga gamit niya pero tumanggi na siya. Masyado na niya itong naabala.  "Hindi na, Arn. Sige na, bawi ako sa'yo some other time." "Asahan ko 'yan, ha?" "Yeah. Ingat ka!" Tinanaw niya ito hanggang sa makabalik sa kotse ang binata at saka lamang siya pumihit papasok sa restaurant. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD